"Mauuna nako, kailangan pa namin iedit yung video namin e ha." Pag pa-alam sakin ni Keina. Tumango nalamang ako sakanya.
-
"Tapos kunang iedit yung video natin at nasend kuna rin kay prof." Sabi ni Elijah samin.-
Pumunta ako sa may kalayuang bench para maupo at magpahinga narin dahil masyadong maraming tao ngayun dahil lunchtime. Tahimik dito di' kagaya sa mga malapitang bench sa room namin.
Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si Jayden.
"Can I sit here?" Tanong niya.
"May magagawa paba ako e nakaupo ka nanga." Sarkastikong sabi ko sakanya.
"That's right." Pagkasabi niya bago sumipsip sa kape niya. Literal nga na mayaman toh dahil napakamamahalin ng kape niya samantalang yung akin e instant coffee lang.
"Do you want some?" Tanong niya sakin ng nakita niya na nakatingin ako sa kape niya.
"No thanks." Sabi ko sabay tayo upang umalis.
-
"San kaba galing ha?" Tanong ni Keina.
"Wala,dun lang sa may bench bakit?"
"Uwi na tayo,pagod nako saka sabi nila Roder wala na daw tayong next class nag iwan lang sila ng activity." Si Keina.
"Sige, mauna kana bibili lang ako ng mga ingredients na pwedeng iluto mamaya." Saad ko.
-
Pumunta ako sa may grocery store para bumili ng kailangan namin sa ilulutong dinner, nagpadala Yung pamilya ko saka nag ambag rin si Keina kaya dito nako bumili.
Nasa pila nako ay may pamilyar na mukha akong nakita.
"Wow ikaw ang nag g-grocery." Tanong ko sakanya.
"Why?is it because I'm rich, I can't do some grocery stuff?" Tanong sakin ni Jayden na nakataas ang isang kilay.
"Hindi naman, siyempre mayaman ka edi malamang may yaya kayo noh."
"Sa bahay namin meron,pero sa condo ko wala. Kung gusto mo ikaw nalang mukhang sanay ka naman e." Sarkastikong sabi niya sakin.
Aba itong bibig ng lalaking toh ah! "So mukha akong yaya ganun?!"
"Kinda." Sabi niya sakin.
-"Oh bat ang tagal mo?" Bungad sakin ni Keina.
"Eh may nakasalubong akong bwisit e"
"Sino?" Curious na tanong ni Keina.
"Si Jayden."
"Ah... Sige na iluto muna yan,gutom nako e"Sabi sakin ni Keina na kala mo naman amo ko siya at yaya niya naman ako. Hayst naalala ko tuloy yung bwisit na Jayden nayun!
"Yes Ma'am!" Sarkastikong sabi ko sakanya.
-
"Hey!"
Napatingin ako dun sa lalakeng tumawag sakin.
Hayst kung minamalas nga naman."oh anong kailangan mo?!'
"So grumpy in the morning ha." Sabi niya sakin. Eh aba kung siya ba naman ang bumungad sakin sa school sinong hindi maiinis ha?!
"Buy me some coffee." Pag utos niya sakin.
"Ano ako yaya mo?!"
"Bakit hindi ba?" Tanong niya sakin
"Bakit nag apply bako ha?!" Tanong ko sakanya pabalik,pero bigla nalang niya akong tinalikuran at umalis. Wala talagang manners tong lalaking to e! Siyempre ma-pride ako noh kaya hindi ko siya bibilhan wala akong pera noh! Yung dala ko enough lang para sa meryenda! Wala naman siyang iniwang pera,Kala niya matatakot ako sakanya!
YOU ARE READING
Our Unconditional Love
RomanceMaureen Azekiel Sanchez just moved to Manila to study at UST, she is a smart girl from Pangasinan. She had a good start there until she met Jayden Kyle Laurel. The Laurel family is known as one of the richest living in Manila, Jayden is known in UST...