CHAPTER SEVEN

4.6K 119 10
                                    

"TINUPAD ko ang pangako kong susulatan kita, Ems."

She blinked."What?" tanong niya at itinuon ang mga mata rito. It was as if they both had walked down memory lane.

"Hindi na kami naging magkaklase ni Mark nang sumunod na semester dahil nag-shift ako sa Commerce. Sa loob ng semester na iyon ay dalawang beses kaming nagkita ni Mark at kinumusta kita sa kanya. Sa huling pagkikita namin, and that was the Christmas vacation.
Ibinigay ko sa kanya ang isang kapirasong note para sa iyo. A simple 'hello and how are you note."

"Y-you did?" manghang sabi niya.

"I won't lie about that, Emilie. Ask Mark. Although, in all honesty" he sighed, "deep inside me I wished you wouldn't reply the note back."

"W-why?" She tried to hide the hurt in her voice.

"You were young, sweetheart. I sent you a note
only to keep the promise I made. Hindi ko gustong palawakin ang batang damdaming iniukol mo sa akin noon. Nang sumunod na semester ay hindi na kami nagkita ni Mark."

"Lumipat siya ng... kolehiyo. Gusto niyang mag-abroad at maging kapitan ng barko..." Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Marahil ay nalimutan ng kapatid niyang iparating sa kanya ang pangungumusta nito. At maging ang munting mensahe ay tiyak na nawala na rin sa isip nito.

Gusto niyang sabihin ditong may landline naman sila at na sana ay tinawagan siya nito. Pero sinabi na nitong hindi nito gustong palawakin ang ano mang damdaming mayroon siya para dito.

"Maraming nangyari sa buhay ko, Emilie. Most of it, pampamilya. Nang magtungo ako sa San Ignacio ay paaral lang ako ng stepfather ko sa paghihimagsik ng unang pamilya niya.." He sighed. "I'll tell you about it someday. But for now, gusto kong ituon mo ang pag-iisip mo sa iniaalok ko sa iyo."

Tumango siya. "Kailangan ko nang bumalik sa
opisina." Nang mag-akma siyang tatayo ay pinigil siya nito. His hand on her arm was like a hot plate, burning her skin. Muntik na niyang hilahin ang braso palayo rito.

"Pareho tayong walang commitment. Nang sabihin mong wala kang boyfriend ay kumpirmasyon lang iyon sa sinabi ni Allan"

"Wala kayong karapatang pag-usapan ako!" she hissed, nabigyan siya ng pagkakataong hilahin ang braso niya.

"Kung sinabi mong may boyfriend ka na'y hindi ko iaalok sa iyo ang bagay na ito, Emilie. Ireally need your help."

She felt like her head would blow any minute
Naguguluhan siya. "Y-you said I have two days to think about it."

Sumungaw ang pag-asa sa mukha nito. "Will you consider it?" At nang akma siyang magbubuka ng bibig ay agad nitong dinugtungan ang sinabi. "I am willing to compensate for your help, Ems. Financially. Magsabi ka ng halagang-"

Her eyes flashed anger. "Binibili mo ba ako, Liam?

"This is a business proposal, Emilie."

Kailan pa naging business proposal ang pag-aalok ng kasal? He offered to marry her for her mother, o kung sa ano pa mang kadahilanang pampamilya. Those things didn't matter to her. Kundi iyong hindi gusto ni William na matali magpakailanman. He didn't need a wife. Just someone to marry for legalities. No emotions involved. No strings attached. Purely business.

Pero bakit parang gusto na niyang ngayon pa lang ay pumayag na sa iniaalok nito? Na hindi na niya kailangan ng dalawang araw para mag-isip.

"I care for you, sweetheart... when you 're old
enough, we'll talk again. I promise..."

Did he really mean it when he said that to her ten years ago? O baka sinabi lang nito iyon upang maging madali ang pag-alis nito?

"Kailangan ko nang bumalik sa opisina, Liam," she said. "Ibigay mo sa akin ang telepono mo at tatawagan kita dalawang araw mula ngayon."

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon