Chapter 03

4 2 0
                                        

Naglalakad ako pauwi nang makita ko ulit yung mga lalaki na nakatambay sa bench. Hindi ko kasama si Keina dahil tumambay pa siya sa library hindi niya kasi natapos yung assignment kahapon.

"Hey" sabi nung Colan. Kala ko may iba silang tinatawag pero nang mapagtanto kong ako yun ay hindi ko na napigilang tanungin sila kung ano ba ang kailangan nila.

"Ahm... Bakit? Ano kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

" You're the girl earlier,right?" Tanong nito.

"Ahh... Oo bakit? Sasaktan niyo din ako?" Matapang kong saad sakanila.

" It's just a waste of time, let's go Colan."Sabi nung Jordan.

" Tsk, alam niyo hindi maganda ginagawa niyo!." Hindi kuna napigilan na hindi sabihin sakanila. Hindi pa ganon karami ang nalalaman ko about sakanila pero enough na yung nakita kong ginawa nila sa kaklase ko.

"Bakit ano bang ginagawa namin?" Tanong sakin ni Colan.

Aaminin ko medyo natakot ako dun ah.

"Bully daw kayo"Matapang kong sabi. Pero humalakhak lang sila at agad akong iniwan.

"Nonsense." Sabi nung Jordan.

Habang nag lalakad ako kinakausap ko ang sarili ko.
Akala naman nila kinaastigan nila yun,pogi sila aaminin ko pero napaka pangit naman ng ugali!Hindi ata nila alam ang salitang pagmamalasakit,manners, at iba pa!.

Naabutan ako ni Keina na nakabusangot sa sofa, habang nilalahad niya yung inorder niyang dinner namin, lutong bahay lang din naman yun na nabili niya sa tabi-tabi.

"Oh bat nakabusangot ka jan ha? Gutom kana ba?"tanong ni Keina

"Nadaanan ko sa bench yung tatlong mga lalaki kanina,yung mayayaman." Walang pakialam kong sabi.

"Ano?!" Halos mabitawan na ni Keina yung ulam buti nalang at nakuha ko ito kaagad sakanya.
"Diba sabi ko wag kang lalapit sa mga iyon!" Pasigaw na sabi ni Keina.

"Wala naman silang ginawa sakin ngayun ah.."

"Ngayun wala baka sa susunod meron!" Inis na sabi niya.

"Kagaya ng?..."

"Bully duh"si Keina

"Hindi naman ako takot"matapang na sabi ko.

"Hayst hindi mo alam kung paano sila mang'bully hindi lang basta bully na pang high school noh! Kaya magingat ka nako!" Si Keina habang kumakain.

Dahil halos sila pinaalalahanan nakong wag nang mangialam sakanila edi susundin ko nalang.

Maaga kaming pumasok ni Keina ngayun dahil may group project kami hindi nga lang kami mag kagrupo ni Keina, yung project namin ay magiinterview lang kami sa mga naassist na grade level samin, sa grupo namin ay ang iinterviewhin namin ay ang 3rd year college at sila Keina naman ay 2nd year college.

"Oh Maui ikaw na ang magtatanong sakanila ah, ako naman bahala sa pagset-up ng camera." Sabi ni Elijah, siya ang kasama ko sa group project nato.

"Sige."

"Ako na bahala sa lighting, yung iba naman standby lang kung sakaling may kailangan." Sabi naman ni Roder.

"So ang naisip kong interviewhin natin sa 3rd year students ay yung grupo nila Colan! Dahil sila lang din naman ang sikat dun, saka kilala nang lahat." Saad ni Elijah.

Medyo namula ako at kinabahan knowing na nagsagutan kami nung nakaraan.

"Ahm...sure ba kayo jan?" Tanong ko sakanila.

"Oo,saka payag narin naman yung iba nating kasama,bakit may atraso kaba sakanila?" Tanong ni Roder sakin.

Namula ako sa tanong niyang yun."Ha?! Wala ah!"Defensive kong sabi.

"Oh yun naman pala eh! So, ikaw na bahala sa mga itatanong mo ha! Mas maganda kung may mga personal questions ha!" Excited na sabi ni Elijah. Tumango nalang ako bilang  pag sang-ayon.

Our Unconditional Love Where stories live. Discover now