Chapter 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

Meet Bea

*****

Chinnie POV

Napahikab na naman ako habang naglalakad kaming dalawa ni Bea, my best friend aside kay Shaun papuntang cafeteria. Kakatapos lang ng morning class naming dalawa.

Bigla akong nakaramdam ng pagod at antok dahil na-drain lahat ng energy and brain cells ko sa early exam and lesson kanina. Gusto ko na sanang umuwi para matulog kaso may pasok pa ako after lunch. Ayokong um-absent dahil may hinahabol akong grades.

Sa sobrang antok ko, hindi ko na maiintindihan ang mga pinagsasabi ni Bea. Salita lang siya nang salita at mukhang inis sa isang bagay. Pumasok kami sa  loob ng cafeteria at humanap agad ng mauupuan.

"Nakakainis, di ba? Asar na asar talaga ako, kanina." padabog na inilapag ni Bea ang bag niya, saka umupo.

Muli akong humikab. 

"Ano ba iyon? Ano bang kinaiinis mo?" tiningnan niya ako ng parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Jusko, earth to Chinnie. Hello, are you there?" sabi niya.

"Kanina pa ako rant ng rant dito tapos hindi mo pa alam ang hinihimok ng butchi ko. Thank you, friend, ha? Ang laking tulong!" nag-roll eyes pa siya kaya bigla akong napatawa.

"Ano nga kasi? Sorry. Inaantok kasi ako. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi."

"Nagra-rant ako about sa exam natin kanina. May mga lumabas doon na wala sa reviewer natin. Pero for sure, nasagot mo yon. Beast mode ka mag-review, eh." sabi niya, saka napataas ang kilay.

"Hindi ka nakatulog nang maayos? Let me guess. Nag-uwi na naman ng babae si Shaun sa condo ninyo, no? Nagself-pity ka na naman hanggang madaling araw."

Hindi patanong ang mga sinasabi ni Bea. Sinasabi niya iyon in a way na siguradong-sigurado siya na ganoon nga ang ginawa ko buong magdamag kaya hindi ako makatulog ng maayos.

"Grabe ka naman. Hindi naman ako nagse-self-pity, no!" pagtanggi ko.

"And FYI, hindi namin condo iyon. Condo lang ni Shaun iyon. Nakikitira lang ako." sabi ko.

"So, totoo nga na nag-uwi na naman ng babae yang si Shaun? Nasaan ba yang hinayupak na iyan nang mabugbog ko na. Sumusobra na yan, eh!" galit niyang sabi.

"Hindi man lang maging considerate sa feelings mo. Nyeta. babayagan ko talaga yan, Chinnie!" 

Mas galit pa talaga si Bea kaysa sa akin mga ginagawa ni Shaun. Thar was why I loved her. Mas affected pa siya palagi tuwing nasasaktan ako.

Si Bea lang ang nag-iisang tao na nakakaalam na in love ako kay Shaun. Malaki kasi ang tiwala ko sa kanya na hindi niya iyon ipagsasabi sa iba. Pero kadalasan, siya pa mismo ang kating-kati na sabihin kay Shaun ang totoo kong feelings for him.

Naiinis at nagagalit kasi si Bea tuwing nag- uuwi si Shaun ng babae sa condo. Alam na alam ni Bea na nasasaktan ako tuwing nangyayari iyon kahit hindi ko aminin sa kanya.

She knew I was hurting every time I saw  Shaun with another girl. 

Ito ang maganda kapag may girl best friend ka, pwede mong sabihin sa kanya ang mga bagay na hindi mo masasabi-sabi sa guy best friend mo. Makaka-relate kasi siya since parehas kaming babae.

Ang downside nga lang, eh, parang any moment, sasabog na si Bea dahil matagal na siyang asar na asar sa mga ginagawa ni Shaun sa akin. Sa mga bagay  na hindi aware si Shaun na nagagawa niya sa akin. Nagpipigil lang siya dahil alam din niyang magiging komplikado ang lahat. Alam niya rin na magagalit ako kapag ginagawa niya 'yon. 

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon