Prologue

5.6K 132 4
                                    

All rights reserved ©2023 by Lynne Rose

"Congratulations, pare to the success of our biggest project, and more to come!" nakangiting itinaas ni Joaquin Montoya ang kanyang beer sa ere.

"Congratulations!" sabay-sabay na ani ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng magbestfriend na Edgardo Dimalanta at Joaquin Montoya.

Marami ang dumalo sa kanilang munting salu-salo upang iselebra ang tagumpay ng kanilang pinakamalaking proyekto simula ng itayo nila ang kanilang kompanya, at siyang unti-unting nagpayagpag sa pangalan ng binuo nilang negosyo, ang engineering firm.

Matalik na magkaibigan sina Joaquin at Edgardo. Si Joaquin ang pangalawang anak ng mayamang Alejandrino Montoya III, an old money, ngunit hindi ito naging rason upang hindi naging magkasundo at naging mas malapit sa isa't-isa sina Joaquin at Edgardo.

Anak ng driver nina Joaquin si Edgar, ngunit nakakitaan na ng katalinuhan at maparaan sa buhay si Edgardo, kaya't pinag-aral ito ni Don Alenjandrino III.

At dahil din kay Edgar, nakatapos ng engineering si Joaquin. Pareho silang nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kasama si Edgar sa escolar ng mga Montoya.

At ng magtapos silang dalawa, nagplano silang magtatayo ng negosyo na kanilang tinapos.

Pareho silang Architectural Engineer, ngunit ang pinakaulo ng negosyong itinatag nilang dalawa ay si Edgardo. Ngunit dahil sa koneksyon ng pamilya ni Joaquin, sa pera ni Joaquin at utak ni Edgardo, lahat ng proyektong ginawa nila ay matagumpay. 

At kahit nasa tugatog na sila ng kanilang tagumpay, hindi nagmaliw ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa. Kahit na ng mag-asawa sila, tila sila ang mag-asawa. Laging magkasama.

At sa ilang taong lumipas, nakilala sa ibang bansa ang kanilang kompanya, at lumaki ito, at naging Engineering and Construction firm hanggang sa nagsanga-sanga na ito lahat ng antas ng infrastraktura.

"Salamat, at dahil sa iyo, Edgar ang lahat ng pangarap ko, natupad," puno ng katapatang turan ni Joaquin sa kaibigan habang nakatunghay sila sa ibaba ng mataas nilang gusali na kapapatayo palang nila. Ang pinakaopisina ng DNM Engineering and Construction company. 

At tila hari ito sa mga gusaling nasa paligid nito, stood shining and proud. 

Ang napapalibutan ng mataas na kalidad ng salamin ang gusali, at nangingitim ito sa ilalim ng araw, at tila black diamond na kumikislap tuwing nasisinagan ng araw, at tunay namang tila nagmamayabang sa buong paligid nito.

"Wala rin naman ako rito kundi dahil sa iyo, Joaquin. Pareho nating pinaghirapan ito, at parehong pangarap." 

At tahimik silang nag-inuman sa itaas ng kanilang trono habang tinatanaw ang madilim na kalangitan at tanging mga ilaw na nagkikislapan mula sa ibabang mga gusali at establisyento ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.

At tuwing sabado, tulad ng nakagawian at naging tradisyon na ng kanilang binuong pamilya, magkasama ang dalawang magkaibigan, at papalit-palit ng lugar kung saan sila magkikita at magbonding. 

At ngayon, sa mansyon ng mga Montoya idinaos ang reunion muli nila. Magkasama muli ang magkakaibigan kasama ng pamilya.

"Ang laki na ng panganay mo, pare," si Edgar sa matalik na kaibigan at parang kapatid na niya.

Ngiting-ngiti naman si Joaquin sa bestfriend nito. At sa kanyang isip, kung hindi dahil kay Edgar, baka hinahamak-hamak parin siya ng ama. 

Alam niyang hindi siya katalinuhan, pero dahil sa masigasig si Edgar sa pagtuturo sa kanya tuwiing may oras ito, nakasabay siya ng pagtatapos ng kursong alam niyang magiging matagumpay siya. At balang araw ay maipagmamalaki sa ama na wala ng bukambibig kundi ang kuya niya.

Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon