Kabanata 15 : Isang Malupit na Hari

320 49 17
                                    


Kabanata 15 : Isang Malupit na Hari

Canmore Tower, Manila


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Amon ng makita si Eye pagbukas ng pintuan.

Napatingin si Rio kay Amon, nasa opisina sila ni Alex ng mga oras na iyon ng may kumatok sa pintuan at dahil alam nilang nasa palasyo pa si Alex kaya inaasahan nila na walang gagambala sa ginagawa nila.

"Nasa bansa ka pala pero hindi ka man lang pumunta sa opisina ko." sabi ni Eye.

"Hindi ako si Amon." nakangising sabi ni Amon.

"Alam kong si Amon ka, at dapat magpasalamat ka sa akin dahil inireport ko ang pagkawala mo. Isang bagay na alam kong makakabuti sayo." sabi ni Eye sabay silip sa loob ng kuwarto.

Napakunot noo si Rio ng magtama ang mata nila ni Eye, si Eye ay may hawak ngayon ng Canmore Telecom dahil inasawa ito ni Amon pagkaupo nito sa Canmore Palace bilang hari para na rin sa proteksyon nito sa bansa.

"Ako ang asawa mo pero kumuha ka pa ng isa. Ilan ba ang kailangan mo para ma-secured ka?" sabi ni Eye sabay baling ng tingin kay Amon.

"Wala ka na doon."sabi ni Amon na ikinangisi ni Eye

"Inasawa mo ang asawa ng kakambal mo. Nasaan na pala ang unang asawa mo? O baka naman wala na siya, kasi wala ng pakinabang sayo." sabi ni Eye.

"Nagseselos ka ba?" sabi ni Amon.

Napatitig si Eye kay Amon saka ito napangisi.

"Hindi. Kasi una hindi naman kita gusto, pangalawa may pakinabang ka sa akin at may pakinabang ako sayo at pangatlo alam kong hindi tayo magtatagal." sabi ni Eye saka ito tumingin sa hallway na ikinakunot noo ni Amon sa pagtataka.

"May bisita ka..... kayo ng ikatlong asawa mo." seryosong sabi ni Eye na ikinatingin ni Amon sa hallway bandang kanan ni Eye.

"Anong kailangan nila?" sabi ni Amon kay Eye na ikinangiti ng babae.

"Mr Amon Valiente subpoena para sa sa inyong dalawa ni Doctora Rio Grande." sabi ng pulis.

"Para saan?" sabi ni Amon.

"Inihahabla kayo ni Doctor Alex Valiente sa salang tangkang pagpatay kay AJ Valiente." sabi ng pulis.


"Huh! Sigurado ka sa pinagsasabi mo?"
sabi ni Amon.

"Ito po basahin niyo." sabi ng pulis sabay bigay kay Amon ng subpoena.

Lumapit naman si Rio ng marinig ang sinabi ng pulis.

Kinuha naman ni Amon ang papel at binasa iyon saka ito napangisi.

"Hindi." sabi ni Rio ng pahapyaw na binasa ang hawak na papel ni Amon

Napatingin si Amon sa pulis saka nito pinunit ang papel.


"Kasinungalingan."
sabi ni Amon.

"Kumuha po kayo ng abogado para linisin ang pangalan niyo o kung wala po may libreng abogado ang gobyerno." sabi ng pulis.

"Hindi ko kailangan." sabi ni Amon saka nito isinara ang pintuan ng malakas na ikinangisi ni Eye ng sa mismong mukha nila lumagapak ang pintuan na ikinaigtad pa niya.

...............

Cloud Nine

"Kukunin ko ang anak ni Kuya Amon kapalit ni Peso." sabi ni Shiloh.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon