Kabanata 16 : Pagtatapos

580 56 79
                                    


Kabanata 16 : Pagtatapos

Infinity Island

Kinabukasan


"Hestia!" sigaw ni Alex ng makapunta ito sa Infinity Island para iligtas ang mag-ina ni AJ.

"Nasaan siya?" sabi ni Alex na halos mabaliw siya kung saan hahanapin ang susunod niyang ililigtas o para pigilan ang kakambal niya sa mga plano nito.

Pumunta si Alex sa loob ng bahay at lahat ng sulok tiningnan nito pero wala si Hestia.

"Nasaan sila?" sabi ni Alex sabay hawak sa batok niya.

"Doc, may kubo sa likuran ilang milya mula dito." sabi ng pulis na isinama ni Alex.

"Okay, puntahan natin." sabi ni Alex saka ito lumabas ng bahay upang sundan ang pulis.

..................

Chopper

"Saan natin dadalhin ang bata?" sabi ni Rio sabay tingin sa natutulog na anak ni Aj at Hestia na nasa likuran ng chopper, nakatali ang mga paa at kamay nito.

"Sa akin muna siya habang hindi pumapayag ang nanay niya." sabi ni Amon.

Napalunok si Rio dala ng kaba, takot at awa sa batang halos mangitim na ang mga kamay at paa sa mahigpit na pagkakatali dito.

"Hmmmn. Papa." mahinang usal ni Strawberry na iknalingon ni Rio.

Umiingit ang batang babae kapag natutulog ito at hindi lang iyon lumuluha ang maamong mukha ng bata.

"Kung kalagan muna natin, kawawa naman." sabi ni Rio.

"Kaya niya iyan, nabuhay nga siya ng ilang taon sa capsule." sabi ni Amon sabay tingin kay Rio habang nagmamaneho si Amon ng chopper.

"Kawawa." sabi muli ni Rio.

"Kawawa? Hahaha! Eh ang tatay nga niya kinulong siya sa capsule ng ilang taon at siya ang ipinain kay Hestia para hindi siya hiwalayan. Mas masahol pa si AJ sa akin kaya huwag kang maawa. Sanay ang batang iyan." sabi ni Amon.

Napahingang malalim si Rio nasa himpapawid sila sakay ng chopper. Ilang oras pa lang sila nakakaalis sa Infinity Island at ngayon hindi niya alam kung saan sila patungo.

"Saan tayo pupunta?" sabi ni Rio na sa ilang beses na pagtatanong wala naman siyang nakukuhang sagot.

Napangiti si Amon saka ito tumingin muli sa minamaneho nito saka biglang umusal.

"Sa Emperio." sabi ni Amon.

"Anong gagawin natin doon?" sabi ni Rio.



"Bubuksan ko ang Emperio at idudugtong ko sa Palasyo papunta sa Stem."
sabi ni Amon.

"Amon, delikado pa tayo may subpoena pa tayo, o kasong haharapin." sabi ni Rio na ikinangiti muli ni Amon sabay baling kay Rio.

"Madali lang iyan." sabi ni Amon.

"Anong madali?" sabi ni Rio.

"Amuin mo lang ang kapatid ko, titigil na rin iyan. Mabait si Alex wala kang magiging problema sa kanya. Siya ang tipo ng taong ayaw ng gulo kaya for sure mapapamo mo iyon." sabi ni Amon.

"Alam niyang kasal na tayo, tingin mo mapapamo ko pa siya?" sabi ni Rio.

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" sabi ni Amon.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon