CHAPTER NINE

3.5K 83 1
                                    

NAHAHAPONG pumasok sa kabahayan si Nicky. Tumaas-bumaba ang dibdib na napasandal sa likod ng pinto. What could have happened kung hindi dumating si Mitch?

Danger was so close at natitiyak niyang wala siyang magagawa. Halos pantay-tao ang pader nila na puno pang malalagong halaman. She couldn't have screamed.

Banayad siyang humakbang patungo sa mga basag na salamin sa sahig at isa-isa itong dinampot at inilagay sa waste bin. Winawalis na niya ang mga bubog nang muling dumating si Mitch..

"Ano ang inabutan ko sa inyo kanina?" bungad ng binata sa madilim na mukha.

"Nagtatalo kami. He was angry. Then he...he
threatened me...." bahagyang nanginig ang tinig niya. She gnawed on her lip. "It's all my fault, Mitch," dugtong niya na hindi kinontra ng binata at nakatitig lang. "Sinaktan ko siya. I bruised his ego..."

"Makadarama ka kaya ng guilt sa pakikipag-break sa kanya kung hindi ako dumating kanina at nagawa niya ang gusto niyang gawin?" matiim nitong tanong at bigla'y nakadarama ng panic ang dalaga.

"Puwede ka bang manatili sandali ng ilang araw sa hotel hanggang sa weekends?"

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga roon. "Bakit ko gagawin iyon?"

Isang naiiritang buntung-hininga ang pinakawalan ng binata. "Hindi mo pa ba nakikitang hindi rito natatapos ang usapan ninyo ni Rico. Babalik siya, Nicky, and sooner or later ay magagawa niyang gawin sa iyo ang binalak niyang gawin kanina. At huwag mong
ipagkailang hindi ka niya tangkang pagsamantalahan."

Nagyuko ng ulo ang dalaga. Hindi niya gustong matakot kay Rico. "I love him. We were friends before we became engaged. I've...known him for almost a year....hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon."

"Pinsan ko ang pinag-uusapan natin dito. Mas kilala ko siya kaysa sa iyo. Admit it, naghihinala kang kagagawan ni Rico ang pambabato ng bahay mo pero hindi mo gustong aminin."

She sighed helplessly. "S-sa hotel ako tutuloy bukas hanggang weekends."

"Good. Pansamantala'y magsara ka ng pinto.
Huwag mo siyang pagbubuksan. Pag nagpilit ay tumawag ka ng pulis." Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito. "I can't be here always, Nicky. Sa makalawa'y babalik na ako ng Maynila," he added grimly.

Wala siyang maisagot doon. Sa sulok ng dibdib
ay gusto niyang isatinig na sana'y manatili roon si Mitch. But she would be a fool to voice it out. Ang lalaking pumukaw sa natutulog niyang damdamin ay wala naman talagang interes sa kanya. He even hated himself for kissing her. Inakusahan ni Mitch ang sarili na siyang may kasalanan sa pakikipagtalusira niya kay Rico.

DAHIL sa puyat ng nagdaang gabi'y nakatulog ang dalaga sa sofa. Hindi niya alam kung bakit siya nagising pero nang imulat niya ang mga mata'y madilim-dilim na. Mabilis na bumangon ang dalaga. Hindi makapaniwalang nakatulog siya nang matagal. Tumayo siya upang maghanda ng makakain.

Nagbubukas siya ng refrigerator nang marinig niya ang tila pagpipilit na ikutin ang door knob sa pinto sa kusina. Lumipad ang mga mata niya roon.

Gumagalaw-galaw ang door knob sa pagpipilit na buksan ng kung sino mang nasa labas. Nararamdaman niyang may nagdidistrungka ng mga turnilyo sa likod ng pinto.

Iyon ang nagpagising sa kanya!

"Oh, god!" Unti-unting humakbang paatras ang dalaga sa takot.

Hindi niya gustong gumawa ng ingay. Alam niyang hindi basta-basta mabubuksan ang pinto dahil dalawa ang bolt ng pintuan subalit ang terror na nararamdaman niya'y sapat upang panginigan siya ng mga tuhod.

Tunog ng humintong sasakyan ang nagpabaling sa kanya sa may sala. Patakbong lumabas ng kusina ang dalaga. Mula sa bintana'y sinilip kung sino ang dumarating at pagkatapos ay mabilis na binuksan ang pinto. Nagulat pa si Mitch nang salubungin niya ito ng yakap.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon