CHAPTER ONE

9.1K 140 32
                                    

"'MORNING, sir," bati ng sekretarya ni William nang dumating siya sa opisina niya sa Orion Jewellers nang umagang iyon.

Tinanguan niya ito, gumanti ng bati at pagkatapos ay, "Coffee, Lydia, please..."

Tumayo si Lydia at humakbang patungo sa coffee nook na nasa kabilang sulok ng opisina. "May inilagay akong sobre sa ibabaw ng mesa ninyo, sir," wika nito habang lumalakad. "Inihatid ng isang mensahero kanina at importanteng mabasa raw ninyo."

Muli siyang tumango at tuluy-tuloy na pumasok sa silid niya. Agad niyang nakita ang sobre na sinasabi ng sekretarya. Inilapag niya sa likod ng credenza ang briefcase niya at pagkatapos ay naupo sa high-backed chair. Kinuha ang letter opener at binuksan iyon.

Ang mga mata niya'y natuon sa letterhead at pagkatapos ay agad na ibinaba sa signature. It was from his stepfather's lawyer, Norberto Eusebio.

He scanned the typewritten letter. Sandaling
nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang isang salita na nakapukaw ng interes niya. Muli niyang binalikan ang paragraph at tuluyan nang maingat na binasa.

"A wife!" bulalas niya.

Kung hindi niya kilala ang pirma ng abogado ng stepfather ay iisipin niyang may gustong magbiro sa kanya. Hindi iilan sa mga kaibigan niya ang laging nangangantiyaw na kailangan na niyang mag-asawa.

Tamara's one of them.

This is blackmail! hiyaw ng isip niya.

Mabilis niyang inabot ang telepono upang tawagan ang ina nang maalalang wala si Lorenza sa bahay nito. Siya mismo ang nagpayo rito na magbakasyon nang ilang araw upang makabawi sa pagkamatay ng asawa nito. Wala pang isang buwang nakalipas nang namatay ang stepfather niya sa atake sa puso.

Muli niyang pinasadahan ng basa ang sulat. Nagtagis ang mga bagang niya sa galit. Hindi pinansin ang paglapag ng sekretarya ng hinihinging kape sa mesa niya. Ayon sa abogado ni Eduardo, mapupunta lamang kay Lorenza ang malaking bulto ng mga ari-arian nito kung sa loob ng tatlong buwan pagkamatay nito ay mag-aasawa si William.

At ang iba pang hindi nabanggit sa testamento na umaasang tatanggap ng mana ay nakasalalay sa pagkakasalin kay Lorenza ng mga ari-arian. Walang pangalang binanggit subalit natitiyak ni William kung sinu-sino ang mga iyon.

Damn Eduardo to hell!

Tumapon ang kape sa platito nang pukpukin niya ng kamao ang mesa. Hanggang kamatayan ay puro pahirap sa ina ang gusto nitong mangyari. Marahas na buntong-
hininga ang pinakawalan niya at dinampot ang telepono at siya na mismo ang tumawag sa abogado sa pribadong linya nito.

"Is this a joke, Attorney?" agad niyang sabi nang ito mismo ang sumagot. And it was obvious that the lawyer didn't miss the anger in his voice. Narinig niya ang buntong-hininga nito.

"Alam ni Lorenza ang tungkol sa testamento ni
Eduardo, William," wika ng abogado.

"Nabanggit ko na iyan sa kanya nang hilingin ko ang presensiya ninyong dalawa para basahin ang testamento. Katunayan ay may
pakiramdam akong nakadagdag pa ang laman ng testamento sa pighati ng mama mo." He paused, then, "I'm sorry, William, but I am only doing my job."

Kaya marahil agad na sinang-ayunan ng ina ang bakasyong inialok niya rito. Hindi nito gustong naroon ito sa sandaling malaman niya ang tungkol sa testamento ang stepfather.

"Another thing, William," patuloy ng abogado.
"Nakalagay sa testamento na hindi ka basta pipili ng babaeng hindi mo kilala at babayaran para lang pakasalan. O ng isang kasalukuyang girlfriend na kailan mo lang nakilala. It says here that you must have known the girl for at least ten years.

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon