Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho dahil nakapagpahinga na rin naman ako, hinatid ako ni Luke sa harap ng café. Mabuti na nga lang at wala pa gaanong tao at wala pa sila ate Elle at Lily, baka bigla silang magtaka kung bakit ako hinatid ni Luke.
"Take care, tawagan mo ako kapag may kailangan ka," he said and kisses my forehead.
Hinintay ko siyang makapasok sa kotse niya at kumaway, noong nakaalis na siya ay pumasok na ako sa café at naglinis na muna ng ibang table.
Pagtapos kong maglinis ay naupo muna ako sa tabi para makapagpahinga dahil mamaya pa naman ang time ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para lumanghap ng sariwang hangin nang may tumapik sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad doon si Cian na alinlangang ngumiti at kumaway.
"Uh... Good morning," he said.
"Good morning. May kailangan ka?" I asked.
"Wala naman, paniguradong alam mo na girlfriend ko si Lily. Ayaw niya kasi akong pansinin e," sabi niya at hinawakan ang kaniyang batok.
"So? Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko at itinaas ang isang kilay.
"Baka pwede mong sabihin na replayan o sagutin ang mga texts at calls ko," he answered.
Tinignan ko ang aking relo at tinignan ulit siya, "Okay, mamaya kapag nandito na siya," I replied.
"Sige dito na ako, malalate na ko sa meeting e. Thank you, Cynthia! Sana tumagal pa kayo ni Luke," sabi niya bago tuluyang mawala sa paningin ko. Anong problema nung lalaking yon?
Maya-maya ay dumating na si Lily na nakabusangot, nang makita niya ako ay pilit siyang ngumiti.
"Alam ko na hindi kayo okay, galing dito si Cian nanghihingi ng tulong. Ano bang nangyari?" I asked.
"E kasi naman! Nakita ko siyang may kasama sa apartment niya! Ex-girlfriend niya yon," she said at mukhang paiyak na.
"Uminom ka muna ng tubig, kumalma ka," saad ko at hinihimas ang likod niya hanggang sa kumalma siya.
"Minsan nahuli ko siya na katext ang e-ex niya, p-puntahan niya raw kasi may sakit, pero ang sabi niya sa akin ay hanap siya ni Sir Luke, nagsisinungaling ba siya sa akin? h-hindi na ba niya ko mahal?" she replied habang pinupunasan ang kaniyang mata.
"Kausapin mo na siya, pakinggan mo ang side niya. Hindi kayo magkakaayos kung hindi mo siya kakausapin at mas lalong hindi masasagot iyang mga tanong mo kung hindi mo siya mismo tatanungin," I said softly to her.
Tinignan niya ako at maya-maya pa ay binigyan ako ng mahigpit na yakap, niyakap ko siya pabalik at hinimas ang kaniyang likod. Alam ko ang nararamdaman ni Lily, naramdaman ko rin iyon kay Luke, mas malalala nga lang iyong sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong dahilan ni Cian para gawin yon, full package na kaya si Lily, kung tutuusin ay maraming gusto ang manligaw sa kaniya. Kaya pala hindi siya nagpapaligaw dahil may Cian na siya.
Sinimulan ko na ang pagtatrabaho nang bigla sumagi sa isip ko si Luke, worth it ba na pagbigyan ko siya ng second chance? I mean lahat tayo deserve ng second chance, kaya lang natatakot ako dahil baka mali itong desisyon ko. Paano kung gawin niya ulit kung ano ang ginawa niya sa akin dati? Galit pa rin siya sa akin? Mahal pa ba niya si Scarlet?
"Cynthia, kanina ka pa nakatulala," I was brought back to reality when I heard ate Ella's voice.
"A-ah, ano po ulit iyon?" I stammered out a question, dapat ko na sigurong iwasan ang pagiisip kay Luke kapag nasa trabaho ako.
"Wala, ang sabi ko ay mukhang malalim ang iniisip mo, ayos ka lang ba?" she asked, I could see the concern in her eyes.
"Ayos lang po ako, may iniisip lang po ako," I answered and smiled at her.
She smiled back at me and said, "Kung gusto mo ng makakausap, kausapin mo lang ako ah? Huwag kang magdadalawang isip, parang bunsong kapatid na rin kita."
Napangiti ako sa sinabi niya, si Lily lang ang naituturing kong kapatid dito pero hindi ko inaakala na tinuturing na pala ako ni ate Ella na kapatid kahit na hindi kami ganon kaclose at hindi kami laging naguusap. Siguro ay lahat kami rito ay tinuturing niyang kapatid.
Bago pa man mawala sa paningin ko si ate Ella ay may tumawag sa kaniya, ang name na nakalagay roon ay "Luke💞" matagal ko itong tinignan, sinagot ni ate Ella ang tawag at narinig ko ang boses ni Luke. Boss lang ba talaga niya si Luke? Anong mayroon sa kanilang dalawa?
Umiling ako at iniisip na baka ibang Luke ang tumawag kay ate Ella at baka kaboses lang ito ni Luke at baka may paguusapan lang sila tungkol sa café, pero bakit ganon ang name na nakalagay roon? Huminga ako nang malalim bago bumalik sa trabaho, sana nga lang ay hindi si Luke ang tumawag sa kaniya. Kung ngayon pa lang ay niloloko na ako ni Luke, paano pa kaya kung binigyan ko siya ng second chance? Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay? Umiling ulit ako at mas nilaan ang ang atensyon sa trabaho.
YOU ARE READING
Masked Joy
RandomLuke Lavapiez's playboy's wife Cynthia Bautista. Luke has a different woman every day and is seen as a playboy. Luke's ex-girlfriend, who is also Cynthia's best friend, holds a special place in his heart, though. He doesn't care at all because he is...