All rights reserved ©2023 by Lynne Rose
"Akala ko ba hawak mo sa leeg si Wilmer?" salubong ni Alvaro sa anak ng makauwi ito. Ang akala niya, nauna na itong umuwi pagkatapos nitong sinundan si Wilmer ng lumabas ang ito mula sa pinagdadausan ng kaarawan ni Don Antonio.
Tumalim ang tingin ni Lillian sa ama. Napansin nitong wala na ang itim nitong amerikana na suot kanina sa party, at nakaalis narin sa pagkaka-tucked in sa pantalon nitong kasingkulay ng amerikana, ang puti nitong dress shirt.
Dahil sa payat ang ama, tila ito matangkad kaysa sa 5'8. Payat na may maumbok na tiyan dahil sa hilig sa alak.
Hindi siya nagtataka kung bakit nawalan ng gana ng kanyang ina dahil narin sa wala itong alam sa pagpapatakbo sa buhay. Marahil nawalan ng gana dahil mas marami ang inilalagi ng mama niya sa labas kaysa sa loob ng bahay nila.
At palaging nakikipagsabayan sa mga mayayamang kaibigan nito, tulad nalang ang tita Katerina niya.
"Ang alam ko, kasama mo siya! At kung hindi ko pa narinig na usap-usapan sa party na pinagkasundo ang anak apo ni Don Antonio at si Wilmer, iniisip kong kasama mo siya dahil pareho kayong hindi na bumalik sa loob," magaspang ang tinig ng ama at rinig narin ni Lillian ang tanda na lasing na ang ama.
At hanggang dito sa bahay nila, umiinom parin ito kung pagbabasehan niya ang hawak nitong shot glass na wala ng laman.
Dumako ang kanyang tingin sa mesa kung saan nakapatong ang halos paubos naring alak.
"Mapapasaakin din siya, papa. At pwede ba? Huwag mong pakialaman ang buhay ko!" galit niyang asik sa ama.
Mas lalo lang siyang nabibwisit sa tagpong dinatnan niya.
Kanina pa siya nanggagalaiti sa galit ng marinig niya ang boses ni Wilmer na nasa loob ng powder room kasama ang malanding babaeng iyon.
Umalis siya sa lugar bago pa man siya umiyak sa galit, at pinuntahan si Grisel at duon naglabas ng sama ng loob.
Narinig niya ang sarkastikong pagtawa ng kanyang ama na lalong ikinainit ng ulo niya. Itinapon nalang niya sa sofa ang kanyang trench coat, at saka padabog na umupo sa sofa.
And kanyang ama, sumunod dala ang alak at ang maliit nitong baso, saka nagsalin ng alak.
Tumayo siya saka kinuha mula sa ama ang baso at walang anu-anong nilagok.
Medyo nahimasmasan siya dahil sa init na dumaloy mula sa lalamunan niya hanggang sa tiyan, at nanlilisik ang mga matang tumingin sa amang nakangisi sa kanya.
"Papanong mapapasaiyo si Wilmer, halos hindi na inaalis ang mga mata sa apo ni Don Antonio. At hindi naman ako nagtataka, ako man din, hindi maibaling sa iba ang mga mata dahil tila nga naman diyosa sa ganda ang apo ni Don Antonio. Kasingganda nito ang ina.
"STOP IT, PAPA!" galit na galit niyang sigaw.
Kanina pa masikit na masakit ang dibdib niya dahil sa pinipigilang sama ng loob, hinanakit, at matinding selos.
Batid niyang malayo ang agwat ni Sofia sa kanya.
Maganda, mestiza, at mayaman.
At pinagsawaan na siya ni Wilmer.
At sa kaisipang iyon, lalong naghihimutok siya. Gusto niyang magsisigaw sa galit, magwala, ngunit pinigilan niya ang sarili.
Kailangan niyang kumalma. At tama ang kaibigan niya. Instead na magwala siya, kailangan niyang baguhin ang diskarte niya kung papanong kunin ang atensyon ni Wilmer.
Ang pagkadisgrasya niya na kanyang sinadya ay isang konsolasyon sa kanya na handa si Wilmer na alagaan siya kung may hindi magandang nangyari sa kanya.
"Huwag ka ng umiyak. Sabi ng doktor, wala naman daw nabali sa likod mo. Saka konting maga lang, ilang araw lang, okay kana," masuyong sabi ni Wilmer habang gagap nito ang kanyang kamay, hinihintay ang doktor para lumabas na siya ng ospital.
BINABASA MO ANG
Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|
RomanceWilmer Bryce hated being manipulated. At ng dumating ang babaeng itinakda ng mga lolo nila upang maging asawa, he was enraged. Kahit pa diyosa si Sofia Dimalanta, he won't let them took in control of his life. And he's satisfied of what they have w...