Chapter 8

26 0 0
                                    

Chapter 8

Until when?

*****


CHINNIE POV


Napatigil ako sa pagta-type ng report ko sa aking laptop ng marinig ko na may kumakatok sa pintoan ng aking kuwarto. Tinanggal ko ang aking eyeglasses ng marinig ko ang boses ni Shaun.

"Chin, tapos na akong magluto. Kain na tayo." sabi niya.

"Mauna ka na. May tinatapos pa akong report." I sighed.

"Sabay na tayo. Hindi ako sanay na hindi ka kasabay kumain. Niluto ko pa naman ang paborito mong pakbet. Masarap to kasi masarap din ang nagluto. Kaya tama na muna ya. Kain muna tayo." pangungubinsi niya sa akin.

"Mamaya na nga ako. Kailangan ko munang taposin 'to." Inis kong sabi sa kanya.

"Please, Chin? Hahayaan mo bang kumain akong mag-isa 'tong best friend mo? Palagi ka nalang nandiyan sa kwarto mo. Sige naman. Please, Chinnie. Please?" ginamitan na naman ko ng tono na hindi ko matatanggihan. I got so weak when he used that tone.

Siguro panahon na para pag-aral ko siya kung paano ko siya tiisin. Kung paano ko siya tanggihan sa mga bagay na gusto niya. Kung paano ko maalis ang nararamdaman ng puso ko sa kanya.

Tumayo ako sa desk at lumapit sa pinto upang buksan. Hindi ko siya tiningnan. Ang hirap dahil nakatira lang kami sa iisang condo.

"Hindi mo talaga ako matiis, no?" sabi niya sa akin.

"Mahal na mahal mo talaga ako, no?" habol niyang sabi habang nakatitig ng mariin sa akin.

"Tse! Dami mong alam." 

Pati manakit alam mo.

"Syempre pogi kaya maraning alam." Ramdam ko ang pagngisi niya.

Nilampasan ko siya at nauna ng pumunta sa dining area tsaka kumuha ng dalawang plato at inilapag ito sa lamesa.

Tahimik lang akong kumain habang siya naman salita ng salita. Puro oo at hindi lang ang sagot ko sa kanya. Sa aming dalawa siya talaga ang gumagawa ng topic. Hindi mananahimik kapag agkasama kaming dalawa. Masarap kasama si Shaun sa totoo lang pero sa oras na ito mas gugustuhin kong mananaahimik siya.

Kahit sa pagsalita niya napapakirot niya ang puso ko.

He was hurting me with everything he did.

"Alam mo Chin" nagsalita si Shaun.

Nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita na ang lungkot ng mga mata niya.

"Alam mo, kung hindi lang tayo nakatira sa iisang condo masasabi kong iniiwasan mo ako. Para bang may ginawa akong kasalanan sayo na hindi mo mapapatawad. Nag-iisang condo tayo pero parang nag-iisa lang ako. I don't feel your presence at all." He said sadly.

"Wala kang nagawa Shaun. Sadyang marami lang akong ginagawa." I said guilty.

"Ewan ko ba. We were not like before. Para may invisible wall sa ating dalawa na kahit anong gawin ko hindi ko matibag-tibag. You're here but I'm missing you. I'm miss my best friend big time." Sabi niya.

Best friend...

I looked at Shaun. I saw painful a cross expression on his face. Sa totoo wala naman siyang kasalanan. Hindi ko naman sinabi na mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Tsaka wala siyang alam sa nararamdaman ko. Nasa akin ang problema.

I am coward enough to tell him my feelings.

Not just best friend.

But more than enough what felt to me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon