First Page

11.6K 167 16
                                    

I had an uncle, not by blood, but by affinity. When I was a young girl of six, he was my hero. He was tall, dark, and handsome in a rugged way. He had dark eyes and lashes women would envy-and was a womanizer before he married a distant aunt of mine. My memories of him inspired many a novel I've written.

Ipinanganak at nagkaisip ako sa isang lugar kung saan wala kang makikita kundi mga bundok, mga puno ng niyog, kagubatan, ilog, at dagat. Ang susunod na kapitbahay ay kilometro ang layo dahil pag-aari ng lola ko ang ekta-ektaryang nakapaligid na lupain. Sa isang baryong iyon sa Mindanao ay mahabang oras ang pagitan ng bumibiyaheng bus.

This particular uncle was a bus driver. At dahil probinsiya ang lugar, ang mga driver ay mabibilis magpatakbo na kinasanayan na ng mga pasahero. Isang madaling-araw na bumibiyahe ang uncle ko na ito ay may nahagip ang headlights ng bus na matandang babaeng tumatawid sa kalsada. He was driving beyond speed limit. At hindi inaasahan ang paglitaw ng matandang iyon sa gitna ng ilang.

In those horrifying moments, he had to act fast. And he was left with two fatal choices. Una, kabigin ang bus patungo sa gilid ng daan kung saan bangin ang naghihintay. Pangalawa, sikaping magmenor at umasa ng himalang hindi niya matutumbok ang matanda.

Subalit kapag iniwasan niya ang matanda at kabigin sa bangin ang bus ay maraming pasaherong madadamay at maaaring mamatay. Sa iglap na sandaling iyon ay pinili ng tiyuhin ko ang maraming pasaherong sakay niya at umasa ng himala para sa matanda. Na hindi nangyari.

Nailigtas niya ang mga pasahero pero namatay noon din ang matandang babae. Napag-alaman na ang matandang ito ay naglalakad sa kanyang pagtulog at ang kubo ay hindi kalayuan sa kalsada. Pero hindi sapat iyon upang hindi panagutan ng tiyuhin ko ang nangyari. Sumuko siya sa mga pulis at nakulong sa city jail sa
bayan.

Anyway, habang nakakulong siya at hinihintay ang pagdinig sa kaso ay may isang pagkakataong pinayagang umuwi sa bahay nila
ang tiyuhin kong ito nang ilang oras (sad to say, hindi ko matandaan ang dahilan), lamang ay may kasamang dalawang police escorts.

Isa sa mga escorts niya ang tumingala sa puno ng suha na hitik na hitik sa naglalakihang bunga. With longing, the police escort said:
"Ang lalaki naman ng mga bunga ng suha ninyo, pards. Ang tamis siguro niyan."

Without a word, dinakma ng tiyuhin ko ang riple na hawak ng isa sa mga escorts, sa gulat, pagkamangha, at takot ng mga ito. At bago nakuha ng isang escort ang riple nito na nakasabit sa balikat ay ikinasa ng tiyuhin ko ang inagaw na riple at pinaputukan ang mga bunga ng suha. In a blink of an eye, tatlong malalaking suha ang sunud-sunod na bumagsak sa lupa at pagkatapos ay inihagis ng tiyo ko ang riple pabalik sa pulis na muntik pang matumba sa pagsalo.

Nakalaya rin naman siya makalipas ang ilang buwan. Hindi na siya nagmaneho pa at sa halip ay inasikaso ang farm ng pamilya.

My uncle was one of those townspeople respected. He was a protector. At one time, sa isang kasalan ay isang lalaking isinama ng isang imbitado ang may kabastusang pinisil ang buttocks ng isang bisitang babae dahil sa kayabangan nitong marunong naman daw ito
ng martial arts.

Umiyak ang babae at nagtawa ito. Ang uncle ko ay lumapit sa lalaki at hinamon na doon sila sa tabi ng dagat upang hindi makagulo sa okasyon. Kamao niya kontra sa martial arts ng lalaki.

To make the story short, dinala sa ospital ang bastos at mayabang na lalaki na may broken nose at fractured ribs.

Ang haba ng prologue ko, ano? Bakit ko ikinukuwento ito? Because my grandmother had loved and favored this man. My aunt was obedient and submissive. Hiniwalayan niya ang kasintahan at pinakasalan ang tiyuhin ko sa pagsunod sa ina. They had children as the result of their marriage.

My uncle was a loving husband, believe me. And yet, until my aunt's death, she hadn't been able to return this man's love. Sa kabila ng mga taon, ang puso nito ay nanatiling pag-aari ng kasintahang hindi gusto ng magulang nito.

Here's my point: May mga nagtatanong na readers sa akin kung bakit ang theme ng "Sweetheart" series ko ay lagi na lang tapat ang mga babae o lalaki sa batang pag-ibig. Imposible raw naman yata iyon.

Oh, nalimutan ko bang sabihing fifteen lang ang tiyahin ko nang umibig at makipaghiwalay sa kasintahan at magpakasal sa lalaking pinili ng grandmother ko? Guys, though I write to entertain, I base my story on facts. Isa sa mga halimbawa ay ang kuwentong ito. Ang tiyuhin kong ito, bagaman alam niyang walang pag-ibig sa kanya ang pinakasalan niya, had loved his wife to distraction.

May mga totoong kuwento ng pag-ibig akong maaaring ikuwento pa. But this space doesn't permit me to. Anyway, pira-piraso naman ng mga totoong kuwento ng pag-ibig na alam ko ay nababasa ninyo sa mga nobela ko.

Happy reading.

MARTHA CECILIA

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon