CHAPTER FOUR

5K 111 21
                                    

Ten years ago...

PAPADILIM na ngunit nanatiling nakaupo si Emilie sa hagdan ng kanilang terasa. Kanina pa siya roon at hinihintay ang pagdating ng Kuya Mark niya. Semestral break kaya mananatili ng halos dalawang buwan sa kanila ang kapatid.

Katunayan ay noong isang linggo pa dapat umuwi ang Kuya Mark niya subalit ipinasya nitong tapusin na muna ang five-month contract nito sa burger chain na pinagtatrabahuan. Sa gabi ay pumapasok ito sa unibersidad. Her brother was self-supporting. Iyon ay sa kabila ng kahit paano ay kaya naman itong pag-aralin ng mama nila.

Subalit mula nang mamatay ang papa nila may
tatlong taon na ang nakalipas ay sinikap na ng Kuya Mark niya na huwag maging pabigat sa ina. Alam nitong hindi naman malaki ang insurance ng ama nang mamatay ito. At kalahati pa niyon ay ipinambayad sa natitira pa nilang loan nang magpa-renovate ng bahay nila.

Nang mamatay ang papa nila ay hindi katalinuhang paabutin pa ng ilang taon ang paghuhulog dahil wala na namang aasahang magtatrabaho para sa kanila. Ang mama nila ay gasino na ang kinikita bilang empleyado sa post oftice sa bayan.

At kung may natitira mang pera ay iminungkahi nito sa mama nila na itago na lang sa bangko para sa pag-aaral ni Emilie hanggang sa makapagtapos siya sa kolehiyo.

Sa pag-uwing ito ng kapatid ay doble ang excitement na nararamdaman ni Emilie dahil sinabi nitong may kasama itong classmate na gustong magbakasyon sa kanila.

"Emilie, anak, asikasuhin mo muna ang silid ng
darating na bisita ng kuya mo. Kanina ka pa diyan, ah."

"Ayos na lahat, Mom. Ang bisita na lang ang kulang. At bakit naman kasi ang tagal ni Kuya? Sabi niya ditonsila manananghali."

"Baka hindi lang nakaalis kaagad ang kuya mo sa Maynila. Tumayo ka nariyan at dito mo na hintayin ang kapatid mo." Humakbang na ito pabalik sa loob.

Ilang sandali pa siyang hindi tumitinag nang
matantong tama ang ina. Tumayo siya mula sa
pagkakaupo sa baitang ng hagdan. Pinagpagan niya ang imaginary dust ng suot niyang pedal pusher. Tatalikod na sana siya nang marinig ang ugong ng paparating na sasakyan.

Inaasahan niyang tricycle iyon na maghahatid sa kapatid mula sa highway. Subalit nang lumingon siya sa labas ng bakuran ay isang kotseng pula ang natanaw niyang papalapit sa bahay nila. Mababa lang ang bakod nilang kahoy at natatanaw ang kahit: na ano o sino mang dumarating kaya naman natiyak niyang sa kanila patungo ang kotse.

Athindi siya nagkamali dahil tinutumbok ng sasakyan ang bakuran nila. Bumukas ang salamin ng bintana sa bahagi ng passenger seat at sumungaw ang ulo ni Mark at kinawayan siya. Agad na nagliwanag ang mukha niya.

"Kuya!" tili niya at nagmamadaling binuksan ang gate nila.

Ilang sandali pa'y pumarada na sa harap ng bahay nila ang kotse at lumabas ang kuya niya. Patakbo niyang niyakap ito.

"Uy, mukhang tumatangkad ka, ah," tukso ni Mark at ginulo ang buhok niya. Halos anim na buwan din slang hindi nagkita.

"Eh, di kasi ba naman." Lumabi siya at excited na itinuon ang mga mata sa driver ng kotse na nasa labas na at nakatingin sa kanilang magkapatid.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hindi babae ang kasama nito kundi lalaki. At hindi lang basta lalaki, kundi magandang lalaki!

Sandaling nahigit niya ang hininga. Ito na yata ang pinakaguwapong lalaki na nasilayan niya. Walang sinabi ang captain ball nila sa escuelahan niya.

Hinubad nito ang suot na shades at tumingin sa kanya at ngumiti na tila nag-e-endorso ng bagong brand ng toothpaste, She almost melted had her brother's arms were not around her.

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon