Chapter 08

1 1 0
                                        

It's been two weeks when he introduced me to his dad. May mga araw din na iniimbita ako for simple dinner daw nila at syempre hindi ako maka tanggi dahil baka magtaka yung daddy nun pero minsan naman eh hindi talaga ako nakakasama dahil baka si Keina naman ang mag taka. Hindi ko alam kung hanggang saan tong pag papanggap namin dahil ang naaalala ko nun ay hanggang katapusan lang ng buwan na to, pero shucks my part sakin na ayaw kopang itigil pero may part din sakin na dapat tamana. Ewan ko ba kung kailan koto naramdaman pero feeling ko talaga gusto ko na yung mokong nayun,kahit medyo masukit at mahirap kausap hindi naman kasi mapag-aakila na sobrang gwapo! Pero ayun nga, hindi naman talaga kami mag jowa so mas mabuting ibalin ko nalang sa iba tong nararamdaman ko o di kaya kalimutan ko nalang kesa masaktan pako.

"Hoy! Tulala ka nanaman!"

"Ih ano ba! Problema mo?!" Sabi ko kay Keina dahil nakikita na ngang nag eemote yung tao eh!

"Ay wow ikaw dapat tinatanong ko niyan! Kanina pako nag sasalita dito tapos di ka manlang nakikinig! Ano bayang iniisip mo ha!"

"Ts. Wala."

"Sus, hoy! Kilalang-kilala na kita! Yung boyfriend moba?!"

"Ha anong boyfriend pinagsasabi mo diyan?"

"Boyfriend, ano batong taong toh! Kala mo diko alam noh, yung nag hatid sayo dito noon! Yung naka Aston Martin! Saka duh napapadalas din ang pag alis mo noh so panong hindi ko mapapansin!" Mapagmasid din talaga tong babaeng toh eh!

"Hayst ano ba! Hindi ko boyfriend yun!" Sabay gulo ko ng buhok,ugh ewan pero feeling ko super stress ako ngayun kahit wala naman akong ginagawa saka Sabado ngayun eh so ewan baka oa lang talaga ako.

"Eh ano?!"

"Wala!" Hayst sabihin ko ba?

"May aaminin ako." Hayst sabihin ko na nga lang kasi na g-guilty narin ako parang napaka taksil ko naman sa kaibigan ko dahil walang alam to sa nangyayari sakin, para narin may karamay ako pag nasaktan diba, haha chos!

"Oh yan! Yan ang hinihintay ko!" Bwiset talaga tong babaeng to eh!

"May boyfriend ako pero hindi kami—"

"Ha?! Boyfriend pero di kayo?!" Oh tignan mo tong babaeng toh dipa ako tapos mag salita eh!

"Ano ba! Pwede patapusin mo muna ako?!" Ayun sumenyas na nga na ituloy kuna, buti naman.

"Complicated kasi eh, parang arrange lang ganun like fake gets moba? This month lang naman tapos nag karoon ng kasunduan na babayaran daw nya ako 50,000 pesos oh diba."

"Ha teka?! Fake? Babayaran?! Ano yun FUBU?! Hoy Maureen hindi ka pinalaki nila tita para lang ipagamit yang katawan mo ha?! Oo malaki yung bayad pero Maureen naman! Jusko! Pano kung mabuntis ka ha?!" Si oa.

"Ano ba! Napaka oa mo, ang sabi ko mag papanggap lang na fake girlfriend niya hindi FUBU! Hindi ako tanga para lang ipagamit tong katawan ko noh!"

"Eh hindi mo naman kasi nilinaw! Sorry na!" Unti nalang talaga babatukan kuna toh eh!

"Pero teka gano na katagal yan? Saka sino? Kilala ko ba?"

"Two weeks na, pinakilala narin ako sa dad niya dahil yun naman talaga ang plano, tapos uhm a-ano—"

"Ano ha?! Sino?!"

"S-si Jayden—"

"—huwaatttt as in Jayden Laurel! O my gawd Maureen!" Amputa talaga nang babaeng toh.

"Oo!"

"O.M.G Maureen! Oh tapos?"

"Eh ayun! Ngayung month lang naman, kailangan kasi may maipakilala siya sa dad niya kasi kinukulit na siya ng dad niya" Sabi ko naman.

"Ha eh bakit ikaw? No offense ha pero ang daming rich girls diyan" Yun nga din iniisip ko eh.

"Ewan ko rin! Pero secret lang natin toh ah! Saka malapit naman ng matapos tong buwan nato, baka ipapalabas nalang namin sa dad niya na nag break kami ganun!"

"Wait, yung overnight ba na sinasabi mo eh dun sa bahay nila?!" Tumango naman ako sa tanong niya.

"Omggggggg ano masarap ba? Ha?!" Ang dumi talaga ng isip nito. 🤦

"Pwede ba! Walang nangyare noh! Saka imposible! Fake girlfriend nga lang eh! Ang hanap nun yung ka level niya!"

"Ok ok, Yan ba yung iniisip mo kanina?"

"Oo" sabi ko sakanya.

"Eh kasi ano uhm Keina"

"Ano?!" Atat na atat lang ses? Pwedeng wait kitang kinakabahan eh!

"Gusto ko na ata siya—"

"Huwatttt! Maureen! Masasaktan ka lang! Kagaya ng sabi mo imposible dahil ka level naman talaga niya yung hanap niya saka after ng kontrata niyo eh wala na!" Hysterical niyang sabi.

"Alam ko naman yun! Expert naman ako magtago ng feelings eh! Saka duh tanggap ko naman na simula palang! Infatuation lang toh hindi ganun kalalim, promise!"

"Ay dapat lang, ayokong makita kang masaktan!" Saad nya.

"Oo! Hindi ako masasaktan, mawawala din toh once na natapos yung kontrata." Hayst sana nga.

---

A/N: short update hihi

Our Unconditional Love Where stories live. Discover now