Mabilis na hinawakan ni Sandro ang kanyang braso at hinila siya sa likod nito. His wide body blocked her. Halos hindi na niya makita ang mga nasa unahan. Hinanap ng mga mata niya si Mia. Nakita niyang nakatakbo pala ito at nakisiksik sa mga taong nasa sulok.
"Ano'ng kailangan ninyo? Mukhang nagkamali kayo ng pinuntahan. Sana ay isang bangko ang pinuntirya ninyo," kalmado nitong wika.
"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa," sagot ng lider. "Ang Viking horn lang ang kailangan namin. Kung maayos namin itong makukuha, walang gulong mangyayari."
"Fine," kalmadong wika muli ni Sandro. Napadako ang tingin niya sa bandang baywang malapit sa likod ng binata at noon lang niya nakita, may nakasukbit palang .45 caliber handgun ang binata sa baywang nito. At dahil nasa bandang likod, siya lang ang nakakakita rito.
"Pag sinabi kong dapa, dumapa ka, naiintindihan mo?" he whispered to her with head slightly tilted to her direction. She could barely see the dark, stern face in front of her.
She jerked her head in a brief nod. Fear started to knock her off.
Ang mga estudyante, guro at iba pang guests na naipon sa isang sulok ay ilang dipa ang layo sa kanilang dalawa at sa tatlong holdaper. Kung makikipagbarilan si Sandro sa mga holdaper na ito na hindi nababago ang kani-kanilang pwesto ay pwedeng hindi matamaan ang mga ito. Siya ang nanganganib dahil nasa likod lang siya nito. Iniisip niyang hindi naman siguro ilalagay ni Sandro sa panganib ang buhay ng mga guests gayundin ang sa kanya. Malamang ay kusa na lang nitong ibigay ang silver horn na sadya ng mga kriminal.
"Narito ang inyong hinahanap," his right hand pointed out on the rectangular vitrine which was one yard away from them. "Maaari nyo nang kunin at pagkatapos ay umalis na kayo," kalmado pa rin nitong sabi pero sa halip na ibaba ang kamay na nagturo sa silver horn ay mabilis na dumako iyon sa sariling likuran. Hudyat iyon upang dumapa siya agad.
"Dapa!" Isang malakas na sigaw mula rito ang narinig niya kasunod nang sunod-sunod na putok. Si Sandro ang unang nagpaputok, tinamaan agad ang pinakalider, gumanti ang nagulat na dalawa nitong kasama pa pero pati sila ay nahagip ng sunod-sunod na bala mula sa baril ng binata. Akalain mo, sharp shooter pala ang mayabang na ito.
But a stray bullet hit the glass box that protected the silver horn. Sa lakas ng tama ng bala ay dagling nabasag ang glass box at tumilapon sa tabi niya ang silver horn kasunod ng pagbagsak ng mga bubog ng nabasag na salamin. Napapikit na lang siya upang protektahan ang sariling mga mata. Naramdaman niya ang kirot nang bumaon sa balat niya ang maliliit na bubog.
Narinig niya ang pagkalabog ng dalawa pang katawan sa sahig kasunod noon ay ang pag-akyat ng mga security guard sa second floor.
It took for a moment or two before she opened her eyes. She automatically surveyed the whole room. She saw Sandro talking with the security guards. He heard him instructing the chief security to call the police station. The other people on the second floor were still shocked. None of them was moving.
Nervously, she managed to stand upon sensing that all of them were safe. Napasulyap siya sa Viking horn na nasa sahig. She automatically picked it up. Worried that it must have been broken.
"Yvonne, are you alright?" She heard Sandro. He was now drawing near. Worries registered on his eyes.
"I'm okay..." she said softly. "The horn..." she handed the horn to him. He immediately received it from her.
"My God, Yvonne, you're bleeding!" he said in panic.
Noon lang niya napansin na may pulang likido na umaagos mula sa kanyang palad malapit sa pulso. The cut could have been deep for the blood was oozing freely. May maliliit din siyang sugat sa mga braso at sa ibabaw ng kanyang mga kamay.
"I'll bring you to the clinic." His strong arms and hands lifted her and he rushed downstairs. "Gab," he called. A handsome man, probably of his age rushed in. He must be Gab. "Bahala ka na dito. I have to bring her to the clinic."
Ang OA naman ng isang ito. Bulong niya sa sarili. Ang layo naman ng mga sugat na iyon sa kanyang bituka pero parang mamamatay na siya kung mag-alala.
She just wrapped around her arms to his neck and savoured the pleasure of being closed to his body. She smelled the scent of cologne that he probably sprayed on it this morning.
She secretly smiled. Sino ba ang nagsasamantala kanino?
And what was happening to her? Katatapos lang ng isang nakapanghihilakbot na insidente na puwedeng ikapahamak sana nilang lahat pero heto siya at mukhang nagdidiwang pa.
And why not? It's not everyday that an ordinary woman like her would be given an opportunity like this to rest on the muscled arms and chest of Sandro Montreal.
*Tnx for reading. Votes and comments pliiit!
-Ara-
BINABASA MO ANG
A The Mark Of A Stallion Novel:CLAIMING THE VIRGIN'S BLOOD (Published)
ParanormalAnother one fine frat-man from Alpha Sigma Rho that bears The Mark Of A Stallion. Meet SANDRO MONTREAL. HOT. ALPHA. DOMINANT. BILLIONAIRE.