Chapter 8

2.3K 80 1
                                    

All rights reserved ©2023 by Lynne Rose

TAHIMIK silang kumain sa sala habang nanonood ng eat bulaga, and it's nearing its end. "Looks so fun," kanina pa siya tawa ng tawa dahil sa kalye serye nila.

"Corny," narinig niyang sabi ni Wilmer at siya palang ang unang katagang sinabi nito simula ng umupo sila sa sala at nag-umpisang kumain.

Inirapan niya ito.

Sofia realized something about Wilmer Bryce. He's hot and cold.

Unpredictable.

At daig pa nito ang babaeng may dalaw.

May mood swings.

Kanina, he was acting like a jealous lover, ngayon naman, tila yelo sa kalamigan.

At tila nakaguhit na sa noo nito ang linya, at ang mga kilay, kulang nalang maging isa dahil sa pagkakasalubong ng mga makakapal na kilay.

And even so, he still looked devastatingly handsome. Paano pa kaya kung lagi itong palangiti?

However, she enjoyed his presence. Masaya siyang kasama ito kahit na tila itong isang bloke ng yelong nakaupo sa sofa. Walang emosyon ang mga mata, at kung bubuksan pa ang mga labi, palaging angil na tila leon.

Ngunit kaysarap ng kanyang boses.

Buong-buo, lalakeng-lalake, at tila ito may mahikang umaapekto sa kanyang sistema,

Just hearing his husky voice, it made her skin tingle, delicious shivers ran down her spine, at parang tinatakasan din siya ng lakas sa mga binti. Para siyang kandilang nauupos.

Tulad ngayon, wala pa itong sinasabi, nasa tabi lang niya, kung tutuusin, ilang dangkal din ang layo nito sa kanya, but she could literally feel his warmth that's emanating from his body. At tila iyon palad na humahaplos sa kanyang balat at gumagapang sa buong katawan niya, at nagdudulot ng masarap na pakiramdam.

His faint scent, very musky, tila nanunudyo sa pagpipigil sa sariling isiksik ang sarili sa matigas nitong dibdib at samyuin ang napakaswabeng bango nito.

Wilmer Bryce is the epitome of a foreboding brute, cloak with mystery.

At hindi niya alam kung bakit nahulog siya rito. Sabi ng ang ate niya, naapkaseryoso nito at tila hindi marunong ngumiti. Tila laging galit sa mundo. Laging madilim ang anyo, at daig pa nito ang singkwenta anyos kung mag-asta at kahit sa pag-iisip.

""Hindi ko alam na gusto mong panoorin ang mga ganitong eksena? It's dumb."

Napatigil sa pagsubo ng kanyang chicken wings si Sofia at saka tinitigan ang binata. At nahuli niya itong nakatitig parin sa kanya at nanunuot iyon.

Tila hinihigop nuon ang tamang pag-iisip niya. At nakalimutan niya ang pinag-uusapan nila dahil hindi niya maalis ang kanyang paningin sa mga maiitim nitong mga mata na tila tumatagos sa buto niya kung tumitig, at naiinis siya dahil hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.

"It only shows you're still a baby. Kahit sa pagkain mo, tila ka bata," may bahagyang sermon sa tono nito na hindi niya nagustuhan.

Naningkit ang mga mata niya.

"At ano ang ibig mong sabihin?" galit niyang asik rito, saka tumuwid ng upo at ibinaba ang plato niya na halos puno na ng mga buto ng manok, at saka pahablot na kumuha ng tissue sa kleenex box at pinunasan ang gilit ng mga labi niya.

"Look at the tissue," iminuwestra nito ang kamay sa tissue na ginamit niyang pamunas sa kanyang labi, at kahit ang mga daliri niya napuno rin ng orangey sauce.

Unwanted Fiancee |Montoya Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon