Chapter 02

2 2 0
                                    

Si Keina ang nagluto ng breakfast namin kanina kaya ako rin ang naghugas ng mga pinggan. Medyo maaga kami pumasok ngayun dahil maaga nagising si Keina kaya nag ce-cellphone lang kami ngayun habang hinihintay ang unang klase.Nang nag simula ang unang klase sumunod narin ang pangalawa at pangatlo hanggang sa dineklara nila na lunch break daw muna.

Pumunta lang kami ni Keina sa food court na pinuntahan namin kahapon at bumili lang ng burger. Pag balik namin sa classroom ay wala pa ang aming next professor kaya maingay sa klase.

Mga 4:30 nang matapos ang klase namin, umuwi nalang kami kaagad ni Keina at ako na ang nag luto Ng dinner dahil siya naman ang nagluto ng breakfast kanina. After namin kumain ay siya din naman ang naghugas ng pinggan, pagkatapos ay gumawa nalang kami ng mga assignments pampalipas ng oras. Unti lang ang binigay na takdang aralin namin ngayun at hindi din naman ako nahirapan.

-

"Bilisan mo ngang kumain!" inis kong sabi kay Keina, dahil late nanaman siyang gumising at 7:30 narin baka malate pa kami.

" Wag ka ngang atat diyan! Wag kang mag alala for sure naman wala pa yung una nating prof noh!" Pasigaw na sabi ni Keina na nagmamadali nang ngumuya.

"Hayst kahit na! Pano kung maabutan natin siya?! Baka malecturan pa tayo nun pag na late tayo noh!" Sabi ko kay Keina na halata namang walang pakealam kung malate man siya o hindi.

Saming dalawa ako ang pinakaseryoso sa pag aaral dahil hindi naman kami sobrang yaman noh! Ang papa ko ay magsasaka lamang at ang nanay ko ay house wife lang kaya nagsusumikap talaga akong mag aral. Si Keina may kaya naman sila dahil parehas na may marangyang trabaho ang kanyang mga magulang kaya walang pakealam yun masyado.

Sa huli ay nauna nalang akong pumasok dahil ayaw ko namang magaya kay Keina kung sakali mang' malate siya.Papunta ako sa room namin nang may nakita akong isang grupo ng mga lalaki, siguro nasa mga tatlong miyembro sila,hindi ko sila masyadong nakikita dito malapit sa room namin kaya baka mga 3rd year college natong mga toh. Nakita ko na pinagtutulungan nila ang isang lalaki na halatang bata pa, at mukang kaklase ko pa ito!

"Brix?!" Sigaw ko nang namukaan ko siya. May mga pasa na siya sa braso.
"Ano ba ha?! Bakit niyo siya binubugbog?!"tanong ko sa mga lalaki.

" Pano mo naman nasabi na binugbog namin siya?" Malamig na tono ng isang lalaking naka black na shirt.

"Colan, that's enough." Sabi ng isang lalaking nasa gilid na halatang wala namang pakealam.

"Fine Jk." Sabi nung Colan ata yun.

After non ay nag si-alisan narin sila.Pero may sinabi pa sakin yung lalaking nasa gilid kanina bago siya umalis.

"If I were you I'm going to stay out of this kind of situation."saad niya.

"Ano ba ha?! Bakit kaba nangengealam?!"si Brix, na mukhang galit imbes na matuwa dahil tinulungan ko pa siya.

" Wow ha?! Ikaw pa talaga ang galit e ikaw na nga tinutulungan ko, saka sino ba sila ha? May atraso kaba sa mga iyon?" sabi ko naman sakanya

" Oh yeah, ofcourse you don't know them, sila lang naman ang isa sa mga pinakamayam na grupo dito sa UST, no one wants to mess with them or makialam man lang sakanila!." Si Brix na mukhang pinapatamaan ako sa huli niyang sinabi. Eh pakialam ko ba kasi sakanila ha?!.

" Ok so, alam mo ba yung lalaking naka black kanina ha? Siya si Colan marami silang mga sikat na restaurant dito sa Pilipinas, at yung naka white naman kanina ay si Jordan meron naman silang company, at yung naka jacket kanina na nasa gilid ang pinaka mayaman sakanilang tatlo, siya si Jayden at kilala siya sa pangalang ' JK ' isa siya sa nag parenovate nitong school" Pagkwento sakin ni Brix.

" Teka ha! Bakit parang wala kang pakialam sa ginawa nila sayo kanina?!" Tanong ko kay Brix, dahil mukhang wala lang sakanya ang ginawa ng tatlong bugok na mga iyon! Ano naman kung mayaman sila?! Porket ba sila ang pinaka mayaman dito sa UST pwede na nilang gawin lahat ng gusto nila?!

"I'm at fault too nangialam kasi ako sakanila kaya pinag sasabihan lang nila ako. And you know what, I don't need your help, stay out of them." Saad ni Brix

Aaminin ko, hindi ko alam kung ano ang pinupunto ni Brix pero dahil sabi niya layuan ko nalang daw siya edi sige.
Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa room namin buti nalang at nakahabol pa si Keina bago magsimula ang una naming klase, tatlo lang ang klase namin ngayun kaya, tumambay nalang kami ni Keina sa nakita naming bench dito habang kumakain ng street food.

"Kilala mo ba yung sinasabing mayamang grupo ng lalaki dito sa UST?" tanong ko kay Keina.

" Bakit?!" Napaubo pa ito ng napagtanto niya kung ano ang tanong ko.
"Nakasalubong mo ba sila?! May ginawa ba sila sayo ha?!"sunod-sunod nitong tanong.

Napailing nalang ako "Oo nakasalubong ko sila may ginagawa kay Brix pero wala naman silang ginawang malupet sakin kanina." Saad ko sakanya.
" Masama ba talaga sila?"

Nagkibit balikat nalang si Keina "Ewan, 2years nako dito at marami din akong naririnig tungkol sakanila na mayaman daw sila, at bully din."

Nagbuntong hininga nalang ako, siguro nga sobrang yaman talaga sila at lahat ng narito kilala sila , ako lang siguro ang hindi.

Our Unconditional Love Where stories live. Discover now