Simula noong bumalik si Cynthia sa buhay ko ay hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya.
Pauwi na ako nang harangin ni Ella ang daanan ko.
“What do you need?” I seriously asked.
“L-Luke, may anak tayo...” she said.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, “Come again? What did you say?”
“M-maniwala ka man o hindi, may anak tayo. Si E-Emma, n-noong gabing may nangyari sa atin... Nabuo siya,” nauutal niyang sagot.
“Let me see her,” pagtapos kong sabihin iyon ay dinala ako ni Ella sa bahay nila.
Doon ko nakita si Emma, ang anak niya... Anak namin. Tinignan ko ang mukha niya, wala siyang parte na kamukha ako. Ang sabi nila kapag nakita mo ang anak mo, makakaramdam ka ng lukso ng dugo. Pero noong nakita ko si Emma, wala.
“Cynthia? Open the door, please,” I said, madaling araw na at hindi niya ako kinakausap.
Dinala ko rito sa bahay sila Emma, dahil kahit ano naman ang gawin ko ay anak ko pa rin siya. Ayaw ko naman na isipin ng bata na baka magkagalit kami ng mama niya.
Hindi pa rin ako sinasagot ni Cynthia pero alam kong gising siya sa ganitong oras. Ilang minuto ang lumipas pero matiyaga pa rin akong naghihintay kung bubuksan ba niya ang pinto, katok pa rin ako nang katok.
Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa akin ang naiinis niyang mukha, “Ano bang problema mo ha?!”
“Don't shout, love. I'm here to explain, listen to me please...” I plead.
“A-akala ko seryoso ka na, Luke e. Handa na akong bigyan ka ng isang chance, p-pero b-bakit? b-bakit mo ginawa yon?” she sobbed.
Ano bang ginawa mo, Luke? Sinayang mo na naman ang tsansang ibinigay sayo ng babaeng matagal mo nang hinahanap.
“B-bakit si ate E-Ella pa?! W-wala na nga kayo ni S-Scarlet... P-pero may bago ka naman, m-may a-anak pa kayo. Sagutin mo nga ako, Luke. S-sayo ba ang batang yon?” ang sakit sa pakiramdam dahil umiiyak siya dahil sa akin.
“Love... Oo, may nangyari sa amin ni Ella, hindi ko alam na may mabubuo kami. Listen to me, love... I don't love her, I only love the girl. The child did not know what was happening,” sinubukan kong hawak ang kaniyang kamay pero inilayo niya ito.
“Bakit mo pa kasi ako binalikan? Kung pumayag ka lang na magdivorce tayo dati, hindi mangyayari to. Hindi ako masasaktan, Luke! M-masaya ka bang nakikita akong n-nasasaktan? Masaya ba?! Kahit sabihin mong hindi mo siya mahal, doon na rin papunta yon dahil may anak kayo!” ang sakit sa pakiramdam na maririnig ko yon galing sa kaniya.
Anong katangahan na naman ang ginawa mo, Luke Lavapiez? Sana ay inisip mo muna ang bunga ng mga gagawin mo.
“I don't love her! You're the only one I love, Cynthia... Kahit ipilit mo pa sa akin si Ella, hinding hindi ko siya magugustuhan. Iyong nangyari sa amin, hindi yon seryoso, hindi ko inaakala na may anak pala ako sa kaniya. I only care about the child, please, understand me... I love you so much, Cynthia...” I said, niyakap ko siya at umiyak sa kaniyang balikat.
“U-umalis ka na, matutulog na ako. Samahan mo na roon sila ate Ella, mas kailangan ka nila,” she said, pushing me away.
“Mas kailangan mo ako, maayos sila Cynthia. Ikaw? Hindi, dahil maraming nasa isip mo. Magpahinga ka na tayo,” I replied and pulled her to the bed.
Nagusap kami, sinabi ko sa kaniya na kahapon ko lang siya nakita. Hindi ako makapaniwala na bumalik siya sa akin, pero ito lang ang ginawa ko.
“I love you so much, meine liebe. I love you so much,” I whisper and planted a kiss on her forehead.
“No words can express how much I love you,” ayon ang huli kong sinabi bago siya nakatulog.
Ganon pa rin ang araw ko, maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Sinabihan ko na rin si Cynthia na magpahinga na muna pero ayaw niya raw.
“Nakita ko pala kanina si ate Ella at Emma, malapit sa café,” she said, dahilan para tumaas ang isang kilay ko.
“Really? Ang sabi niya sakin ay nandito sila sa bahay buong araw, sinong kasama?” I asked.
Sinabi niya sa akin na hindi niya kilala ang lalaki at hindi niya gaanong nakita ang mukha.
Huminga ako nang malalim at hinarap siya, “Love? Sayo ko lang ito sasabihin. I always wonder, am I really Emma's father?”
Sinabi ko sa kaniya ang mga nalalaman ko, taimtim naman siyang nakinig. Pagtapos ng usapan namin ay dumiretso na rin ako sa trabaho.
“Wala kang naramdaman bro?!” Cian asked.
“Wala nga, huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo,” I answered.
“Nako! Baka naman hindi mo talaga anak. Magpadna ka dude,” he replied.
Ginawa ko ang sinabi ni Cian. Pero positive lahat ang lumalabas, anak ko si Emma. Pero bakit ganon?
Dahil sa naging resulta ng dna test ay wala akong choice kundi ang pagstayin sila sa bahay. Masaya ako habang nandoon sila, nawawala ang pagod ko, pero kabaliktaran ang nangyayari sa relasyon namin ni Cynthia.
Lagi kong natatanggihan ang mga hiling niya, ang pagsama sa mall, o kahit ano man. Laging ganon ang nangyayari sa amin ni Cynthia. Habang kanila Emma at Ella naman ay masaya.
“A-alam mo ba ang nararamdaman ko tuwing nakikita kitang m-masaya habang k-kasama mo sila? A-alam mo bang nagpapanggap lang ako na ayos lang ang lahat k-kahit hindi?” Cynthia asked.
“Love... Alam ko ang nararamdaman mo, kaya nandito ako ngayon para pagusapan natin yan. Ayaw ko na masayang ang chance na ibinigay mo sa akin,” I answered.
Dumagdag na naman ang mga masasakit na nararamdaman ko, wala akong karapatan na magreklamo dahil ako naman ang may dahilan kung bakit nangyayari ito.
“She's not my daughter... Hindi ko anak si Emma,” I said.
Yes, hindi ko anak si Emma. Nagpadna test ako nang hindi nila alam, at ang resultang lumabas doon ay negative.
Kinausap ko na tungkol doon si Ella pero pinipilit niya na anak ko si Emma kaya naman pinatawag ko na si Gerald para bitbitin ang mga gamit nila sa labas.
“Y-you're pregnant,” I said.
“Y-yes,” she said and smiled at me.
“Tangina! Yes!” I happily said.
“Kumalma ka naman dude!” Cian said.
Kanina pa ako lumalakad-lakad dito sa hospital at naghihintay kay Cynthia. Manganganak na siya.
Kumalma ako at hinintay lumabas ang mga doctor. Nang lumabas sila ay dali-dali akong pumasok sa kwarto kung nasaan si Cynthia.
“B-baby,” I said and smiled at her.
“She's Zayne Bautista Lavapiez,” she said and smiled at me.
“Love... Naalala ko noong sinabi mo na nagpapanggap ka lang na ayos lang ang lahat kahit hindi,” saad ko habang tinitignan ang asawa kong pinapainitan si Zayne.
“Uh-huh. I feel like I'm wearing a mask, nagpapanggap akong masaya noon para sa inyo,” she replied and chuckled.
“Hindi mo na kailangang suotin iyang maskara na yan para mag mukhang masaya, dahil ipaparamdam ko sayo ang totoong pagmamahal, kasiyahan at iba pang mga bagay na deserve mong maramdaman... Kahit na ikamatay ko pa bago ko maibigay sayo ano man yon, gagawin ko.”
I couldn't have asked for anything more, I finally found my home.
FINAL CHAPTER
YOU ARE READING
Masked Joy
De TodoLuke Lavapiez's playboy's wife Cynthia Bautista. Luke has a different woman every day and is seen as a playboy. Luke's ex-girlfriend, who is also Cynthia's best friend, holds a special place in his heart, though. He doesn't care at all because he is...