Bahagyang natigilan si Halvar nang biglang mawala ang halimuyak na sinusundan niya kanina. Nasa kusina na siya ng mansyon, dito siya dinala ng kanyang mga paa habang sinusundan ang mabangong amoy na bumuhay sa kaniyang pagnanasa at nagpakalam ng kanyang sikmura kaninang nagkukubli siya sa paligid ng mansyon.
If not for these stupid men who blocked his way with their explosive weapons, there was no problem getting that woman. But anyway, he already killed all of them. At nakahanda siyang patayin lahat ng magtatangkang pumigil sa kanya upang makuha ang babae.
But now, he was not only after that woman. Kaninang nakikipaglaban siya sa mga bantay ng mansyon ay may isang matangkad at medyo maitim na lalaki ang biglang dumating at pinaputukan siya, dahilan upang mawakwak ang kanyang tagiliran sa lakas ng sandata nito. Ito rin ang lalaking nakasagupa niya noong isang gabing may mabibiktima sana siya.
He closed his eyes firmly as if trying to remember something in the past.
Matangkad, malapad ang dibdib at balikat, malaki ang katawan, maitim ang balat gayundin ang medyo kulot na buhok.
He suddenly opened his eyes. A familiar face appeared in his imagination.
"Ansgar..." pabulong niyang wika, naniningkit ang mga mata.
The fire of anger and pain suddenly ablazed. Ansgar, the warrior who took Thora was also here. Hindi kaya ito rin ang kumuha at nagtago sa birheng kanina pa niya hinahanap? And if Ansgar was here, was it possible that Thora was here also?
Sumigaw siya nang ubod lakas. Binuhat ang mga silya at mesa sa loob ng kusina at malakas na ipinagtatapon. Nararamdaman niyang naroroon lang si Ansgar at ang birhen. He had to find him. He had to kill him.
Napakislot mula sa basement si Sandro at Yvonne nang marinig ang kalabugan sa itaas ng basement. Nasa malapit lang ang Viking. He would find them any time.
Ikinasa ni Sandro ang hawak na M-16 rifle at maingat na lumapit sa hagdan. She followed him.
"I know I cannot kill him," he whispered. "Pero pansamantala ko siyang mapipigilan sa pagkuha sa iyo. Kung magkakaroon ka ng pagkakataong makalabas dito, sikapin mong makapunta sa museum, mas ligtas doon. Isa pa ay naroroon si Gab, hindi ka niya pababayaan."
"Paano ka?" may pag-aalalang tanong niya.
"Don't worry about me. Ang importante ay ikaw. Ayokong mapahamak ka, blue eyes."
"Bakit?"
He didn't answer. He placed his hand on the back of her head and pulled her towards him. He kissed her with intense passion and she responded with renewed fire. For a moment, they both forgot that their lives were in danger.
"Now, do I have to answer your question, blue eyes?"
"S-Sandro..." She looked at him dreamily.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto ng basement. Before they could move, they saw the Viking descending on the stairs.
At sa tulong ng liwanag na nagmumula sa kusina, mas lalo nilang napagmasdan ang anyo nito sa malapitan.
It couldn't be denied that he really came from the past, from the Middle Age to be exact. Pasuray na halos ang lakad nito dahil sa iniindang mga tama ng malalakas na kalibre ng baril sa buong katawan. Halos ubos na ang kaliwang balikat nito, wakwak ang tagiliran at nakalabas na ang bituka. Punit-punit na rin ang magara nitong kasuotan.
Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Sandro. Lahat ay tumama sa katawan ng Viking ngunit himalang napapahinto lang ito, pagkuwa'y tuloy pa rin sa paglapit sa kanila.
"Shit!" napamura ang binata nang maubos na ang bala ng baril niya.
He didn't wait for him to draw closer. Agad itong sumugod sa Viking at inihampas dito ang baril. Hindi ito ininda ng mandirigma.
He moved backward and whirled his right foot in the air. It hit its target. Bahagyang napabiling ang Viking nang tumama sa mukha nito ang paa ng binata. And before he could move, Sandro's left foot hit his stomach. Napaurong ang Viking pero hindi sapat ang lakas noon para matumba ito.
Ilang kumbinasyon ng suntok ang sunod-sunod na tumama sa katawan at mukha ng mandirigma. Umuungol ito sa bawat tama pero himalang nakatayo pa rin ito. Ilang suntok naman nito ang kahanga-hangang naiwasan ni Sandro. For the succeeding minutes, they exchanged strength and knowledge in fighting. They were both good warriors.
She heaved a weary sigh. Sandro was good in martial arts. Pero hanggang saan ang itatagal ng binata sa pakikihamok sa kalabang hindi napapagod at lalong hindi namamatay?
Hanggang isang suntok ng Viking ang hindi naiwasan ng binata. Nasundan iyon ng isa pa at isa pa.
Napapatili siya sa bawat suntok na tinatanggap ni Sandro. Pakiramdam niya ay siya ang tinatamaan.
The Viking carried Sandro on top of his head with his two hands and threw him to the wall. Napaliyad ang binata nang tumama ang likod niya sa matigas na pader. Bloody, he fell to the floor.
Lumapit ang Viking sa lalaki at itinapak ang paa sa mukha nito, desididong pisain ang ulo niya gamit ang paa lang.
"Ansgar...Ansgar..." he angrily breathed.
Hindi nakatiis si Yvonne. Ibinato niya sa Viking lahat ng kaya niyang ibato rito.
"Ano ba'ng kailangan mo sa amin, halimaw ka? Saang impyerno ka ba nanggaling? Bakit mo kami ginugulo?" sigaw niya.
The Viking looked at her. Naniningkit ang mga mata nito. Parang pilit kinikilala siya, until his eyes focused on the Viking key pendant of her necklace. Kumikislap kasi ito sa kakaunting liwanag na pumapasok sa basement.
"Run, Yvonne. Run...please..." mahinang sabi ni Sandro.
The Viking walked towards her. Himalang nawala ang mabangis na anyo nito.
"Yvonne, run. Shit! What are you waiting for?"
Sensing danger, she ran towards the stairs. The Viking followed her. She was in the middle of the stairs when he grabbed and pulled her hair. Pakaladkad na hinila siya nito palabas ng basement.
"Bullshit, saan mo siya dadalhin, hayop ka," sigaw ng binata. Pinilit nitong tumayo pero hindi kinaya ng likod nitong tila nabali ang buto. He crawled on the floor instead.
OMG! Mailigtas pa kaya ni Sandro si Blue Eyes mula kay Halvar? Your votes and comments, please. Tnx.
ARA
BINABASA MO ANG
A The Mark Of A Stallion Novel:CLAIMING THE VIRGIN'S BLOOD (Published)
ÜbernatürlichesAnother one fine frat-man from Alpha Sigma Rho that bears The Mark Of A Stallion. Meet SANDRO MONTREAL. HOT. ALPHA. DOMINANT. BILLIONAIRE.