Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5

In Loved

*****

Chinnie POV


I could still remember how and when I first fell in love with him. 

Magmula noong elementary at high school, pareho kami ng school na pinapasukan. It was during our fourth year in high school and exactly our junior and senior promenade. Pareho kaming masaya dahil partner namin sa prom ang mga crush namin.

Ako, iyong pinakamatalinong lalaki sa batch namin habang si Shaun naman, iyong crush na crush niyang leader sa cheering squad na halatang patay na patay rin sa kanya. Hindi tuloy siya nahirapang yayain iyon para maging date. Samatalang ako, no choice na lang yata i Tristan noon. 

The night before JS prom, magkausap kaming dalawa sa telepono. Tawa kami ng tawa dahil pareho kaming excited kinabukasan. Biniro ko pa si Shaun na baka si Tristan na ang magiging first boyfriend ko. Mahilig kasin ako sa lalaking matatalino. Ang sabi ni Shaun, okay ra sa kanya si Tristan. As longas hindi ako papaiyakin or else, bubugbugin niya ito. 

The night of our JS prom, nauna na sa school si Shaun. Magkatext lang kami at sinabi niyang dumating na sa school sila Rachelle. Marami na raw tao. Tinanong niya ako kung nasaan na daw ako. Sabi ko, nasa bahay pa dahil hindi pa dumadating si Tristan. 

I  waited and waited for Tristan to come. Susunduin niya kasi niya dapat ako sa bahay. Hindi pa rin siya dumadating. Nagmukha tuloy akong tanga sa sala ng bahay namin habang palipat-lipat ang mga mata sa orasan at pintuan. 

Hanggang sa napagod akong maghintay at tinanggap ko lang sa sarili ko na hindi na darating i Tristan. Na pinaasa lang ako ng tarantadong iyon. Akala ko matino siya pero hindi pala. Hindi pala por que matalino ang isang lalaki ay matino. Siya ang living proof n'on.

Magpapalit na sana ako ng pajama nang makatanggap ako ng tawag galing kay Shaun. He asked me kung nasaan ako. And so I lied. Sabi ko nagkaroon ng emergency si Tristan. Family problem 'kako kay hindi na makakarating. Pinipigilan ko na huwag umiyak kay Shaun dahil paniguradong mag-aalala lang siya at baka pati ang gabi niya ay masira.

Kahit na gustong-gusto ko na talagang humahagulgol dahil nasayang ang pag-ayos ko. Isa pa, nasayang lang ang pagbibigay ng pera ni Tita MJ para sa gown ko tapos hindi ko naman pala  magagamit ngayong gabi. Eh, di sana hindi ko na lang iyon tinggap.

"Stop lying" seryosong sabi niya.

"Andito si Tristan. May ibang ka-date." sabi ni Shaun sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot kay Shaun noon. Sa totoo lang, nsaktan ako. But I just choose to pretend that I was not. Wala kasing point para magalit. Hindi naman ako kagandahan. Kaya malamang mas uunahin ni Tristan ang kung sino mang magandang babae na kasama niya.

"Ah, ganoon ba? Hayaan mo siya. Matulog na rin ako. Enjoy the night. Isayaw mo na lang ako."

"Wait!" pagpigil niya.

"Pupunta na ako diyan." sabi niya.

"Huh?' naguguluhan kong sa sinabi niya.

"Saan ka papunta?" tanong ko kay Shaun.

"Your place. Of course. Susunduin kit. Huwag kanang matulog. Hintayin mo ako." sabi niya sa'kin.

"Wait for me, I'll be there in a few minutes. Pupuntahan kita kahit anong mangyari."

Hindi na hinintay ni Shaun ang sagot ko at pinatay na ang tawag . Mayamaya pa may narinig akong katok. Si mama na ang nagbukas ng pinto. Nagulat pa siya dahil bigla niyang nakita sa may pintuan si Shaun na nakasuot ng puting tuxedo at gwapong-gwapo sa porma.

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon