23

107 1 0
                                    

Nang pumunta ako sa café ay nakita ko roon si Cian at parang may hinihintay. Nang makalapit ako kung nasaan ito ay agad na lumapit si Cian sa akin.

“Cynthia... Alam kong alam mo kung nasaan si Lily, please tell me...” nagmamakaawang saad ni Cian.

“Ang lalaking tulad mo ay hindi deserve ng second chance, hindi mo alam ang pinagdadaanan ng kaibigan ko,” sagot ko.

“Alam ko ang ginawa ko, please Cynthia... Handa akong magbago para kay Lily... Hindi kinaya ni Luke na wala ka, ako pa kaya na wala si Lily sa tabi ko?” saad ni Cian at mukhang paiyak na.

“Hindi ko yan problema. Gamitin mo ang mga babae mo para mahanap si Lily,” sabi ko at dire-diretsong iniwan si Cian luhaan.

Hindi ako nakakaramdam ng awa, dahil sa nakita kong paghihirap ng aking kaibigan.

Nakita ko ang pagalis ni Cian at mukhang sincere talaga siya, pero hindi gagana sa akin iyon. Siya ang dahilan kung bakit ganon ang kalagayan ni Lily. Si Lily na ang bahalang magdesisyon kung ano ang gagawin niya kay Cian.

Noong umalis si ate Ella sa bahay ay ako na rin ang ginawang manager ni Luke. Ika-ika pa akong pumunta rito dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko ineexpect na ang virginity ko ay ibibigay ko sa taong kinagagalitan ko... Noon.

“Ma'am dumating na po yung stocks natin,” bungad ni Solace, siya ang bagong staff namin dito.

Madami kaming bagong staff dahil nagtanggal na si Luke ng mga ibang staffs.

“Okay, aayusin ko mamaya. Pakisabi na lang kanila Rolan na ipasok yung mga stocks. Oo nga pala, irerenovate ko itong café, gusto mo ba akong tulungan?” I asked.

“Opo! Kailan po ba? Wala naman po akong masyadong ginagawa,” masayang sagot ni Solace.

Pagtapos ng usapan naming iyon ay lumabas na si Solace at tumulong na sa ibang staffs. Naaalala ko tuloy si Lily sa kaniya.

Nagcheck lang ako ng stocks buong araw at tumulong sa ibang staffs. Ayaw pa nga nila na pakilusin ako pero kumilos ako dahil ayaw ko naman na porque manager na ako ay wala akong gagawin. Mas gusto kong tumulong sa kanila para mapabilis at mapadali ang trabaho.

Kumain ako at babalik na sana para tumulong nang biglang nagring ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Luke kaya sinagot ko agad ito.

“Love, where are you?” he asked. Mukhang pagod na.

Mahina akong natawa bago siya sagutin, “Nandito ako sa café, wala naman akong ibang pupuntahan. Kumusta ka riyan? Nakain mo ba ang lunch na binaon ko sayo?”

“I'm fine, ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Nakain ko na rin iyong pinabaon mo, sobrang sarap! Lutuan mo ulit ako ah. Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot ba?” he asked.

“Ayos lang ako... Medyo, pero kaya ko naman.”

“Mamaya ulit?” tanong niya, feel ko tuloy ay nakangisi ito ngayon kahit na wala siya sa harapan ko.

“Heh! Manahimik ka nga.”

Nagclose na kami at sinara ko na ang café, tinulungan pa nga ako ni Rolan at Solace, hinatid pa nila ako sa kotse. Isasabay ko nga sana sila kaso ay may dadaanan pa raw sila.

Alas nuebe nang makauwi ako, wala pa rin sa bahay si Luke. Nagtataka ako dahil nakapatay ang mga ilaw.

Nang buksan ko ito ay bumungad si Luke at nagsimulang kumanta.

“I will not let anything take away
  what's standing in front of me
  every breath, every hour has
  come to this.”

Tinuloy niya ang pagkanta at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

“Cynthia Bautista, there are no words that can fully express the depth of my love for you. You have captured my heart in a way that I never thought possible, and I can't imagine my life without you by my side. Today, I am taking a leap of faith and asking you to join me in a lifetime of love, laughter, and adventure as my wife. Will you do me the incredible honor of becoming my partner for life, my forever love, and my cherished wife? With you, I see a future that is bright and full of possibilities. I promise to love you unconditionally, to always be there for you in good times and bad, to support you in your dreams and aspirations, and to cherish every moment we have together. So, my love, I ask you with all my heart, will you be my wife and make me the happiest man on earth?”

“Y-yes!” I said happily.

Isinuot niya ang singsing sa akin at hinalikan ako sa labi.

“I'm on cloud nine right now because of you. I love you more than words can express, and I'm so excited to be your husband and build a beautiful life together and I promise to make you the happiest woman in the world.” his words were warm and sincere, followed by a lingering kiss that left me breathless.

Masked JoyWhere stories live. Discover now