Chapter 1

46 0 0
                                    

Chapter 1

Pain

*****

Chinnie POV

Hindi raw natin maaaring piliin kung kanino tayo ma-in love.

Kung minsan daw kasi, kapag tumitibok ang puso ng isang tao, titibok ito para sa taong hindi mo inaasahan. Pwede kang mahulog sa taong ayaw mo naman mahalin. Pwede kang ma-in love sa taong alam mo namang wala kang katiting na pag-asa.

Ganoon kakomplikado ang puso ng isang tao.

Pero kapag na in-love ang puso natin, wala na tayonh magagawa. Wala na tayong kawala. Magiging alipin tayo ng nararamdaman natin.

Minsan pa, kailangan nating itago ang nararamdaman para sa isang tao. Lalo na kung na-in love ka sa isang tao na alam mo namang wala kang pag-asa. Wala rin kasing patutunguhan. Para ka lang nag-iiponng ng tubig ng isang balde na may butas naman.

O kaya nama, na-in love ka sa best friend mong alam mo naman sa sarili mo na never kang makikita kung papaano mo sa nakikita. Hindi mo maaaring sabihin sa kanya dahil nga ayaw mo masira ang pagsasama ninyong dalawa, kaya kailangan mo na lang itago at makuntento sa kung anong mayroon kayo.

Kahit masakit, kailangan mong itago at magpanggap sa araw-araw na wala kang nararamdaman sa kanya. Kahit na ba tuwing nakikita mo siya, gustong-gusto mo nang sabihin sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kung gaano ka nasasaktan tuwing may kasama siyang iba.

Parang pinunit ang puso mo sa sobrang sakit tuwing nangyayari iyon. Pero kailangan mong ipakita na hindi ka nasasaktan. Na hindi ka naaapektuhan. Kasi nga best friend ka lang at wala kang karapatang magselos. Kailangan mong indahin ang sakit na nasa puso mo kahit na gusto mo nang isigaw sa pagmumukha niya na gusto mo nang isigaw sa pagmumukha niya na ang sakit-sakit  na.

Sana nga pwede nating pigilan ang nararamdaaman natin sa isang tao, no?

Eh, di sana hindi na ako nahihirapan ng ganito. Eh, di sana, kaya ko siyang tignan na walng pagmamahal na hihigit pa sa best friend ang makikita sa mga mata ko.

Eh, di sana, kahit naririnig ko si Shaun sa kabilang kwarto na may kasamang babae, hindi ako umiiyak , nahihirapan, at nandidiri. Eh, di sana, hindi kumukirot ang puso ko.

Pero hindi eh. Tuwing nag-uuwi siya ng babae rito sa condo na tinitirhan naming dalawa, torture sa akin. Para akong binabalatan nang buhay at binubudburan ng asin sa sobrang sakit.

Muli na naman akong napapikit ng mariin nang marinig ko na nman ang pag-ungol ng babae na kasama ni Shaun sa kabilang kwarto. Kahit ilang beses na naulit ang eksena na ito, hindi pa rin talaga ako nasasanay. Nahihirapan ako and the same time, nandidiri pa rin sa tuwing naririnig ko ang pag-ungol at tunog ng kama na ginagawa nina Shaun. Nai-imagine ko kasi silang dalawa.

Sinalpak ko na lang sa mga tainga ko ang earphones at nilakasan ang kanta ng kanta para hindi ko na marinig ang mga nakakadidiring ingay mula sa kwarto ni Shaun.

May early exam pa ako sa first subject ko bukas kaya kailangan ko mag-review. Kahit ang sakit sa tainga dahil sa sobrang lakas ng earphones, wala na akong pakialam. Mas okay ng sumakit ang tainga kasya ang pusong nasasaktan. Nakakataas ng balahibo.

At ang sakit ng puso ko.

Sighed.

Kung kaya ko lang umalis sa condo na ito, matagal ko ng ginawa. Pero hindi ko naman kaya. Tuwing nakikita kong malungkot si Shaun, talo agad ako.

Nagiging tanga na naman ako. Mas nangingibabaw na naman yung nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Besides, ibinilin siya sa akin ng mommy niya. Ayokong ma-disappoint s akin si Tita. Ako lang ang inaasahan niyang titingin kay Shaun dahil wala sila ni Tito sa Pilipinas. 

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon