CHAPTER TWO

6.3K 119 11
                                    

TINITIGAN ni Emilie ang repleksiyon sa salamin. Pagkatapos ay nasisiyahang ngumiti sa sarili. She had learned the art of applying makeup to make it appear natural. Her hair which was stylishly cut short had fitted the shape of her face. Very chic. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagpagupit siya nang ganoonnkaiksi. She always wore her hair long. Ang pinakamaiksing naging gupit niya ay hanggang balikat lamang.

Hindi siya maputi pero hindi rin naman siya maitim. At bagay sa kanya ang mamahaling pangkulay na inilagay ng hairdresser niya sa parlor kanina sa mall.

Ang totoo niyan ay sinubukan lang niyang magpakulay ng buhok. Ito ang kauna-unahan sa kabila ng lagi na lang sinasabi ng baklang hairdresser niya na bagay sa kanya ang magpakulay ng buhok. Kanina'y nagpahikayat siya. Pinili ng hairdresser ang mamula-mulang dye pero mariin siyang tumanggi.

"May binabagayan ang ganyang kulay, Rufa," ang sinabinniya rito. "Ayokong magmukhang trying hard. Hindi ako mestiza."

"Husme! Ano ka ba naman? Para kang tao sa una. Isa pa'y hindi ka naman maitim, ah!"

"At hindi rin maputi."

"Kung pinayagan mo ba naman ang suhestiyon kong magpa-bleach ka. Anyway, babagay sa iyo ang kulay na ito, Tita!" giit ng hairdresser.

"Basta." Pinili niya ang disimuladong kulay, dark brown. Safe ang kulay na iyon para sa kanya. Gayunman, malaki ang naging epekto niyon sa anyo niya.

"Ayyy, Emilia, bagay na bagay sa iyo!" tili ng bakla habang inaayos-ayos ang buhok niya. "Ano ang say ng mga supermodels diyan!"

She had smiled at her reflection in the mirror. She had to agree with Rufa.

"Next time, Manay, try natin yellow blonde."

She rolled her eyes. Tumayo at binigyan ng malaking tip ang hairdresser na tumili sa galak.

Yeah. It was time to change her image. Magugulat tiyak ang mga kaibigan niya sa sandaling makita siyang maiksing-maiksi ang buhok at may kulay pa!

She smiled at her reflection in the mirror. Her rust-colored knee-length dress emphasized the slimness of her waist and just perfect for the occasion. Her slim-heeled strappy sandals added two inches to her five feet and five inches height. Perhaps Rufa was right. May tindig-pangmodelo siya.

"Ilusyunada!" singhal niya sa sarili kasabay ng paglalaho ng ngiti at nagbuntong-hininga.

Anyone would want to be in her shoes. She wasn't a great beauty. But comparatively speaking, kung ang titingnan ay ang kabuuang anyo niya, marami ang nag-uukol ng pangalawang tingin.

She was also smart and witty. May magandang
trabaho bilang personal assistant ng isang executive sa isang malaking kompanya ng sasakyan. At bukod sa malaki ang suweldo ay nakakapag-sideline pa siya bilang sales agent ng kotse na karaniwan na ay mga kaibigan
at mga kakilala ng mga kaibigan niya ang customers niya. And so far, hindi pa naman siya nauubusan ng referrals.

Ang gold-yellow niyang Honda City ay halos bayad na. At dalawang taon na lang ay bayad na rin siya sa hinuhulugan niyang town house sa Quezon City.

Everything about her was perfect except her love life. It was zero. Nil. Kaya naman taun-taon na lang ay ganito ang pakiramdam niya sa tuwing dadalo siya sa alinmang okasyong ginaganap ng mga kaibigan niya.

Apat silang magkakaibigan nina Joyce, Connie, at Sarah, mula pa noong college. Sa kanilang apat ay sila na lang ni Joyce ang walang asawa. Pero si Joyce ay may kasintahan na at nagpaplano na ring magpakasal makalipas ang mahigit isang taong magkasintahan.

At ang okasyon ngayong araw na ito ng Linggo ay birthday party ni Allan. It was a very private party. Sila-sila lang matatalik na magkakaibigan ang naroroon at gaganapin iyon sa bahay mismo ni Allan.

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon