Chapter 2

21 0 0
                                    

Chapter 2

Yaya?

*****

Chinnie POV

 

Alas  siyete ng na ng umaga nang umaga magising ako dahil sa tawag ng na nagmumula sa cellphone ko.

Antok na antok kong sinagot  ang tawag. Gusto kong magalit sa kung sino ang tumawag dahil naistorbo ang pagtulog ko  pero hindi natuloy ang galit ko nang mabosesan kung sino.

Si Tita Mj pala ang mommy ni Shaun. Napabalikwas ako sa kama at biglang napaupo.

"Hello, Tita?" magalang kong sagot.

"Hello, Chin. Nagising ba kita? Alas siyete pa lang ng umaga diyan, di ba?" tanong ni Tita, nasa America kasi sila kasama ang asawa niyang si Tito Ross dahil basketball coach si Tito Ross sa isang isang high school doon. Umuuwi lang sila rito tuwing may okasyon.

"Opo, alas siyete pa lang po. Pero  hindi niyo po ako nagising. Mabuti na nga po  tumawag kayo at nagising ako, kung hindi, hindi ako makakapasok sa first subject ko. May exam pa naman kami." tumawa si Tita sa kabilang linya. 

"Bakit po pala kayo napatawag, Tita?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang kayo kamustahin ni Shaun. Kumusta kayong dalawa? Nagtitino ba si Shaun? Pumasok ba siya sa mga klase niya?" sunod-sunod na tanong ni Tita sa akin.

Napakagat naman ako sa labi ko dahil naisip ko na ang aga-aga, eh magsisinungaling agad ako.

"Matino naman po si Shaun Tita. Pumapasok naman po siya sa school. Pero-" naputol ang sinabi ko ng...

"Pero babaero pa rin?" 

"Opo, Tita. Hindi pa rin nagbabago." honest kong sabi sa kanya.

"Hay, ewan kp ba sa batang yan. Bakit ba nagiging ganyan yan eh, hindi naman babaeri si Papa niya noong kabataan naming dalawa? Saan ba nagmana yang si Shaun? Sumasakit ang ulo ko sa kanya." sagot niya.

Napangiti naman ako ng maalala  ang kwento nina Tita Mj at Tito Ross dahil naikwento ni Mama sa akin dati na first ni Tita si Tito ang isa't isa. Tapos silang dalawa pa ang nagkatuluyan. Bihira na lang ang mangyari iyong ganoon sa totoong buhay. Di ba? mabuti pa si Tita, anaranasan pa ang mga iyon.

Ako kaya, amranasan ko rin iyon? Mukhang malabo, eh.

"Kung makakahanap lang talaga sana si Shaun ng isang babae na nakakapagpatino sa kanya, eh di sana masayang-masaya na ako. Hay, sana ikaw na yon Chin. Wala ka ba talagang gusto ni Shaun? Kahit naman pasaway yan, alam nating pareho na mahal na mahal ka niyan." mapakla akong napangiti.

"Tita, mahal ako ni Shaun bilang bet friend niya. Sa paraan iyon lang niya ako nakikita. Mahal ko rin naman siya. Pero hanggang best friend lang din." 

She sighed.

"Hay, sana kayo nalang dalawa ni Shaun ang magkatuluyan." napatahimik ako.

 Gusto niya kami ni Shaun ang magkatuluyan. Eh, si  Shaun ba? ni minsan ba naisip niya na sana kaming dalawa ang magkatuluyan? I bet not.

Huwag na akong umasa.

"Hello, Chin. Nandiyan ka pa ba?" pukaw sa akin ni Tita sa kabilang linya.

"Opo. Tita. Andito pa ako." sagot ko sa kanya.

"Sige na pala, Chin. i-off ko na to. Magluluto na ako't padating na si Tito Ross mo." paalam niya a akin.

"Sabihin mo na lang sa  anak kong matino na umayos siya. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinagot. Mukhang tulog pa eh, gumugimik ba iyon kagabi?" gusto ko sanang isagot na, 'Opo Tita. nag-uwi naman ng babae.' Kaso hindi na lang.

Everyday Every You OWWSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon