Chapter 19

2.8K 85 9
                                    

All rights reserved ©2023 by Lynne Rose

Tuluyan ng nakalimutan ni Sofia ang mga taong namamanghang nanonood sa kanila. Nagtatanong na mga mata sa mga magulang ni Armando, at panghihinayang sa mga mata ni Roberto.

"Kaya kaba umalis?" tila sinasakal ang leeg na tanong ni Wilmer.

Dumaan ang lungkot at sakit sa mga mata ng dalaga at tumango lang bilang pagsang-ayon. Nakahawak si Sofia sa kamay ng asawa habang sakop ng mga palad ang magkabilang pisngi at masuyo siyang tinititgan, na tila may hinahanap sa mukha niya, at minememerya ang bawat parte.

Sakop ng mga malalaki nitong palad ang namumulang pisngi ng dalaga, pinakatitigan ni Wilmer ang asawa.

Pagkakita niya kanina ritong tumatakbo palapit sa kanya, tila nagliwanag ang kapaligiran niya lalo. Nag-uumapaw ang saya sa kanyang puso, at tinakbo rin ang pagitan nila.

Matinding pananabik at pagmamahal na sinuyod ng kanyang mga mata ang kabuuan ng asawa at tumigil sa maganda nitong mukha na isang taon niyang pinanabikan na makita.

Napansin din niyang nabawasan ng timbang ang dalaga, at ang dating malakremang kutis ay ngayo'y mamumula-mula dahil sa pagkakabilad sa araw.

Still, she looked stunning in his eyes. Hindi nabawas ang ganda nito, at gustong sumabog ang dibdib niya sa matinding emosyong bumabalot sa kanya. Nag-uumapaw na kaligayahan.

"She's happily married." naninikip ang lalamunang tugon niya. Nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luhang unti-unting namumukol na naman sa gilid at ilalim ng kanyang mga talukap.

"If I'm dreaming, I don't want to wake up!" mahinang bulong ni Wilmer at saka muli siyang dinala sa dibdib nito. Mahigpit niya itong yakap, at tila siya aagawin sa kanya.

Sobrang sabik na sabik sa asawa. Kung saan-saan narin dumadapo ang labi niya sa leeg, sa ulo, sa noo, at sa tainga ng dalaga.

"She said you love her, at pagkatapos maisalin sa pangalan mo ang mana mo, you'll leave me for her. Natakot ako at nagalit. Alam kong ayaw mo talaga sa akin, at sa nalaman kong magkakaanak na kayo, lalong nawalan ako ng pag-asang makuha ang iyong puso," iyak niya sa dibdib ni Wilmer.

Yumugyog ang kanyang mga balikat sa pagkaka-alala kung bakit siya umalis sa sanay honeymoon nila ng asawa. Kumikirot na naman ang kanyang puso. Naninikip iyon.

"Ikaw ang mahal ko, mi dulce. Diba sinabi ko sa iyo pagkatapos ng kasal natin na mahal na kita?" paalala nito.

Marami parin siyang katanungan na gustong malaman mula sa asawa ang sagot.

"Nung umagang nagmamadali kang umalis dahil sa tawag ni Lillian, I concluded then that you really love her. At sobrang masakit iyon sa akin. Sa unang araw ng kasal natin—"

Humihiwalay si Wilmer at saka tinakpan nito ng kanyang daliri ang labi ni Sofia, not wanting to hear anything from her anymore.

Nakatitig lang si Sofia kay Wilmer, her eyes brimming with unwavering tears.

Mapusok siyang hinalikan ni Wilmer, at napakapit naman siya sa leeg nito. Hinayaan niyang sa halik ibuhos ang pananabik sa isa't-isa.

Pareho silang humihingal, naghahabol ng paghinga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Hindi alintana ang mga matang namamanghang pinapanood sila na tila isang movie sa telebisyon.

Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon