Kabanata 12 : Isang Plano at Isang Bitag
Pantalan
"Sumakay ka na." sabi ni Aj kay Shiloh habang kanina pa ito nagmamadali sa mga kilos nila.
"Paano ka?" sabi ni Shiloh kay Aj sabay tingin sa paligid.
"Magpapaiwan ako." sabi ni AJ dahil kanina pa may sumusunod sa kanila.
"Hindi puwede." sabi ni Shiloh dahil hindi niya hahayaan na mawala din si AJ tulad ni Peso.
"Kapag sumama ako sayo susundan nila tayo. Kapag nagpaiwaan ang isa sa atin ang pokos nila ay mapupunta sa nag-paiwan." sabi ni Aj
"Pero delikado ka." sabi ni Shiloh dahil bulung-bulungan sa bayan na lahat ng Pilipino na nagtatrabaho sa bansang iyon ay hihingan at itsek-tsek ang visa permit at paiimbestigahan sa kani-kanilang pinagtatrabahuan.
"Kaya ko ang sarili ko." sabi ni AJ saka ito bumaling ng tingin kay Shiloh.
"Kuya, delikado tayo dito. Iba na si Kuya Amon." sabi ni Shiloh.
"Si Amon pa rin siya, at tingin ko may sumusulsul lang sa kanya." sabi ni Aj.
"Oo ang nababaliw niyang utak." sabi ni Shiloh
"Mukhang hindi lang iyon." sabi ni Aj
"Eh, ano? O sino?" sabi ni Shiloh.
"Basta umuwi ka muna sa atin. Saka ko na sasabihin sayo kapag nakapag-imbestiga na ako." sabi ni Aj.
"Ang mga mga lahing iyan ay matindi, hindi sila nangingiming pumatay. Nakita mo naman di ba?" sabi ni Shiloh saka ito napaluha ng maaalala ang pugot na ulo ni Peso na nakabalot sa itim na tela.
"Kaya nga umalis ka na at maiiwan ako. Susubukan kong kunin ang katawan ni Peso." sabi ni Aj."Paano?" sabi ni Shiloh.
"Okay sige. Balak ko bumalik sa palasyo, magpapanggap akong si Amon." sabi ni AJ.
"Kuya, mas delikado iyon lalo na naroroon si Doc Rio." sabi ni Shiloh.
"Akong bahala, sa ngayon umuwi ka na. Kay Keon ko hinabilan si Katara, papupuntahin ko si Borealis sa Cloud Nine para maihatid si Katara sa Japan at mapagamot." sabi ni AJ.
"Kung maiwan na rin kaya ako dito? Tutal si na kay Keon na si Katara." sabi ni Shiloh.
"Hindi puwede." sabi ni AJ.
"Bakit?" sabi ni Shiloh.
"Magtataka si Amon kapag nalaman niya na wala ka sa bansa. Tandaan mo may laban ka pa at imposibleng hindi siya nakatingin sa inyong lahat." sabi ni Aj.
"Ikaw? Paano ka?" sabi ni Shiloh.
"Alam ni Amon na hindi talaga ako pumipirmi sa isang lugar pero ikaw kapag nalaman niyang wala ka at hindi pumunta sa laban mo sa boxing, magtataka iyon at posibleng pabantayan ka niya. Kaya sa ngayon kumalma ka at umakto ka kung ano ang nararapat. Natural na reaksyon base sa kinatatayuan mo." sabi ni Aj na ikinangisi ni Shiloh.
"Natural na reaksyon? Kailangan ko muna makita ang katawan ni Peso kahit ulo lang niya. Mababaliw ako sa kakaisip. Iyon ang natural na nararamdaman ko ngayon." sabi ni Shiloh.
"Tulungan mo si Keon na bantayan ang anak nila Katara at ni Amon dahil kapag nalaman ni Amon na buntis nga ang asawa niya baka kunin niya ito.
Shiloh, hindi niya puwede makuha ang bata, kawawa lalo si Katara at mapipilitan na naman siyang umuwi sa asawa niya." sabi ni Aj.
BINABASA MO ANG
4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : Completed
RomanceGagamutin ang lahat ng pagmamahal Date Started : March 26, 2023 Date Ended : April 21, 2023 PLAGIARISM is a CRIME Do NOT copy CTTO : images, videos, lyrics, music to the rightful owners original novel by : ROSE CHUA