Wala na ngang nagawa si Yvonne kundi sundin ang gusto ni Sandro. Sa isang banda ay tama naman ang binata. Mas ligtas siya sa loob ng Montreal compound at mas may tsansa na makaharap niya ang Viking warrior.
Nang araw ding iyon ay dumating ang sampu pang security guards na ni-request ni Sandro mula sa isang security agency. Kasunod namang dumating ang limang police officers na tutulong na magbantay sa loob ng Montreal compound.
He also instructed her to stay inside her room. Maging ang pagkain niya ay dinadala ng mga katulong sa silid niya.
"Why is he so protective of me? Sa ano'ng dahilan at pinoprotektahan niya ako ng ganito?" tanong niya kay Evelyn nang ito ang mag-akyat ng kanyang hapunan.
"Because he likes you, iyon lang ang dahilan," walang anumang sagot nito habang inilalapag ang tray ng pagkain sa ibabaw ng isang mesa sa loob ng silid niya.
"I think he likes every woman that catches his fancy," she pouted her lips as a sign of disgust.
"Yes. Pero iba ka sa kanya. You must be special to him. And he doesn't only like you, I guess, he cares for you," ngumiti pa ang governess matapos magsalita.
"What made you say that? Sinabi ba niya sa iyo o sapantaha mo lang 'yan?"
"No. Wala siyang sinasabi sa akin pero I know him so well. Ako ang kanyang yaya mula pagkabata. Kilalang-kilala ko siya. Alam ko kung ano ang gusto at ayaw niya maging pagdating sa babae. Iyong mga babaeng nakaka-date niya, mga fling lang ang mga iyon, he didn't care for them. Pero pagdating sa iyo ay iba ang mga kilos niya. Labis siyang nag-aalala sa iyo at ngayon lang ito nangyari sa kanya. Wala pa siyang minahal na babae, Yvonne. Kung sakali ay ngayon pa lang."
Nang gabing iyon ay bigla siyang ginising ng sunod-sunod na putok ng baril. Kasunod noon ay ang tila pagkakagulo sa labas ng mansyon. Mabilis siyang bumangon upang alamin ito nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Iniluwa doon ang nagmamadaling si Sandro hawak ang isang baril na sa tingin niya ay mataas ang kalibre. Sakto namang kasusuot lang niya nang robe kung kaya natakpan ang katawan niyang aninag sa manipis na pantulog.
"Ano'ng nangyayari, Sandro?" naaalimpungatang tanong niya.
"Narito siya, Yvonne. Narito ang Viking na iyon, nasa paligid lang siya ng mansion at ilan sa mga security guards at pulis ang napatay na niya." Pagkasabi noon ay mabilis na humakbang palapit sa kanya ang lalaki.
"Ano?" Nagulat pa siya nang biglang hinawakan ni Sandro ang kanyang kanang braso.
"Sugatan na siya pero nakakapagtakang ayaw pa rin niyang umalis. Tila may hinahanap siya. Malakas ang kutob kong ikaw iyon, Yvonne, kung kaya kailangan kitang itago."
"At saan mo naman ako dadalhin?" tanong niya habang binibilisan ang hakbang dahil halos kaladkarin na siya ng binata.
"Sa basement. Bahala na. Pero bakasakaling hindi niya tayo masundan doon."
Halos hindi na niya namalayan kung paano sila nakababa sa mataas na hagdan. Tuloy-tuloy sila sa dining area hanggang humantong sila sa isang bahagi ng sahig na natatakpan ng tila sahig din. Binuksan ni Sandro iyon hanggang bumulaga sa kanila ang isang sikretong daan pababa sa basement. Binuksan nito ang hawak na flashlight upang maaninaw nila ang hagdan pababa.
"Si Evelyn at ang iba mo pang kasambahay, paano sila?" tanong niya habang pakapa-kapang bumaba ng hagdan. Sandro was following her behind.
"Don't worry about them. Nakatakbo agad sila sa museum. Mas ligtas sila roon dahil ikaw ang sadya ng Viking na iyon. Few minutes more and he will be inside the museum."
"What made you say that? How sure are you that he can follow me here if I am really the one he is looking for?"
"Oo. Nasusundan ka niya dahil sa halimuyak mo. Naamoy niya ang kabirhenan mo."
She looked at him with creased brow as a sign of disbelief. Nang biglang may kung anong kumalabog sa itaas kasunod noon ay ilang putok ng baril. "Diyos ko!" sambit niya sabay yakap sa matipunong katawan ni Sandro. "Siya na yata iyon. Nakapasok na siya." "Ano'ng gagawin natin para hindi niya tayo masundan dito, Sandro?" Biglang nawala ang katarayan niya.
"Sugatan na siya at nanghihina, Yvonne, kaya desperado na siya na makuha ka. He needs to claim your virginity and your blood to save his life."
"Alam ko, alam ko," she shouted in panic. "What I am asking is what we should do now?"
"He couldn't follow us here kapag hindi na niya nasundan ang halimuyak mo."
"Paano?"
"I'm sorry but I have to devirginize you, Yvonne, right here, right now."
"What?"
"That's the only thing we could do to be safe from him. Well, sa ngayon, iyan pa lang ang naiisip kong solusyon."
"Do you hear yourself, Mr. Montreal? You will devirginize a woman who is not your girlfriend yet? Wala ka rin palang pagkakaiba sa Viking na iyon."
"Not unless you agree with me. Just say 'yes' and it will not be called 'rape'. Trust me."
"No way. That will not happen over my dead body."
"Then, be prepared to be raped and killed by him. Ipinapangako kong ipagtatanggol kita sa abot ng aking makakaya pero tulad ng nasabi ko kanina, ang hirap niyang patayin. Ubusin ko man ang bala ng baril ko sa kanya ay hindi ko pa rin siya mapipigilan. At kapag nainom niya ang dugo mo ay muli siyang lalakas at mas marami pa ang kanyang mabibiktima."
"Inuutakan mo lang ako, Mr. Montreal. Gusto mo lang akong isahan. Ano'ng akala mo sa akin, tanga? Akala mo ba hindi ko alam na gusto mo ako?"
"For God's sake. That's out of the topic, Yvonne Mitchell. Ang mas mahalaga ngayon ay kung paano tayo makakaligtas sa halimaw na iyon."
"Puwes, hindi ako..." naudlot siya sa pagsasalita nang isang malakas na kalabog uli ang narinig nila sa itaas. Mas malakas ito at mukhang malapit na sa pinagtataguan nila. Wala ng putok ng baril silang narinig. Napatay na kayang lahat ng Viking ang mga security guard at pulis?
Muli siyang napasiksik sa malapad na dibdib ni Sandro. Nangangatal sa takot ang buo niyang katawan.
"This is our last resort, Yvonne," he slid his arms around her waist and looked at her intently. "I have to take you,'" he whispered. "Just say 'yes' and we will be saved."
She looked at him and nervously nodded. "Shit! Do I have a choice?"
*Aww, next na po ang BS na hinihintay nyo, dear readers he he he. Please keep on voting and leaving comments. Tnx
ARA
BINABASA MO ANG
A The Mark Of A Stallion Novel:CLAIMING THE VIRGIN'S BLOOD (Published)
ParanormalAnother one fine frat-man from Alpha Sigma Rho that bears The Mark Of A Stallion. Meet SANDRO MONTREAL. HOT. ALPHA. DOMINANT. BILLIONAIRE.