Chapter 7

2.3K 83 4
                                    

All rights reserved ©2023 by Lynne Rose

"I'll just go up and change. I'll be back," aniya kay Sofia at tumango lang ang dalaga.

Napagdesisyonan niyang magshower nalang dahil sigurado siyang matagal pa darating ang inorder nilang pagkain.

Mabilis lang siyang naligo, saka lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan habang tinutuyo ang buhok gamit ng isa pang tuwalya.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng tokador ng naghanap siya ng pamalit.

Kumuha lang siya ng drawstring na pajama saka hindi na nag-abalang magsuot ng pang-itaas. Itinapon lang niya ang dalawang medyo basang tuwalya sa isang upuan malapit sa dingding.

Napapikit siya ng makitang si Lillian ang tumatawag.

Simula ng gabing iyon, palagi nalang siyang tinatawagan. At minsan, hindi nalang niya ito sinasagot ngunit makulit si Lillian.

And she was right when she said it's not the end.

Kung hindi lang ito nadisgrasya, hindi na niya sana ito pupuntahan.

But he was guilty at kahit papano, may pinagsamahan sila, and then she was his friend at some point of his life. 

At nagagalit din siya sa sarili dahil bigla niya itong itinapon pagdating lang ni Sofia. It was really unfair of him. And the more guilt ate away his heart.

Yes, he's cold, ruthless, pero hindi sa mga taong naging malapit na sa kanya. And Lillian had been closer to him for most part of his life.

"Ano na naman ang sasabihin mo?" bungad niya pagkonekta ng tawag, at hindi niya mapigilan ang galit sa tono nito, pero hindi iyon para kay Lillian. It was more for himself.

He hated his slowly changing of his heart.

"Wil, ganuon nalang ba ang galit mo sa akin at kahit pagiging kaibigan natin, nawala narin?"

Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa kanya at nahabag siya sa nasasaktang tinig nito. Pumipiyok iyon. 

"Mas lalo kalang masasaktan, Lil. Wala akong magagawa. My life has been predetermined," at nagtagis ang bagang niya sa pagkakaalala sa manipulasyon ng pamilya ni Sofia at ang lolo niya.

"Okay lang. Kahit pagkakaibigan lang, Wil. Kahit iyon nalang ang natitira sa pagitan natin." She sounded defeated, and all the more he felt bad for her.

Wala naman talagang ginawang hindi maganda si Lil. Just that one night she made a scandal.

"Ayaw ko ng mangyari ang eskandalong iyon, Lil. I didn't want to put my name on the internet and people made fun of me!" tumigas ang tinig niya sa panghuling kataga.

"I'm sorry, I was so hurt. I was so jealous, but I understand. And I promise, it won't happen again. Just please... say it you're still my friend," may pagmamakaawang saad nito.

Huminga siya ng malalim.

"Alam mong ikaw lang ang pinakamamahal kong kaibigan, ang nakakaintindi sa akin, at okay lang kung hindi ako ang piliin mo. Tanggap ko na iyon, but I can't accept it kung mawawala pa ang aking kaibigan."

Wala sa sariling tumango-tango siya.

Tama si Lillian, at kahit nag magkaproblema sila ng daddy niya, Lillian was there to para lang samahan ako, sumabay makipag-inuman dahil hindi naman ako ang taong nagsasabi ng saloobin, but she knew it when I'm troubled.

"I love my you, my friend," wika nito at wala sa sariling umiling-iling siya sa bigla-biglang pagbabago ng mood ng dalaga.

At totoo, ayaw din niyang mawala ito bilang kaibigan niya. Andiyan ang mga pinsan niya, pero ng nagkolehiyo na, nagmahal, nagkanya-kanyang alis.

Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon