Chapter 29

8 0 0
                                    

13 Years Ago...

Sa pitong taong gulang ko pa lamang ay naranasan ko nang saktan at pagalitan.

"Indigo! Simula ng dumating ka sa buhay namin! Nagkadeleche na!" Malakas na sigaw ni Nangnang sa akin.

"H-Hindi ko po s-sinasadya..."

"Aba'y sumasagot ka pa talaga! Eh! Wala ka na nang ibang ginawa kundi ang maglaro ng maglaro! Tapos ganito lang ang isusukli mo sa amin?"

"N-Nang—"

"'Wag na wag mo akong tawaging Nangnang 'di kita kaano ano!" Marahan niyang kinuha ang kamay ko at pinatalikod saka niya ito hinampas ng hinampas.

Namumula na ang likod ng palad hanggang sa may dugong unti unti nang namumuo dito. Mahapdi ang bawat hampas niya lalo na may inilagay siyang asin.

"T-Tama... n-na po..." Umiiyak na sambit ko. I wanted her to stopped of what she was doing but I don't have enough strength to do it.

Mas lalong lumala ang tanong sugat sa kamay ko. Ang pamalong ginamit niya ay namumula na rin dahil sa dugong lumalabas sa kamay ko.

"Hindi ka mapagsabihan!"

Paulit ulit niya iyong ginawa... Nanghihina na rin ang buong katawan ko na ilang sandali nalang ay hihimatayin na ako. Naging madhid na rin ang bawat hampas niya sa kamay ko.

I don't deserve this kind of treatment...

I was hoping at that time na sana ay titigil na siya at iwan nalang ako. Desperado na akong umalis sa bahay na ito dahil sa pinaggagawa niya.

"What are you doing, Luisa!" Sigaw ni Tatang nung bumukas ang pinto. Ang pagkabigla nito ay napalitan ng galit dahil sa natamo kong sugat mula sa pamamalo.

Kaagad akong kinuha ni Tatang at dinala sa likod niya. Natutuyo na rin ang luha ko at nawawalan nang hininga.

"Are you fucking crazy, Luisa!? Mas masahol ka pa sa hayop! Anong gusto mong mangyari? Halos patayin mo na itong anak ko!" Galit na galit na sigaw ni Daddy.

Sa tuwing tumitingin ako sa harap ko ay nakikita ko kung paano ako kinamumuhian ng itinuturing kong pamilya.

All I know was I was in amidst of this situation na kahit anong pilit kong pigilan ay 'di ko kaya. Ito ang rason kung bakit ayaw kong magalit ang Nangnang ko kasi ganito niya ako tratuhin kapag wala si Tatang.

Mabilis dumaan ang panahon pero palihim pa rin akong sinasaktan ng Nangnang ko hanggang sa dumating sa point na naaksidente si Tatang sa pinagtratrabahuhan nito.

"Pack your thing! Aalis kana sa pamamahay na ito! Wala ka nang Tatang na magliligtas sa'yo!" Halos kapain ko na ang hininga ko dahil sa narinig ko.

Ilang araw at buwan kong hiniling na sana ay bumalik si Tatang ngunit hindi na pala iyong mangyayari pa dahil hindi na ito bumalik pa. 

Napilitan akong dalhin sa bahay ampunan dahil wala nang magaalaga sa akin. Doon rin guminhawa ang buhay ko sapagkat wala nang mananakit sa akin. Sinabi pa ni Nangnang na babalikan niya ako ngunit dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi parin bumalik ang mga magulang ko. I was supposed to think na wala na talaga... na iniwan na nila ako. Kasi sa ganung katagal hindi man lang nila ako sinubukan kumustahin, dalawin at magpadala ng liham para sa akin.

Making You Impossible ✓ (BL Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon