CHAPTER TEN

5.4K 105 10
                                    

"WHERE'S your mother?" tanong ni Emilie nang mapunang maliban sa hardinero/boy at si Manang Lina, ang housckeeper ay wala nang iba pang tao sa bahay na iyon. Dahil kumain na sila sa daan ay minabuti ní William na magpahinga na sila.

"Bukas pa ng umaga ang dating ni Mama mula sa Boracay, Emilie," wika nito at hinawakan siya sa likod ng braso. "Come, I'll show you our bedroom."

May apat na silid sa itaas. Isa roon ay ang silid ni William. It had a semi-double bed. Ang carpet ay gray at wall to wall. May settee at coffee table. "Ito ang silid ko kapag umuuwi ako rito. At ito ang magiging silid natin kapag narito tayo." He said the last sentence with emphasis.

"B-bukas pa naman darating ang mama mo, di
gamitin mo muna ang guest room." Humakbang siya patungo sa bintanang salamin at nakita niyang natatanaw mula roon ang kanang bahagi ng lake.

"Don't be silly, Emilie," he said, tinanggal ang necktie at inihagis iyon sa settee. "Malalaman ni Manang Lina kung hindi tayo magkasama rito sa silid at makakarating iyon kay Mama." Lumakad ito patungo sa pinto." Magbihis ka at kung gusto mong mag-shower ay hayun ang banyo. May tatawagan lang ako sa ibaba."

Nagmamadali niyang kinuha mula sa maleta niya ang gamit at nagmamadaling tinungo ang banyo para maligo. Hindi niya gustong abutin ni William na kasalukuyang naliligo. Subalit hanggang sa ipasya niyang mahiga nang bandang alas-onse ay hindi ito pumanhik. Nakatulugan na lang niya ang agam-agam.

Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay sinag ng araw ang nakikita niyang pumapasok sa bintanang salamin. Napasinghap pa siya nang maramdamang may kamay na nakayakap sa kanya mula sa likod at nakadantay sa ibabang bahagi niya ang binti nito.

"Good morning..." he whispered huskily.

Marahas siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito, bumangon at hinarap ito. Hubad ito maliban sa boxer shorts. Bahagya na niyang dinaanan ng tingin ang katawan nito at itinuon sa mukha ang naniningkit na mga mata.

"Anong oras ka pumanhik at bakit dito ka natulog?" she asked indignantly.

He grinned. A sexy grin that almost took her breath away. Huwag nang isama pa ang matipunong katawan nitong nakahantad sa kanya na tila katakam-takam na almusal sa umagang iyon.

"You look like a Victorian princess, sweetheart," he teased as he surveyed her with amusement. "Pantulog na hanggang sakong at hanggang siko ang manggas, may ruffles ang collar na nakasakal sa leeg." Itinaas nito ang kamay at nilaro ang ruffles sa collar ng pantulog niya. "At talaga bang naka-bra ka kapag natutulog?"

Emilie could hear the laughter in his voice. At naiirita siya. "Kung alam kong dito ka matutulog di sana'y sa sofa na lang ako!" Ang akma niyang pagbaba sa kama'y naawat ni William nang hilahin siya nito at muli siyang napahiga, sa mismong braso nito.

His hand went automatically to her waist and pulled her against him. She froze. Ang mga kamay niya'y awtomatikong lumapat sa dibdib nito upang harangin ang pagdidikit ng mga katawan nila. But it was a wrong move. Nararamdaman niya ang mabilis na pintig ng puso nito, ganoon din ang nakapapasong init mula sa dibdib nito na nanulay patungo sa kalamnan niya.

And when he pulled her closer and kissed her lips softly, nagpaubaya siya. She was melting. Her hands softly caressed his chest that William almost groaned.

"We're playing with fire here, aren't we?" she said. The words came in a breathless rush.

"You are my wife..."

"Sa papel lang, Liam."

Hindi nito sinagot iyon. He gently cupped her neck and her lips collided with his in a searing kiss that spread through her like wild fire.

SWEETHEART 15: A Kiss RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon