Isang buwan na rin ang nakalipas, nandito pa rin sila ate Ella at Emma. Hindi napatunayan na hindi niya talaga anak si Emma, laging positive ang lumalabas sa dna test. Kaya nga minsan ay napapaisip pa rin si Luke kung sa kaniya ba talaga ang bata.
“Daddy! Pwede po tayo punta mall?” Emma asked, nandito kami ngayon sa garden, nagdidilig ng halaman. Mabuti na lang at hindi sumama si ate Ella.
Pagtapos ng away namin sa office, naging iba na ang pakikitungo niya sa akin. Kahit sa dinner ay lagi ako nitong pinaparangka, siguro dahil sa mga nasabi ko sa kaniya.
“Sure, baby,” Luke answered.
“Love, gusto mo bang sumama?” Luke asked.
“Hindi na, mas magandang kayo na lang muna. Family bonding niyo rin iyon.”
“Oh, okay.”
Pagtapos namin malaman na anak talaga ni Luke si Emma, lumalayo na ang loob ko kay Luke. Hindi ko maiwasang magselos dahil lagi na lang sila ang inaasikaso niya, sino nga ba ako? Kahit ano mang sabihin ko na asawa ako, may anak sila.
Tuwing tinatanong niya ako o kinakausap, lagi kong pinapakita na masaya ako at ayos lang sa akin kung anong gagawin nila, kahit hindi. Kaya minsan ay ibinibusy ko na lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Lagi akong nagpapanggap na masaya, kapag si Luke na ang kaharap ko.
Dumating na ang araw na pupunta sila sa mall, at ako ay nandito lamang sa bahay. Day-off ko rin kaya tinawagan ko si Lily para kahit papaano ay may kausap ako. Bumalik na rin si Manang Lucy noong nakaraang linggo, nagulat nga rin siya nang malaman niya na may anak pala si Luke. Masaya siya para sa aming dalawa, dahil nagkaayos na kami.
“Manang, aalis muna ako kasama ko po si Lily,” pagpapaalam ko kay Manang Lucy.
“Oh sige, magiingat ka, ako na ang bahala rito,” she said.
Isinabit ko ang bag ko sa aking balikat tsaka umalis, mabuti na lang at free si Lily ngayon. Minsan kasi ay nagpapacheck up siya, she's pregnant.
“Namiss kita!” she said and hugged me.
I smiled at her, “Namiss din kita.”
“Kumusta naman ang bata?” I asked.
“Ayos lang naman daw, healthy raw sabi ni doc. Hinahanap ba ako ni Cian?”
“Hindi, ano pang aasahan mo roon? Mas mabuting ikaw na lang ang maging nanay at tatay sa bata, sa bagay, nasa saiyo yan kung bibigyan mo siya ng chance na makita ang bata.”
“Oo naman, ayaw ko na pati ang anak ko ay masaktan sa mga ginagawa niya at baka ang anak ko pa ang makakita ng mga kagaguhan niya.”
“Ikaw ba? Kumusta ka?” she asked.
I faked a smile, “Ayos lang naman ako, heto nagpapanggap pa rin na masaya tuwing siya ang kaharap.”
Umupo siya sa tabi ko, “Cynthia... Hindi mo kailangang magpanggap, ikaw ang totoong asawa. Hindi na tama ang ganito, gusto mo ba rito ka na lang muna tumira? Hindi naman alam ni Luke ang lugar na ito.”
“Hindi na, ayos lang ako.”
“Sige, sabi mo e. Basta kung kailangan mo ako, nandito ako, hmm? Sino pa bang magtutulungan? Edi tayong dalawa.”
Alas syete na ako nakauwi at nauna na rin umuwi sila Luke.
“Mommy! Bili ako nito ni daddy oh!” I heard Emma said.
“Wow! Ang ganda naman!” ate Ella said.
Hindi ko maiwasang mainggit, kailan kaya ako magkakaroon ng ganiyang klaseng pamilya? Pakiramdam ko tuloy ay ako ang hadlang sa kanila, ang saya-saya niya na parang ako ang kontrabida.
“Love, what are you doing here?” napahinto ako sa pagiisip nang marinig ko ang boses ni Luke.
“Wala, papasok na rin ako,” I replied.
“Have you eaten? Let's eat, sabayan mo ako,” he said.
“Hindi na, kumain na naman ako kanina kasama si Lily. Magpapahinga na rin ako dahil may pasok ako bukas,” I answered.
Dumiretso ako sa kwarto at nagpahinga. Malungkot na naman ako bukas dahil wala na naman si Lily, noong nalaman niyang buntis siya ay nag-resign na siya. Bumalik ang first love ni Cian at halatang mahal pa rin niya ito, isa yon sa dahilan kung bakit nag-resign si Lily. Ayaw na niyang makita pa si Cian.
Sana ay katulad na lang din ako ni Lily. Sana ganon din ako kasaya katulad niya. Sa mga tao sa paligid ko, hindi ko maiwasang mainggit sa mga bagay na mayroon sila. Hindi ko alam kung bakit ganito, siguro ay ito talaga ang para sa akin. Hindi pa ba sapat na lagi akong nasasaktan tuwing nakikita ko sila Luke na masaya? Na parang buong pamilya? Samantalang ako na asawa ay nandito sa sulok at nagiisa?
YOU ARE READING
Masked Joy
RandomLuke Lavapiez's playboy's wife Cynthia Bautista. Luke has a different woman every day and is seen as a playboy. Luke's ex-girlfriend, who is also Cynthia's best friend, holds a special place in his heart, though. He doesn't care at all because he is...