Chapter 14.2

7.4K 236 29
                                    

Walang kibong tinititigan ni Halvar ang pendant ng hawak na kuwintas. Malaki ang pagkakatulad nito sa susi na ibinigay niya kay Thora. Ngunit nagpahiwatig ang babaeng nagmamay-ari nito na hindi siya kilala. Kung hindi si Thora ang babae sa malaking bahay, paanong napapunta rito ang susing ito?

He grind his teeth. A familiar ache rushed in his chest. Malakas talaga ang kutob niya na ang babae sa malaking bahay na iyon at si Thora ay iisa. Katulad niya ay marahil nahihirapan din ito na alalahanin ang nakaraan kung kaya tila hindi siya nakikilala nito. Pero suot pa rin nito ang simbolo ng pagiging asawa niya. Samakatuwid ay wala pa rin siyang kapalit sa puso nito.

Kung paanong napunta silang dalawa sa lugar at panahong ito ay hindi niya alam. Maaaring marami talagang nangyari noong panahong namatay siya. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay natagpuan na niyang muli ang babaeng iniibig at babawiin niya ito mula kay Ansgar sa anumang paraan.

At si Ansgar? Pahihirapan muna niya ito bago patayin, gayundin si Rangvald at si Hildebrand. Ipararanas niya sa mga ito ang impyernong pinagdadaanan niya ngayon.

He closed his eyes firmly and he saw Thora in his imagination again. Her blonde hair, her beautiful face matched with blue eyes, her white, smooth skin and her tapered but curvaceous body that brought him many heavenly pleasures every time he made love with her. He missed her so much. Hindi kayang pawiin ng katawan ng mga naging biktima niya ang pangungulila rito.

.

He threw a glance to a young woman lying motionless beside him, bathing in her own blood and dead. Sapilitan niya itong kinuha sa isang bahay na nadaanan niya kaninang tumatakas siya. Pinatay din niya ang mga magulang nito na nagtangkang pumigil sa kanya.

He clenched his fists and growled in anger. Hindi puwedeng habambuhay siyang ganito. Pumapatay at umiinom ng dugo ng birhen upang manatiling buhay at malakas. Pagkatapos ng kanyang paghihiganti at mabawi si Thora ay aalis na sila sa lugar na ito. At kailangang maisakatuparan na niya ito sa lalong madaling panahon.

He kneeled to drink the fresh blood from the body of the woman. He sucked her hard as if draining her. Mas maraming dugo ang mainom niya, mas mapapabilis ang paggaling at paglakas niya. This will be the last, bulong niya sa sarili. Isinusumpa rin niya ang kahayupang ginagawa niya.

Huminto lang siya sa pag-inom nang mabusog. Kitang-kita niya kung paano unti-unting naghilom ang kanyang mga sugat at mahinto ang pag-agos ng sariwang dugo mula sa mga iyon. Bumalik sa dating anyo ang balikat niyang nawasak, pumasok muli sa loob ng tiyan niya ang bitukang nakalawit kanina, pagkatapos ay dahan-dahang naghilom ang wakwak na bahagi ng kanyang tagiliran malapit sa tiyan.

Unti-unti na ring nanumbalik ang kanyang lakas at sigla, pakiramdam nga niya ay mas malakas siya kaysa sa dati. Dinampot niya ang kanyang axe at dahan-dahan siyang tumayo. He stretched his arms, pushed his chest out ang growled. Ngayon ay handang-handa na siyang bumalik sa malaking bahay at isakatuparan ang paghihiganti at pagbawi kay Thora.

*Thanks for reading. Your votes and comments, please.

ARA

A The Mark Of A Stallion Novel:CLAIMING THE VIRGIN'S BLOOD (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon