Totoo ngang maganda ang panimula ko. Pagtapos ng training ko ay nagsimula na agad ang ng trabaho.
Habang inaayos ko ang gamit ko para masimulan na ang trabaho ay may kumalabit saakin, si Lily, best friend ko rito sa trabaho.
"Uy, Cynthia! Sabay tayo kumain mamaya ha," saad niya at ngumiti saakin.
"Oo naman," sagot ko sa kaniya at nginitian siya pabalik.
Noong unang pasok ko sa trabaho ay si Lily talaga ang unang nakausap ko, mabait siya at malambing. Bukod sa iba kong nakakausap ay siya lang talaga ang lagi kong kasama.
Pagtapos kong magayos ng gamit ay sinimulan ko na ang trabaho ko. Nagtatrabaho ako sa isang café, mabait naman ang manager namin na si ate Ella. Hindi ko nakikitang bumibisita ang mayari nitong café, pero hindi ko na inisip yon. Basta't may sahod ay ayos na ako, sino bang mabubuhay kapag walang pera?
Pagtapos ng ilang oras na pagserve sa mga customer ay nagbreak time na kami. Katulad ng sabi ko kanina, si Lily ang kasama ko.
Habang kami'y kumakain ay tahimik lang, maya-maya pa ay sinira ni Lily ang katahimikan. "May boyfriend ka na ba, Cynthia?"
Muntik na akong maduwal sa biglaang tanong niya. "Wala, wala akong balak."
"Aba?! Bakit naman wala? Hindi naman pwedeng mamatay kang dalaga," sagot niya at uminom ng juice niya.
"Pwede naman, kung walang lalaking magseseryoso sakin," saad ko at kumain ulit.
Sa totoo lang, noong umalis ako sa puder ni Luke ay iniisip ko na pare-parehas lang ang mga lalaki. Ayon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala akong naging boyfriend. At isa pa, hindi kami divorce ni Luke.
Maraming nagbalak na ligawan ako pero tinanggihan ko ang mga ito. Wala akong panahon sa mga laro, kung may dadating, may dadating. Kung para sa akin, para sa akin.
Kung tutuusin ay mas gusto kong makasama si Lily kahit na madaldal ito, kaysa sa mga lalaking manloloko. Madalas din akong napapaisip kung may boyfriend ba siya dahil nahuhuli ko ito minsan na may ka-call.
"E ikaw ba? May boyfriend ka?" ibinalik ko ang tanong niya.
Nasamid ito kaya inabot ko sa kaniya ang tubig. "Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino, ha? Sa ating dalawa lang ito. Oo, may boyfriend ako."
"E bakit ayaw mong malaman ng iba? Baka naman drug lord iyang boyfriend mo ha. Nako, ngayon pa lang hiwalayan mo na yan dahil kung hindi-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ito.
"Ikaw naman! Para ka namang nanay ko e, kung makapagsermon ay parang walang bukas. Ayaw ko lang na malaman ng iba, dahil alam mo na, maraming chismosa," sagot niya.
"Nagsasabi lang ako, para na kitang nakakabatang kapatid. Hindi ba magagalit iyang boyfriend mo?" tanong ko sa kaniya at ininom ang soft drink ko.
"Hindi ko alam, siguro? Hay nako, ewan," sagot niya at tinuloy ang pagkain.
"Sino ba iyang boyfriend mo?" tanong ko ulit sa kaniya, baka napipikon na ito sa akin dahil panay ako tanong.
"Si Cian. Yung best friend ni Sir Luke Lavapiez."
Napahinto ako sa sagot niya, ngayon ko lang nalaman na may nagsstay pa pala sa ugali niya. Oh, wait. Matagal na palang nandiyan si Scarlet para magstay sa ugali niya. Hindi ko alam kung paano nila nakakaya na magstay sa ugali ng lalaking bato ang puso.
YOU ARE READING
Masked Joy
RandomLuke Lavapiez's playboy's wife Cynthia Bautista. Luke has a different woman every day and is seen as a playboy. Luke's ex-girlfriend, who is also Cynthia's best friend, holds a special place in his heart, though. He doesn't care at all because he is...