It was already dark when Yvonne reached Tagaytay. She heaved a sigh. Kung hindi lang siya naipit sa traffic sa coastal road, hindi sana siya aabutin ng ganitong oras sa pagda-drive. It was Friday night. Expected talaga na traffic sa kahabaan ng Aguinaldo Highway dahil sa mga taga-Maynila na umaakyat sa Tagaytay para doon sulitin ang buong week-end.
Pagsapit niya sa rotunda ay kinabig niya ang manibela pakaliwa, papasok ng Sungay Road.
She was now heading to Montreal Museum. After her horrible nightmares about the Viking warrior who would always chase and attempt to rape her, she felt that this place had something to do with it particularly the Viking horn that she picked up from the floor after the hold up incident.
Ngunit kung paano niya hahanapan ng kasagutan ang kakatwang nangyayari sa kanya ngayon ay hindi niya alam. Basta't nakakasiguro siya na nasa Montreal Museum ang kasagutan sa mga bagay na gumugulo sa isip niya ngayon.
It was eleven o'clock. Medyo maluwag na ang traffic sa kalsada. She was a little bit relaxed now. Sumasabay pa nga siya sa mga awitin ng Carpenters na pumapailanlang sa loob ng kotse. Maya-maya pa ay narating na niya ang Montreal property pero hindi niya itinigil ang kotse. Plano niyang bukas na lang tumuloy sa Montreal Museum yaman din lang at gabi na. Magpapalipas na lang siya ng magdamag sa pinakamalapit na inn sa lugar.
Kampante siyang nagmamaneho nang biglang isang nilalang ang sumulpot mula sa kung saan. Iniharang nito ang sarili sa gitna ng kalsada mabuti na lang at maagap niyang natapakan ang preno.
Nagtataka man ay pinilit niyang inaninaw ang mahiwagang nilalang sa tama ng liwanag na nagmumula sa headlight ng kanyang kotse. At ganon na lang ang sindak niya. A loud scream escaped from her mouth.
Ang malaking lalaking may pulang buhok at bughaw na mga mata sa kanyang panaginip, na nakasuot ng Viking costume at may iwinawasiwas na palakol sa ere ay naririto ngayon sa kanyang harapan.
He must be an unordinary man. Because if not, he would not block her way using his own body. Hindi ba alam ng gunggong na ito na puwede siyang mapahamak kung hindi niya natapakan agad ang break? But there's no more time to think of this man. She knew that she was in danger now. Kung sinadya nitong iharang ang sariling katawan sa paparating na kotse, ibig sabihin ay may plano itong hindi maganda.
'But you cannot get me. No way.' Bulong niya sa sarili sabay tapak ng mariin sa silinyador. Biglang bumirit ang kotse patungo sa walang katinag-tinag na nilalang. Sapol ang malaking bulto sa unahan. Dinig pa niya ang malakas na tunog na nilikha ng pagtama ng hood ng kotse sa katawan nito.
Ngunti sa halip na tumilapon ay himalang nakasampa ito sa unahan ng kotse at ngayon ay mabalasik na nakamulaga sa kanya ang duguang mukha. Salamin lang ang pagitan nila, at sa tama ng liwanag ng buwan at mga street lamp, kitang-kita niya ang bughaw na mga mata nito na katulad ng sa kanya, mahabang peklat mula sa noo patungo sa pagitan ng dalawang mata, matangos na ilong at manipis at tikom na mga labi, gayundin ang mahabang bigote at balbas na gumagalaw sa ihip ng hangin. Mapula rin ang balat nito na tila sinadyang sinunog sa araw. He must be a Caucasian. A mysterious creature from the west.
Hindi niya makita ang uanhan dahil nakaharang ang malaking katawan ng lalaki kung kaya alam niyang unti-unti na siyang nawawala sa lane. Nag-umpisa na siyang mag-panic. She couldn't decide if she would stop the car. Panay ang sigaw niya sa loob.
The man started pounding the windshield with his hand. When he realized that he couldn't break it, he hit the mirror using his axe. Kasabay ng pagkabasag ng salamin ay ang malakas na kalabog sa unahan.
Napasubsob ang dalaga sa manibela. Mabuti na lang at ikinabit niya ang safety belt dahil kung hindi ay malamang na sa basag na salamin sa unahan tumama ang kanyang mukha. Nagdilim ang paningin niya hanggang sa unti-unti siyang mawalan ng malay.
It was not a usual night for Sandro. Galing siya sa Tagaytay Highlands para sa isang business conference at ngayon ay binabaybay na ng kanyang Montero ang kahabaan ng Sungay road. Pero kanina pa siya kinakabahan na hindi niya maipaliwanag. He called up Gab to check if everything was okay in the museum. Gab had a special room inside the museum that served as his office and at the same time, his private room. He also called up Evelyn, his fifty year old governess in the mansion. Pero ang sagot ng mga ito na nasa maayos na kondisyon ang lahat ay hindi pa rin siya mapakali. Malakas ang tibok ng puso niya at balisa siya.
He was few meters away from Montreal property when he noticed a car accident on the way side. Mukhang kapapangyari pa lang nito dahil wala pang rescue team siyang nakikita. Itinabi niya ang kanyang kotse at dahan-dahang ibinaba ang salamin. Napaangat ang katawan niya mula sa pagkakaupo nang makakita siya ng isang nilalang na tila may pilit na hinuhugot mula sa loob ng kotse. Basag ang salamin sa tapat ng driver's seat at doon nito idinadaan ang tila hindi gumagalaw na katawan ng driver.
Shit. Napamura siya sa sarili nang unti-unting luminaw ang kaanyuan ng nagmamay-ari ng malaking bulto. He blinked his eyes several times. He couldn't be wrong. The man outside the car was wearing a Viking costume. He must be the serial killer as described by the witnesses.
He immediately took his .45 caliber. Lumabas siya ng kotse at itinutok ang baril sa mahiwagang lalaki sabay putok dito. Napaigtad ito kasabay ng pag-atungal palatandaang nasapol ito ng bala. Isang putok pa at bahagya itong sumuray ngunit nagawa pa ring humarap sa kanya. Umakmang susugod ito pero muli niya itong pinaputukan. Biglang pumihit ito at pasuray-suray na tinungo ang kadawagan, akmang tatakas. Sunod-sunod na kinalabit niya ang gatilyo ng baril, desididong tapusin ang mahiwagang nilalang. Tuloy-tuloy lang ito sa loob ng madilim na kahuyan hanggang tuluyan itong lamunin ng kadiliman.
"Bala lang pala ang katapat mo," mariing wika niya. "Alam kong hindi ito ang una nating paghaharap. Sinisigurado ko sa iyo na paghahandaan ko ang kasunod, Viking. I swear."
Then he turned to the victim who was still sitting motionlessly on the driver's seat. Noon lang niya napansin na isa pala itong babae. Maagap na itinapat niya ang dalawang daliri sa leeg nito. Buhay pa ito, malamang ay nawalan lang ng malay dahil sa takot.
Dahil basag na ang salamin sa tapat ng driver's seat ay madali niyang naabot ang lock ng pinto. Nang mabuksan ito ay maingat niyang binuhat ang babae mula sa loob. She was tall but her slim body made it easier for him to remove her from the driver's seat and carry her towards his Montero.
Maingat niyang iniupo ito sa tabi ng driver's seat saka mabilis na pumasok na rin sa loob ng sasakyan. Before he turned the ignition key, he scanned the face of the woman beside him. He almost dropped his jaw when he recognized her. It was Yvonne Mitchell.
Holy cow! Ano'ng ginagawa ng babaeng ito sa lugar na iyon at sa dis-oras pa ng gabi? Mabuti na lang at napadaan siya sa lugar na ito ngayon dahil kung hindi ay malamang naging biktima rin ito ng mahiwagang Viking na iyon.
He stared again on the angelic face of Yvonne. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang babaeng iniligtas ay walang iba kundi ang babaeng pinapangarap niya. Sadya bang muli silang pinagtagpo sa ganoong sitwasyon upang maging tagapagligtas ng dalaga?
BINABASA MO ANG
A The Mark Of A Stallion Novel:CLAIMING THE VIRGIN'S BLOOD (Published)
ParanormalAnother one fine frat-man from Alpha Sigma Rho that bears The Mark Of A Stallion. Meet SANDRO MONTREAL. HOT. ALPHA. DOMINANT. BILLIONAIRE.