Kabanata 1 : Alyansa ng Hari

300 42 5
                                    

Kabanata 1 :  Alyansa ng Hari

Years later

Canmore Palace

(Continuation of Hypnotize the King Novel)


"Hindi ka uuwi?" tanong ni Rio kay Alex.

Napatingin si Alex kay Rio ilang araw na siya sa palasyo at hindi alam ng mga ito na may alam na siya sa mga nangyayari.

"Gusto mo bang umuwi ako?" sabi ni Alex kay Rio.

"Baka kailangan ka ng pinsan mo." sabi ni Rio tukoy kay Astraea dahil nakarating ang balita sa kanya na nakunan ito at muntikan ng ma-ambush o mapatay kasama ng asawa nitong si Jan Carl, ang dating hari, at ang asawa niya.

"Malakas si Astraea." sabi ni Alex.

Napatingin si Rio kay Alex habang nakahiga sa kama ang asawa at tila wala itong balak bumangon. Pabalik-balik ito sa bansang yaon dahil sa kapatid nitong si Amon o siguro....

"Nasaan si Katara?" mahinang tanong ni Alex.

Nagkibit balikat si Rio, saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

"Hindi ko alam." sabi ni Rio.

"Hindi mo tinanong kay Amon kung nasaan?" tanong ni Alex na pasimpleng tumingin kay Rio dahil nakabihis na ito at nakaligo na rin kahit na sobrang aga pa ng mga oras na iyon.

"Hindi." sabi ni Rio.

"Bakit hindi?" sabi ni Alex.

"Kasi asawa niya iyon at hindi ko kailangan panghimasukan ang buhay nila." sabi ni Rio.

"Ano ka ba ni Amon?" sabi ni Alex.

Napatingin si Rio sa asawa saka ito sumagot.

"Doctor." sabi ni Rio.

Napatitig si Alex kay Rio na ikinatitig ni Rio dito.

"Ano mo ako?" sabi ni Alex.

"Asawa." sabi ni Rio.

"Ilan kami?" sabi ni Alex.

"Ilan na ano?" sabi ni Rio.


"Sinong nauna?"
sabi ni Alex na hindi sinagot ang tanong ni Rio.

"Huh! Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Rio.

Napaupo si Alex sa kama saka nito hinarap si Rio.

"Bago ka nagpakasal sa akin may asawa ka na, tama ba?" sabi ni Alex na ikinatahimik ni Rio.

"Bakit ka nandito?" tanong pa ni Alex ng matahimik si Rio.

Napangiti si Alex saka ito muling umusal

"Puwede ka magkuwento, pakikinggan ko." sabi ni Alex ng hindi pa rin umimik si Rio.

"Wala akong ikukuwento." sabi ni Rio.

"Ganoon ba. Okay, matulog muna tayo." sabi ni Alex saka nito hinila sa Rio na ikinahiga ni Rio sa kama.

"May araw na." sabi ni Rio.

"Doctor ka dito at sigurado tulog pa ang hari kaya puwede ka rin matulog.... sa tabi ko." sabi ni Alex sabay yakap kay Rio.

Hindi muli umimik si Rio habang nakayakap si Alex sa kanya at alam niyang nakatitig lang din si Alex sa kanya.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon