Chapter 04

3 2 0
                                    

"Oh may naisip naba kayo kung sino iinterviewhin niyo sa 3rd year?" Tanong sakin ni Keina, naglalakad kami ngayun naghahanap ng pwedeng pagtambayan dahil matagal pa ang susunod na klase namin.

"Oo, yung grupo nila Colan" walang pagaalinlangan kong sabi sakanya.

"Ano?!" Muntik pang matalisod si Keina dahil sa sinabi ko."Bat ka pumayag?"

"Eh sila lang naman ang sikat doon eh." Sabi ko naman sakanya.

"Fine! Para naman toh sa project natin eh kaya siguro naman magseseryoso yung mga yun,hindi naman ikaw yung kakausap sa mga iyon diba?" Tanong sakin ni Keina.

"Ako." Tamad na sabi ko.Halata sa mukha niya yung inis at gulat pero wala narin naman siyang nagawa kaya tumahimik nalang siya.

Bukas pa naman start ng pagiinterview namin,kasama ko mga kagrupo ko ngayun si Keina naman kasama niya ang sakanya. Nagkaroon narin talaga ako ng mga kaibigan dito kaya madali na saakin ang makisama.

"So ikaw na bahala Maui ah!" Sabi ni Elijah tungkol sa project namin bukas.

"Oo." Sabi ko naman.

Mabilis lang natapos ang klase namin, mga 4:30 na ng hapon ng halos lahat ng mga estudyante ay nagkakagulo.

"Ano meron? Bat nagkakagulo sila?" Inosente kong tanong kila Elijah.

"Ano kaba?! May laro ngayun ang team nila Calon! Kalaban nila ang 3rd year!" Excited na sabi ni Elijah.

"Ah ganun ba?, Ganun ba sila kagaling para pag kaguluhan?"

"Oo noh! Sobrang intense ng game kapag sila ang players wala pa nga atang nakakatalo sa team nila Jayden eh! Gusto ko nga sanang makasama sa team nila kaso 1st year palang ako." Saad naman ni Roder.

"Tara nood tayo Maui!" Pag-yaya sakin nila Elijah.

"Ha? K-kasama ko kasi si Keina eh"

"Ano kaba?! Nakita ko siya kanina papunta narin dun sa P.Novel court" Sabi naman ni Roder.

Wala narin akong nagawa, kaya sumama nalang din ako sakanila para manood. Pagdating namin sa court dun ko narealize na magiging intense ang laban ngayun.

"Omg! Ang hot ni Jayden!" Sabi ng babaeng nasa likod namin. Kahit mga high school nanonood din.Nagsimula na ang 1st quarter ng game at nangunguna parin ang team nila Colan.

2nd quarter na,intense parin ang laban dahil malapit nang maabutan ng kabilang team ang team nila Colan.

"Go Jordan! Go Jayden! Go Colan!" Sigaw ng mga tao.

Nang matapos ang laro at dineklara na panalo ang team nila Colan ay nagsigawan na ang lahat ng tao.

Napansin ko yung Jayden na hinubad ang basa niyang jersey para magpalit. Ramdam ko ang pag pula ng mga pisngi ko kaya naman agad kong inalis ang tingin ko sakanya.

"Wait napansin niya ba akong nakatingin sakanya?" Bulong ko sa sarili.

"Tara na Maui! Uwi na tayo gutom nako!" Sabi ni Keina.

-

"Oh Maui, ready naba lahat ng itatanong mo?" Tanong sakin ni Elijah.

" Ah,Oo pero medjo kaunti lang ang naprepare ko."

"Ah...ganun ba? Ayos lang, kami nalang mag back up sayo sa ibang pwedeng itanong."

Pumunta na kami sa room ng mga 3rd year college, at agad naman namin nahanap yung grupo nila Colan.

"Hi! Pwede ba namin kayong mainterview?"tanong ni Elijah sakanila.

"For what?" Malamig na tono ni Colan.

"For our project." Saad naman ni Roder.

"As you can see, we're busy." Sabi nung Jordan.

" Ok, sa lunch time kaya? " Tanong ni Elijah. Tahimik lang ako sa likod nila, natatakot na baka makilala nila ako.

"It's lunch time, it means we need to eat and we consider that as our rest time." Sabi naman ni Jayden, nagulat ako dahil ngayun ko lang siya narinig na magsalita,dahil ang kadalasang sumasagot samin ay yung dalawa.

Nagsalita narin ako,baka sakaling mag bago ang isip nila. "15 minutes naman ang break time at balita ko wala naman yung susunod niyong prof para sa next na klase kaya 30 minutes ang magiging rest time niyo, kung okay lang sainyo na kuhanin namin yung 10 minutes niyo for our project, mabilis na matatapos to,we just need you to cooperate." Matapang kong sabi. Napansin ko nga na medjo nagulat ang mga kasama ko na nagsalita ako.

"10 minutes huh?" Nakataas ang isang kilay ni Colan nang itanong niya sakin iyon.

"Oo, 10 minutes quick!" Sabi ko sakanila

"Fine, location?" Sabi nung Jayden.

" If okay lang sainyo, dito nalang sa room niyo para hindi niyo na kailangan pumunta kung saan-saan." Sabi ni Elijah.

"Our break time will start at 12:00, and that will be the time we're going to eat our lunch, you guys can come back at 12:30." Sabi ni Jayden.

"Okay!" Masiglang sabi ni Elijah.

"Buti nalang talaga Maureen nagsalita ka! Kundi ewan ko na talaga ang gagawin para lang makumbinsi ang mga iyon!" Sabi ni Elijah.

-

"Okay let's start!"Saad ni Elijah.

Medyo kinakabahan ako dahil ako ang magtatanong sakanila."Ahmm...ok ,ako ang magiinterview sainyo I want to introduce myself first formally. Maureen Azekiel Sanchez, 1st year college,BSN."

"Colan Rey Del Mundo,3rd  year BSCE."Si Colan.

"Jordan Brent Carter, Bachelor of Science in Medical Technology." Si Jordan.

Tumaas lahat ng balahibo ko ng magsalita ang isang lalaki.

"Jayden Kyle Laurel, PolSci."

So gusto niyang mag abugado...

"Ok, so my first question is for all of you... You guys are known as the big group here in UST, gaano na kayo katagal magkakaibigan?" Unang tanong ko sakanila.

"We lost count."Saad ni Colan.

"Bata palang kami,magkakasama na kami." Maayos na sagot ni Jordan.

"Kilala kayo dahil sa sobrang yaman niyo, pero bakit ang iba ay sinasabing bully daw kayo?" Halos mabuga na ni Elijah yung iniinom niyang tubig sa tanong ko.Natawa nalang yung tatlong lalaki sa harap ko.

"We don't do stupid things,Miss." Malamig na sagot ni Jayden.

"May mga naging girlfriend naba kayo?"

"Mukha bang wala?" Sarkastikong tanong ni Colan.

"Mukhang meron."

"Tsk. We don't do 'girlfriends' if you consider flings into 'girlfriends'let's say we lost count.' Mayabang na sagot ni Jordan.

"Are you done?" Tanong sakin ni Jayden." Is that all?, We have more things to do."

"Oo, thank you for your time." Pilit ko nalang silang nginitian saka umalis na.

-----

Our Unconditional Love Where stories live. Discover now