"Maureen" ay pucha, muntik ko pang maihulog tong cellphone ko nang bigla niya akong tinawag at sumulpot nalang bigla. Ang aga niya naman ata.
"Ano ba?! Nakakagulat ka!"I said to him. Gosh sobrang tahimik pa kaya dito sa labas ng department namin dahil medyo maaga pa! Tapos biglang susulpot tong bakulaw nato! Kabute lang?
"Sorry about that,"he chuckled. Ts kung di kalang pogi eh,hehe.
"Here. For you." Pag-abot niya sakin ng isang bouquet ng red roses. Owemji, for sure mas mapula pako sa kamatis ngayon.
"P-para saan?" Maang-maangan Maureen? Pero syempre iconfirm pa natin, baka panaginip lang eh.
He rolled his eyes na parang hindi makapaniwala "Nililigawan kita Maureen." Ihh so hindi panaginip? Owemji ang tagal kong hindi nakatulog kagabi ah like as in kaya nga ang aga ko ngayun eh kasi yung assignments na balak ko sanang tapusin kagabi eh hindi natapos! Masyado nakong nalunod sa kilig!
"Ah kala ko kasi panaginip,teka bat parang ang aga mo?" I said. Kasi balita ko mamaya pa silang 8:30 kami naman mamaya pang 8, eh 6:30 palang ngayun.
"Need to rush. May recitation kami mamaya. How about you? You're also early."
"Ah balak ko kasing tapusin yung mga assignments ko na hindi natapos kagabi." Ang as usual hindi nanaman sumabay sakin si Keina! Ayun tulo laway pa! Naiinggit tuloy ako! Gusto ko nalang din muna humilata!
"Oh sorry about that."
"Ok lang noh!" Kinilig naman ako eh, charot syempre hindi kuna dinugtong yun.
"Then, sabay nalang tayo sa library, do your supposedly homeworks there." Ayoko sanang pumayag dahil baka hindi nanaman ako maka-focus! Kaso wala eh hinila nako, pati puso ko ata nahila,ems.
Pagdating namin sa library ay sobrang unti lang nung tao dahil nga maaga pa, mostly mga nag la-laptop lang at mukhang sobrang busy din.
Nagsimula narin akong tapusin tong assignments ko tapos si Jayden naman ay nagsimula ng magbasa. Minsan hindi ko maiwasan na tignan siya dahil magkaharap lang kami!, ang ganda ng view ko nakaka inspire hahaha charot!
"Yay natapos din!" Hindi ko naiwasang sabihin! Alam niyo yung feeling na natapos muna yung mga assignments mo! Naginat-inat ako ng mga braso dahil nakakangalay mag sulat! At napansin ko na ganun din si Jayden, natapos narin siyang mag basa. 7:30 narin!
"You hungry? I have sandwich here." Gosh oo hindi ako nag breakfast! Tatanggi na sana ako dahil mukhang hindi rin siya nag breakfast, nakakahiya kung ako kakain nun! Kaso wala traydor yung tiyan ko! Gusto ko nalang mag pabaon sa lupa ngayun din dahil sa sobrang lakas kumalam ng tiyan ko!
Jayden laughed when he heard my stomach growled. Like daig pa yung liyon pag galit!
"Cute. You can have this." Iaabot na sana niya yung buong sandwich pero ang sabi ko hati nalang kami dahil hindi rin siya nag breakfast! Saka malaki naman yung sandwich eh!
"Hmm sarap." Ay gago traydor na bunganga. Pero masarap naman kasi talaga!
"Really? I made that." He said at mukhang natuwa pa na sinabi kong masarap. Galing naman pala ng bebe ko, ay hindi pa pala!
Pagkatapos nun ay lumabas na kami sa library at bumungad samin ang maraming mga estudyante, syempre twenty minutes nalang mag e-eight na. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil narealized ko na mag kasama pala kami ni Jayden at ang daming tao! Baka may makakita!
"Hey, why are you hiding?" He asked when he noticed me hiding behind his back.
"A-ang daming tao, baka may magalit." Totoo, eh ang famous kaya nito dito! Kung makabakod sila wagas!
"Magagalit? Maureen nililigawan kita, why would they get mad?" He chuckled,oo nga naman! Bat bako natatakot! Like hallow mainggit kayo! Charot!
"Let's go, ihahatid kita sa department niyo." Like as in dinaig kopa yung statue na hindi makagalaw! Hinawakan niya lang naman yung kamay ko!
"Hoy Maureennnnnnn!" Biglang sigaw ng kung sino— este kaibigan ko pala. Nabitawan ko tuloy yung kamay ni Jayden dahil sa gulat! Nakikita ko naman si Keina na patakbong papunta dito! Jusko ngayun lang siya! Ilang minutes nalang eight na!
"Ay, naistorbo ko ba kayo?" Sabay sabi nung nakita niya yung kasama ko. Obvious ba?
"Hindi! Hindi!" Sabay irap ko nang palihim sakanya. Kaya ayun tawa ng tawa! Kabagin ka sana!
"I'll go ahead. See you later." Napabaling naman ako sakanya ng magsalita siya! Ah oo nga 10 minutes nalang eight na!
"Ah sige. Bye!" At hinila kuna si Keina papasok ng room! Huminga muna ako ng malalim dahil for sure tatadtadin ako ng...
"Hoy bat magkasama kayo? Tama ba yung nakita ko ha?! My gosh holding hands?! Pagpa-panggap paba yun aber?! May hindi kaba kinukwento Maureen Azekiel?" Aniya. Nakataas pa ang kilay ng bruha!
"Nahiya kapang isama yung apelyedo ko! Complete name talaga ha! Saka pwede ba mamaya muna ako tadtarin ng tanong" saad ko sakanya dahil nandito na professor namin!
"Sige sige, pero sigurahin mong sasagutin mo lahat ng tanong ko!" Inirapan ko nalang siya, ang kulit talaga ng bruhang toh!
---
Nandito kami sa canteen ngayun ni Keina dahil recess namin, isang subject nalang ay makakauwi na kami. Jusko ewan ko ba, feeling ko pagod na pagod ako ngayun kahit tatlong classes lang kami ngayung araw! Tapos dumagdag pa tong si Keina na hindi talaga ako tinigilan sa pagta-tanong! Habang papunta kami dito ay sinagot kuna lahat ng tanong niya dahil ayokong istorbuhin pa niya ako habang kumakain! Sabay dapat kami ni Jayden eh! Kaso itong bruha kong kaibigan hindi talaga ako tinantanan,hindi tuloy ako makakain, charot!
"Gusto mo coke? Bibili ako ng akin eh baka gusto mo mag pasabay?" Tanong ni Keina. Umiling nalang ako dahil hindi naman ako mahilig sa softdrinks hindi kagaya ng babaeng toh na halos pag-inom ata ng softdrinks ang definition niya ng pagiging hydrated! Nag nursing pa siya sa lagay nayan ah!
"Ayaw mo talaga? Sige na nga,basta hintayin mo ako dito sabay na tayong bumalik sa room, saglit lang ako!" Aniya. Saka wala talaga akong balak na tumayo dito sa lamesa dahil sobra akong busog! Napadami ang kain ko dahil hindi ako nakakain ng kanin kanina! Hindi pa naman sanay ang katawan ko sa ganun, rice is life! Hinihila tuloy ako ng antok! Ts,thirty minutes pa naman ang last subject namin ok lang sigurong umiglip, hehe.
"Azi, wake up" nakaramdam ako ng bahagyang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko.
"Hmm" shocks ayoko pang bumangon!
I heard someone laughed softly.
"Wake up now if you don't want to be late on your last subject, Azi." Dahil dun ay napabalik ako sa riyalidad! Shet nasa canteen pa ako—with Jayden?!
"Hey I saw you sleeping here Azi, so I go here to look on you while you're resting." Wait shet anong oras naba?
"Keina said your last subject will be in thirty minutes, five minutes nalang ay magsisimula na" putchang Keina! Hindi ako ginising,may pasabi-sabi pang sabay kami!
"Hatid na kita Azi" ha wait Azi? Shocks ang cute naman! Kung ito pala ang tawag niya sakin edi dapat may tawag din ako, ihh. Ang hot mag tagalog ng future bf ko nayan! Ems.
",lets go."
"You don't mind if I call you Azi right? Maui is too common and seems like al your friends calls you like that, so I want to call you Azi, your own nickname on me—but soon I'll call you love hmm...or I can also call you mine...what do you think?" Bulong niya sakin habang naglalakad kami! Shocks ganto ba siya lumandi kung oo ay jusko mahihimatay ako!
I heard him laugh when he saw my reaction. Anong nakakatawa? Masaya ka? Ems.
"I'll drive you home later. Wait me okay?" He said before I enter our room, like he literally send me here infront of our room!
---
Another update!Author's note:
The nickname "Azi" is from Maureen's second name— 'Azekiel' (baka kasi malito kayo hehe)
And also Jayden's surname 'Laurel' pronounced as "low-rel" hindi po "law-rel" hehe.
YOU ARE READING
Our Unconditional Love
RomanceMaureen Azekiel Sanchez just moved to Manila to study at UST, she is a smart girl from Pangasinan. She had a good start there until she met Jayden Kyle Laurel. The Laurel family is known as one of the richest living in Manila, Jayden is known in UST...