Mag ga-gabi na nang makabalik kami dito at hinatid narin niya ako sa condo namin ni Keina.
"Thanks." Maikling sambit ko sakanya.
"Ah wait-"Pagtawag ko sakanya dahil dire-diretso nasiyang pumunta sa sasakyan niya.
"Ahm... yung phone mo?"
"Why?" Masungit na tanong niya.
"Yung number ko diba kailangan mo?!" Umirap lang siya sakin saka ibinigay yung phone niya.
-
"Hoy bat ngayun ka lang ha?!" Salubong sakin ni Keina.
"Pagod ako mamaya nalang ako mag k-kwento."
"Bakit sino kasama mo ha?! May pa hatid-hatid pa ah,ano may boyfriend kana?!" Si Keina.
"Pero infairness ang galing mong pumili! Aston Martin ang sasakyan seswang,ibig sabihin mayaman! Ano may binigay naba sayo ha?!" Si Keina na asumera.
"Anong binigay ha?!"
"Hayst mahina ka naman eh! Like luxury gifts ganun!"
"Hindi naman yan yung hanap ko eh."
"Pero-"Pinutol kuna agad ang dapat sasabihin niya dahil kung hindi mukhang magiging mahabang usapan toh.
"Ok nako kung anong meron sakin Keina,saka ayaw ko namang isipin na yaman niya ang habol ko sakanya." Pagkatapos nun ay dumeretso nako sa kuwarto ko.
-
"Huy! Manood tayo mamaya? Please..." Pagkulit sakin ni Keina.
"Hayst may mga assignments tayo sa susunod nalang,"
"Dalawa lang naman yun saka maaga naman tayo matatapos ngayun after nitong lunch natin isang sub nalang tapos, tapos na." Si Keina na kanina pako pinipilit.
"Sino ba kasi mag lalaro ha at atat na atat ka jan!"
"Sila Colan! Exciting kaya saka kalaban niya yung mga kaklase natin kaya manood na tayo!" Si Keina. Bago pako makasagot ay may nag text agad sakin.
UNKNOWN NUMBER:
You should watch me later, after the game we need to go somewhere.
Btw,this is me Jayden.
"Hayst oo na manonood na tayo." Sabi ko kay Keina dahil kailangan, Shucks ano batong pinasok ko?!
-
"Another 3 points to Laurel!" At sabay nun ay ang buzzer hudyat na tapos na ang laro. Team nila Colan ang nanalo, at talo naman yung team ng kaklase namin.
"Pinapatanong nila Elijah kung sasama kadaw ba sa sine ngayun?"
"Ha? Sasama kaba?"
"Yas! Ang tagal kunang hindi nakapag sine noh! Sama kana please..." Nagmakaawa pa talaga yung isa toh. Oo! Gusto ko din sumama pero may kailangan pako gawin!
"Ah...may pupuntahan pako eh, sa susunod nalang muna."
"Parang napapadalas nayang pag-alis mo ha! By the way, sige na nga alis nako ah, baka matagalan pako diretso club ata kami eh! Sige bye, ingat ka ha!" Sabay takbo ni Keina.
"Sige, ikaw din ingat!" Sabi ko sakanya bago siya makalayo.
"You done?" Pota! Bat ba bigla-bigla nalang sumusulpot tong lalaking toh!
"Ikaw tapos kana?" Tanong ko sakanya pabalik.
"Obviously yes, kanina pako dito pero mukhang busy ka."
"Ha? Hindi ah. Hinihintay nga kita eh." Narealize ko nalang yung sinabi ko nang makita siyang nagtaas ng kilay at mukhang nagpipigil pa ng tawa, shocks! mukhang nagtunog excited tuloy ako sakanya!
"Let's go then."
"Teka, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya nang nakapasok nako sa sasakyan.
"Our house. I already told my dad about you, so he want to meet you." Medyo kinabahan ako sa sinabi niya ah, wait so im-meet kuna yung dad niya ngayun?! Like as in now?!
Mga thirty minutes lang din ang byahe papunta sa bahay nila Jayden. Wow first name basis, close kami?
Gate palang ng bahay nila nakakalula na grabe,tapos may security pa, sabagay talagang maglalagay sila ng security guard dito eh for sure ang daming mamahaling bagay sa loob ng bahay nila.
"We're here. Don't forget the date of our anniversary and our favourites, just in case tanungin niya." Napatango nalang ako sa sinabi niya dahil kinakabahan ako.
"Good evening sir, good evening po ma'am." Sabay ngiti sakin nung maid nila.
"Good evening po!" Bati ko naman kay ate.
"Manang, nandito naba si dad?" Pag baling ni Jayden sa atensyon nung maid nila.
"Yes sir! Hintayin niyo nalang daw po siya sa sala dahil may kausap po siya sa phone."
Umupo nakami ni Jayden sa sofa nilang alam kong sobrang mamahalin, pati yung chandelier nila dito sa sala grabe, tapos yung tiles nila super makinang halatang nililinisan at naaalagaan ito ng mga kasambahay nila.
"Son." Isang malalim na boses ang narinig kong tumawag kay Jayden.
"Dad." Tumayo na si Jayden at binati ang kanyang ama kaya tumayo narin ako. Shocks mag b-bless bako? Kaso baka ma-offend naman siya.
"G-good evening po sir." Utal kong sabi. Napatingin naman sakin yung dad niya at ngumiti na nag-paibsan ng kaba ko.
"Oh! Good evening hija, nice to meet you now, finally."
"Nice to meet you din po sir!"
"Oh please, tito nalang, you're my son's girlfriend so don't be shy, you are part of the family now!"
"T-thank you po tito." Ihh hindi ako sanay charot.
"Ahm, excuse me sir, ready na daw po ang dinner ninyo." Sabi nung kasambahay nila.
"Oh! That's good then, hija dito kana mag dinner."
At ayun nga nag dinner kaming tatlo, hindi ko alam ang uunahin dahil mga limang ulam ata ang inihanda nila saamin kasi sa probinsya pag marami ang pagkain sa hapag ibig sabihin merong may birthday pero dito mukhang normal na sakanila, kung dipako tinulungan ni Jayden hindi ako makakakain. Hindi pa naman familliar yung iba.
"Enjoy the food hija, just tell us if you don't like it, pwede naman nating baguhin." Sabay ngiti sakin ni tito.
"Ah, ok lang po toh saka hindi naman poko maarte,sa totoo lang sobra-sobra na nga po to eh. Hehe"
"That's good to hear. Let's eat."
Naging payapa naman ang pag-kain namin,minsan nagtatanong siya about samin ni Jayden na nasasagot naman namin ng maayos. Infareness, hindi ako na out of place. Mukhang mabait naman si tito, para ngang mas suplado pa tignan tong si Jayden eh.
"It's past 9 hija, napasarap ang kwentuhan natin haha pano kasi ngayun kalang dinala at pinakilala sakin ni Jayden, pagpasensyahan muna kung naistorbo pa kita, much better if dito kana matulog." Pag-offer sakin ni tito. Sa totoo lang di kuna rin namalayan yung oras dahil masaya din kakwentuhan si tito.
"Ahm, ok lang po, marami pa naman pong sasakyan sa labas." Sabi ko sakanya dahil nakakahiya naman kung dito ako matutulog at saka wala akong dalang damit noh!
"I insist hija. Dito ka nalang matulog, and I heard may kasama ka daw sa condo na tinitirhan mo, just text her and inform her na dito ka matutulog. Masyado nang madilim at mas magandang makapagpahinga na kayo. Ipapaready kuna yung kwarto mo hija." At ayun hindi nako naka hindi sakanya.
"Kyle, ikaw na muna bahala sakanya, I need to go to the office may sudden meeting kasi."
"Yes dad, thanks. Good night."
"Good night to the both of you." Ngiti samin ni tito.
YOU ARE READING
Our Unconditional Love
RomanceMaureen Azekiel Sanchez just moved to Manila to study at UST, she is a smart girl from Pangasinan. She had a good start there until she met Jayden Kyle Laurel. The Laurel family is known as one of the richest living in Manila, Jayden is known in UST...