Author's Note
Sa mga humihingi ng special chapter at karugtong ng kuwento nila Jan Carl at Astraea, hindi ko po maibibigay ngayon kasi ito na ang karugtong ng mga pangyayari.
.................
Kabanata 2 : Isang kasunduan
"Ahhh! Susuko na po kami, huwag kang magpapaputok." napasigaw sa takot na sabi ni Allen sa gulat.
"Siraulo, hindi ka mauunawaan niyan baguhin mo ang salita mo." sabi ni Alex kay Allen.
"Unahin mo patayin ang kasama ko para mabawasan ang kontrabida." sabi ni Allen sabay batok ni Alex.
"Gago ka." sabi ni Alex sabay takip sa bibig ni Allen na mabuti na lang nagtaglob si Allen kundi todas siya.
"Hahaha! Anong ginagawa niyo dito?" natawang sabi ng tinig na ikinatingin ng dalawa.
"Siraulo ka talaga. Ikaw lang pala. Tsss. Tinakot mo ako." sabi ni Allen ng makita Sebastian.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Alex kay Sebastian.
"Kinamusta ko si Ezekiel, dito siya nakakulong." sabi ni Sebastian sabay lapit sa dalawa.
"May susi ka?" sabi ni Allen kay Sebastian.
Napatingin lamang si Alex sa dalawang magkamukha habang nag-uusap ang mga ito.
"Oo, ako pa." sabi ni Sebastian sabay pakita ng susi.
Napangisi si Alex ng ipakita ni Sebastian ang napakaraming susi.Napatingin naman si Sebastian kay Alex saka ito maangas na ngumiti dito.
Napangiti si Alex dahil bago nahanap si Sebastian ng mga Canmore isa itong magnanakaw at nadale nito nakawan dati si Astraea na napagkamalan noon ng pinsan na si Allen ang nagnakaw dito (Read novel Ang Propesor Kong Prinsipe)
"Amin na." sabi ni Alex saka ito tumayo at si Allen.
Akmang kukunin ni Alex ang susi ng iiwas iyon ni Sebastian.
Napatingin si Alex kay Sebastian hindi mo kasi maipagkakamali ang limang magkakapatid sa isa't isa kahit magkakamukha ang mga ito dahil sa ugali at kilos ng bawat isa. Si Sebastian kasi ang maangas sa lima siguro dahil naa-adopt nito ang ugali ng mga magnanakaw na tulad nito.
"Ibigay mo na." sabi ni Allen sa kapatid.
"Ibibigay ko pero sa isang kondisyon." sabi ni Sebastian habang nakatingin kay Alex
"Ano?" sabi ni Alex dahil sa lima si Sebastian at Keon lang ang makipag-usap na parang kaedaran lang nila ito.
"Reto." sabi ni Sebastian.
"Anong reto?" sabi ni Alex."Gumawa ka ng paraan para maikasal ako kay Iris." sabi ni Sebastian na ikinangisi ni Alex dahil sa lima si Sebastian lang din ang makulit at hindi matanggap na nahuli ni Amon ang kasinungalingang inilagay nito at binuyo sa mga pinsan nila para magpanggap na buntis.
"Kung ayoko?" sabi ni Alex.
"Hindi ko ito ibibigay at hahayaan kong mamatay si Katara sa loob ng kuwartong iyan." sabi ni Sebastian na ikinagulat ni Alex dahil naroroon siya para kay Xzia na hanggang ngayon hindi pa makuha nila Kyla at Vlad ang anak ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/337807721-288-k752743.jpg)
BINABASA MO ANG
4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : Completed
RomanceGagamutin ang lahat ng pagmamahal Date Started : March 26, 2023 Date Ended : April 21, 2023 PLAGIARISM is a CRIME Do NOT copy CTTO : images, videos, lyrics, music to the rightful owners original novel by : ROSE CHUA