CHAPTER NINE

4.8K 103 9
                                    

EKSAKTONG limang minuto ay naroon na si William. "Anong nangyari?" agad nitong tanong nang mapuna ang plastic bag sa kamay niya. "Oh, you went shopping"

"And got lost in the process, silly me." Napapahiya siya pero sinikap na bale-walain iyon. She laughed. "I should have brought the map and brochures."

He frowned at her. "Is this your first time in Hong Kong?"

"Yes." She chuckled. “And this is some experience I could tell to my friends."

Hindi na kumibo si William. Hinawakan siya nito sa siko at nakisabay na sila sa hugos ng mga tao. Sa isang pagliko ay pumasok silang muli sa isang mas maliit na Chinese restaurant na mangilan-ngilan lang ang customers.

"Alas-seis na. Nandito na rin lang tayo ay mabuti pang maghapunan na lang tayo nang maaga. Halos wala kang kinain kaninang tanghalian."

Emilie realized she was really hungry. She decided on noodles and dimsum.

"Gusto kong sabihin sa iyong makakain mo iyan sa Maynila," wika nito, amusement in his eyes."Pero sige, tutal ay higit na masarap ang authentic Chinese noodles kahit sa ganitong di malilit na kainan."

Nakapangalahati na sila sa pagkain nang magsalita si William. "Ano ang mga binili mo?" Sinulyapan nito ang plastic bags sa tabi niya.

She shrugged her shoulders. "Chinese robe. Pasalubong para kina Connie, Joyce, at Sarah. Huwag mong sabihing mabibili ko sila sa atin sa Divisoria."

He chuckled. Then a soft gleam crossed his eyes. "That's thoughtful of you. At isiping muntik ka nang maligaw dahil sa pasalubong mo na iyan sa kanila."

Napangiti siya roon, sumubo muna siya ng dimsum bago sumagot. "That was really very stupid of me. Lahat ng tanungin ko'y hindi ako naiintindihan."

"Don't blame yourself," he said gently."Normal iyon para sa mga first timers. Besides, sa ganitong araw ay wala kang makikitang Pilipino sa lugar na ito."

Huminto siya sa pagkain at nilinga ang plastic bag. Mula roon ay kinuha niya ang munting kahon."May binili rin nga pala ako para sa iyo." Nahihiyang inilapag niya ang box sa malapit dito.

"Why, that's really sweet, Emilie." Dinampot nito ang munting kahon at sinulyapan siya bago nito binuksan iyon. "Oh, wow!"

"N-nagustuhan mo?"

"This is beautiful. Thank you, sweetheart," he said. "Alam mo ba kung bakit hindi ako bumibili ng magandang key chain?" Hindi nito hinintay na sumagot siya at agad na dinugtungan ang sinabi habang nasisiyahang sinusuri iyon. "Lagi nang nahihingi sa akin. Well, this time, may dahilan akong huwag ibigay sa kanila ang key chain ko. Regalo ito ng babaeng pinakasalan ko."

Nagyuko ng ulo si Emilie upang hindi nito makita ang disappointment sa mukha niya. Ang regalo ay galing sa babaeng pinakasalan nito, hindi ng asawa nito.

Sa mismong sandaling iyon ay inilipat ni William ang susi ng kotse niya sa bagong key chain. Ang lumang key chain nito ay inilapag nito nang basta na lang sa mesa at patapon na.

Pagkatapos ay ito naman ang dumukot sa bulsa at inilabas ang isang cajeta na sa ibabaw ay may nakatatak na Orion Jewellers-Hong Kong. Sa loob niyon ay dalawang pares ng singsing, cast in platinum.

Inabot ni William ang kamay niya at isinuot iyon sa palasingsingan niya. Maang na tinitigan ni Emilie ang singsing. A supposèdly eternity ring, intended to symbolize everlasting love. But the diamonds only filled half the circumference of the ring. Kahit ang singsing na binili nito'y ni hindi nakuhang ibadya ang totoong kahulugan ng wedding ring kahit sa pakunwaring paraan.

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon