All rights reserved ©2023 by Lynne Rose
Somewhere in Cagayan Valley....
"Martha! Bilisan mo, mahuhuli na tayo!" nagmamadaling bumaba mula sa maliit nilang kubo ang mag-asawang Paco at ang asawa nitong si Nilda. "Malayo pa ang lalakarin natin," papalayong tinig ng kanyang mother-in-law.
Linggo nuon at magsisimba sila. Linggo linggo iyong routine ng kanilang pamilya, at pagkatapos, bibisitahin ang puntod ng kanyang asawa.
Napahawak siya sa singsing na may pangalan ng asawa niyang si Armando. Manipis lang iyon at simpleng silver at may tatlong maliliit na bato, saka nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago nagmamadaling lumabas ng bahay, bitbit ang kanyang maliit na bag na alam niyang mamahalin.
Isinara ang pintuan at saka sumunod sa mga biyenan.
Pudpod na ang kanyang canvass at nag-aagaw ang kulay brown o gray, at halos maramdaman na niya ang mabato at matigas na lupain na dinadaanan nila papunta sa sakayan ng tricycle.
Ngayon ang bisperas ng kamatayan ng kanyang asawang si Armando.
"May dinaramdam ka ba, anak?" tanong ng inay Nilda niya ng makahabol siya at sumasabay na sa kanila.
"Matangkad siya sa mga ito, at kahit kulubutin na ang matandang inay ng asawa niya, may kulay tsokolateng balat ay maamo ang mukha. And kanyang itay Paco naman ay may katangkaran at payat. At dahil parehong sa magsasaka ang trabaho, nangingitim din ang balat.
Halos magkasingtangkad sila ng itay ng asawa niya.
"Naku, Nilda. Huwag mo ng kulitin iyang anak natin. Sino ba naman ang hindi tatamlay, ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng anak nating si Arman. Siguradong namimis ni Martha," masuyong saway ng itay niya.
Napangiti siya sa dalaga.
Tunay ang pagmamahal at pag-alala ng dalawa at siguro kung hindi namatay ang asawa niya, gayundin siguro ito sa kanya.
Ngunit, kahit anong gawin niya, wala siyang maalala na kahit na anong bagay mula sa asawa nito. Nakita niya ang ilang mga litrato ng asawa niyang si Armando, ngunit wala talagang maalala sa mga nakaraan nila.
Sabi ng doktor na tumingin sa kanya ilang buwan na ang nakakalipas, babalik din daw ang kanyang ala-ala.
Agad niyang inalis sa isip ang nakaraan at ngumiti sa matanda.
Inakbayan niya ito. Halos umabot lang ito hanggang sa tainga niya.
"Okay lang ho ako, nay," sagot niya saka ngumiti ng matamis sa matanda. Kita niya ang pag-aalala sa hapis nitong mukha.
"Kayo dapat ang tanungin ko niyan, Inay. Palagi nalang kayong napupuyat sa pagtatahi, Tapos sa araw, nasa bukid kayo," malambing na sita nito.
"Oo nga naman, Nilda. Tama ang anak mo. Okay naman na ang pananim natin ngayong taon, pwede ka ng tumigil sa pagtatahi. Saka naibalik na ni Martha ang pagkakasangla ng lupa natin," may pagpapasalamat na tumitig ang itay Paco niya sa kanya.
Nasa edad lampas sisenta na ang mga ito.
Late na raw sila nagkaanak, at akala nga nila, hindi na sila bibiyayaan ng Diyos ng anak.
Ang masakit nga lang, hindi na sila kailanman magkakaroon ng apo mula sa anak nilang si Arman.
"Kayong dalawa, huwag niyo nga akong pagtulungan," naggalit-galitang sagot ng inay Nilda niya.
Natawa ang itay Paco niya.
"Kapag pinatigil niyo ako sa pagtatahi, para niyo naring sinabing mamatay na ako," dagdag nito at napailing nalang si Martha.
BINABASA MO ANG
Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|
RomanceWilmer Bryce hated being manipulated. At ng dumating ang babaeng itinakda ng mga lolo nila upang maging asawa, he was enraged. Kahit pa diyosa si Sofia Dimalanta, he won't let them took in control of his life. And he's satisfied of what they have w...