Chapter 4

13 0 0
                                    

Chapter 4

Blind date?

*****

Chinnie POV


Tumayo na si Bea at nagpunta sa counter para mag-order ng kakainan naming dalawa.

Napadaan siya sa table nina Shaun na kasalukuyang kasama ang mga batchmate niya.

Binati ni Shaun si Bea pero inirapan lang siya nito. Natawa natuloy ako sa sarili  ko. Parang gusto nang ihampas ni Bea ang wallet na hawak niya sa mukha ni Shaun sa sobrang inis, eh.

Habang hinihintay kong bumalik si Bea, bigla kong naisip yong sinabi niya.

Kalimutan ko na nalang daw si Shaun. Paano ko iyon gagawin kung palagi ko naman siyang nakikita araw-araw. Paano ko iyon gagawin kung mukha naman ni Shaun ang una kong masilayan tuwing umaga o huli kong makikita tuwing gabi? Para kong kalimutan ang sarili kong pangalan kapag ginawa ko 'yon.

Sabi rin niya Bea na kalimutan ko na ang feelings ko kay Shaun. Hindi naman ganoon kadali iyon. Kapag ganoon lang sana kadali eh, di sana matagal ko ng ginawa 'yon, di ba? Hindi naman ako masokista. Hindi ko na-enjoy ang pain and heartache na nakukuha ko kay Shaun.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulang kalimutan ang feelings ko sa best friend ko. S kung paanong paraan ko maiaalis sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Dahil sa bawat pagtatangka kong kalimutan ang feelings ko kay Shaun, paulit-ulit lang na ipinapalal sa akin ng puso ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako katanga na mahalin siya.

Nararamdaman kong nagtubig na naman ang mga mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Pero masyado nang huli dahil nakita na ni Bea na medyo napaluha ako.

"Ayan,  umiyak ka naman!" naiinis niyang sabi.

"Ugh! Nakakagigil talaga yang si Shaun!" galit na sabi niya.

"Napaluha lang ako dahil nakaramdam ako ng antok." pagdadahilan ko.

"Ewan ko sayo. Maloloko mo ako pero hindi yung sarili mo." inilapag ni Bea ang pagkain ko sa harap ko tapos umupo na siya at nagsimulang kumain. Tinanggal ko muna ang mga gulay sa pagkain ko dahil hindi ako masyado kumakain ng gulay. 

Habang kumakain kaming dalawa, bigla uli siyang nagsalita.

"Nga pala, may blind date mamaya. Seven PM. Doon sa may bar sa bayan." sabi ni Bea.

"Blind date?" napatas ang kilas ko.

"Pupunta ka?" tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayo" she emphasized the word 'tayo'.

"Tayo? Bakit kasama ako? Hindi ako pupunta!" nagulat ako.

"Pupunta ka!" mariin niyang sabi.

"Oras na para makalimutan mo 'yang feeling mo kay Shaun. Huwag kang mag-alala, okay ang mga lalaki na andoon friends sila ng pinsan ko. Hindi man kasinggwapog hinayupak na si Shaun, at least, hindi sila tarantado, no!" sabi ni Bea sa akin.

"Hala! Kahit na! Ayoko pa rin." tanggi ko sa kanya.

"At bakit? aber!" 

"Hindi ako papayagan ni Shaun diyan. Magagalit yon panigurado." pagdadahilan ko sa kanya.

"Bakit naman narinig ko ang pangalan ko?" pareho kaming napatingin ni Bea nang marinig namin ang boses ni Shaun.

Nakatayo na pala siya a gilid namin nng hindi man lang namin naramdaman. Naguguluhan siyang nakatingin sa amin.

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon