Chapter 01

15 3 0
                                        

Simula

Grabe sobrang hirap pala lumipat sa bagong place na titirahan eh noh?. Bagong lipat lang kasi ako dito sa Manila para mag-aral sa UST, hindi naman talaga mapag aakila na maraming adjustments! Taga Pangasinan ako, at buti nalang talaga may kaibigan ako dito kundi' sa lansangan nalang ako pupulutin eh.

"Hoy Maui! Bilis-bilisan mo naman gumalaw eh noh!" si Keina na kanina pa reklamo ng reklamo. Siya kasi ang tumutulong sakin ngayun mag lagay ng mga gamit ko dito sa condo at siya rin ang kasama ko dito dahil sakanya naman talaga toh,bale hati nalang kami sa bayad.

"Teka lang naman kasi!"

Nang matapos kami sa pag-aayos naisipan namin na bumili muna ng mga gamit na kakailanganin sa school.Nilibre narin ako ni Keina sa isang coffee shop na affordable naman kaya pumayag narin ako.

"Oh coffee mo"si Keina,matapos makuha yung inorder ko na libre niya.

"Thanks!" nakangiti kong sabi.

-

"Good morning Manila! Good morning UST! New school, new life!!" Masaya kong sabi. Dahil ngayun ang first day namin ni Keina sa UST at magkaklase din kami kaya feeling ko hindi naman ako mahihirapan.

"Apaka ingay mo!"si Keina na nagising dahil sa ingay ko.

"Gumising kana kasi,kailangan maaga tayo ngayun! First day natin to!"

"First day mo! Hindi ako! 2 yrs nako sa UST, syaka 6am palang, 8am pa tayo papasok!"si Keina na literal na naiinis na ngayun.

Pero totoo naman kasi, mas nauna si Keina na mag-aral sa UST dahil pinatapos kopa ang senior high ko sa Pangasinan. At ngayun, parehas kami ni Keina na mag-aaral sa UST dahil parehas kaming first year college.

Dahil ayaw pa talaga gumising na Keina, nag ayos nalang ako ng gamit pampalipas lang Ng oras.Mga 7:30 na nang gumising si Keina, medyo nabwisit panga ako dahil mabagal siyang kumilos, buti nalang at nakaligo nako at nakakain narin.

"Oh halika na! Napaka excited mong babaita ka" si Keina na nakabusangot dahil kanina kopa siya sinasabihan na dalian niya, hindi na nga siya nag breakfast eh pero okay lang naman daw dahil sanay na siyang hindi nag b-breakfast.

Sobra akong namangha sa laki ng UST, maraming mga estudyante ang kanya-kanyang nagsisipuntahan na sa room nila kaya pumunta narin kami ni Keina dahil 5minutes nalang mag sisimula na ang klase.

Nasa pangatlong row kami umupo ni Keina at nagsimula narin ang unang klase namin ngayung araw. Mabilis lang natapos ang klase dahil first day palang naman, ang ginawa lang namin ay magpakilala saka checking of attendance.Nag libot nalang kami ni Keina sa school at pumunta sa may malapit na food court para kumain at mag palipas narin ng oras. Mga 5:00 na ng hapon kami umuwi ni Keina, ako na ang nagluto ng dinner namin at siya naman ang maghuhugas ng pinggan.Nagluto lang ako ng adobo dahil yun lang ang nakita ko sa ref na pwedeng iluto at sobrang gutom narin kasi talaga ako kahit na kumain naman kami ng buger kanina.

"Infairness namiss ko itong luto mo, dahil diyan ako na ang maghuhugas" pagdeklara ni Keina,dahil masarap daw ang luto ko.

"Gawa tayo rules dito sa condo natin" sabi ko.
" Kung sino ang nagluto yung isa ang maghuhugas ng pinggan, kailangan salitan tayo sa paglinis ng condo ako na ang magsisimula ngayong week, tas ambagan din tayo sa pag bayad dito, ano deal?" Sunod-sunod kong sabi sakanya.

"Deal!" si Keina.

After namin kumain, si Keina ang naghugas ng pinggan gaya ng pinangako niya. Nag basa nalang ako ng libro pampalipas ng oras dahil mahilig din talaga ako mag basa ng libro at si Keina naman ay nanonood lang ng TV.

Our Unconditional Love Where stories live. Discover now