Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, the police had just informed me that they wouldn't be pursuing Luke's case because they believed that I was lying about that he locked me in the room.
Mukha ba akong nagsisinungaling? Sinubukan ko pang magpaliwanag sa kanila pero hindi nila ako pinapansin. Nang makaalis sila ay hinatak ako ni Luke papasok sa bahay. Sa sobrang higpit ng hatak niya sa akin ay namula at bumakat ang kaniyang kamay sa braso ko.
Itinulak niya ako sa couch at sinimulang sigawan.
“Hindi ba't sinabi ko na dito ka lang?! Bakit ba hindi ka marunong sumunod?! Hindi ito mangyayari kung hindi mo lang sinubukan na makipaghiwalay sa akin!” he shouted.
Tinakpan ko ang aking mga tainga habang ang mga luha ay nagsisimulang tumulo.
Dinala niya ako sa kwarto kung saan niya ako ikinulong, mas nakaramdam ako ng lungkot, ang pakiramdam na parang nagiisa lang ako.
Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakasara ito, ilang araw akong nanatili roon nang walang kain.
Sinilip ko ang bintana at tinignan kung kasya ba ako rito, nang makita kong kasya ako ay dali-dali kong binuksan ito at tumakas.
Naglakad-lakad ako kung saan-saan hanggang sa namalayan ko na malayo na ako sa impyernong bahay na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Nakakita ako ng karinderya at lumapit ako roon. Gusto ko na kahit papaano ay mayroon akong pera pangbili ng mga pagkain, kaya walang hiya akong lumapit sa babaeng nasa karinderya. Sakto naman at hiring sila.
“A-ate? Hiring po kayo?” I nervously asked.
“Oo, magaapply ka ba? Kung gusto mo pwede ka na magsimula ngayon-” hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang dali-dali akong sumagot.
“Opo! Magaapply po ako,” I said.
Sinimulan ko ang trabaho ko, madali lang naman ang trabaho ko. Mababait din ang mga katrabaho ko roon at ang mga bumibili.
Minsan ay tinatanong nila ako kung bago ba ako roon at ang tanging sagot ko lang ay oo, dahil totoo naman.
Habang walang bumibili ay nagpahinga kami.
“Saan ka galing? Bakit ka napadpad dito?” Myrna asked, siya yung babaeng nagtanong sa akin kung magaapply ba ako, siya rin yung anak ng mayari nitong karinderya.
“Hmm, malayo e. Tumakas ako sa asawa ko,” I said and smiled at her.
“Huh? Bakit ka naman tumakas?” she asked.
“Uh... Pasensya ka na hindi ko maikekwento sayo ngayon e,” I answered.
“Ano ka ba! Wala iyon, kumain ka na ba?”
Umiling ako, nagulat naman ako ng pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at kumuha ng pagkain at inumin.
“Kumain ka na muna, kung gusto mo pwede ka muna ritong tumira. Minsan kasi ay wala akong kasama, sila mama at papa ay nasa trabaho minsan. Nagiisang anak lang ako kaya wala talaga akong kasama, ang mga pera na nakukuha ko rito sa karinderya ay panggastos ko na rin sa pang araw-araw,” kwento niya.
“Talaga? Ayos lang sayo? Hindi ka ba natatakot na baka magnanakaw ako?” natatawa kong tanong.
Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ko, “Alam mo, marunong akong makiramdam kung may balak gawin ang isang tao. At wala naman akong nararamdamang kakaiba sayo ah. Ano nga palang pangalan mo? Alam mo na ang pangalan ko pero ang iyo ay hindi ko alam, ang daya mo naman kung ganon!”
Natawa ako at ngumiti sa kaniya, “Cynthia. Cynthia Bautista ang pangalan ko.”
YOU ARE READING
Masked Joy
DiversosLuke Lavapiez's playboy's wife Cynthia Bautista. Luke has a different woman every day and is seen as a playboy. Luke's ex-girlfriend, who is also Cynthia's best friend, holds a special place in his heart, though. He doesn't care at all because he is...