"KUMUSTA ka na, Nicky?" bungad ni Rico na
tumayo sa kinauupuan nang makita siya.Napangiti siya. Kahit paano'y ikinatuwa niyang
makita ito. Hindi dahil sa kung ano pa man kundi narito siya sa lugar na wala pa siyang kaibigan maliban sa mga manggagawa sa rancho at ang mga katulong. To see a familiar face is a breather."Mabuti," nakatawang sagot niya at inabot ang
kamay nito. Naupo siya sa katabing sofa. "Ikaw,
kumusta ka na. Did you drive all the way from Angeles?"A smile crossed his handsome face. "With my ever dependable owner-jeep."
"Sino ang kasama mo?"
"Ang Mama pero hindi nagtuloy rito at naiwan sa Maynila. Mamimili sa Divisoria. Dadaanan ko na lang siya sa pag-uwi ko."
Banayad siyang tumango. Mabigat nga pala ang loob ni Mrs. Ratilla kay Mitch.
"Are you all right here? Wala kang problema Pinakikitunguhan ka bang mabuti ni Mitch?" nag-aalalang tanong ni Rico sa pagtataka niya.
"Ano ang ibig sabihin ng mga tanong na iyan?"
natatawang sabi niya. "Of course, I am all right."Pumormal si Rico. Humugot ng malalim na
buntung-hininga at saka inabot ang kamay niya at ikinulong sa mga palad."Inihihingi ko ng tawad ang mga ginawa ko sa iyo, love. Nagawa ko iyon dahil hindi ko kayang tanggaping mawawala ka sa akin. At lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob ko nang malaman kong nabaling ang atensiyon mo sa pinsan ko..."
She smiled a little. "Tapos na iyon, Rico. Hindi
ako nagagalit sa iyo. You've done it in anger..."I still love you, Nicky," madamdaming pahayag
nito. "Hindi nawala ang pagmamahal ko dahil lang napunta ka kay Mitch.""Rico, please...."
"Hindi ka niya mahal, Nicky," patuloy nito. "Gusto lang niyang gumanti sa akin dahil kay Yvette. Pumatol sa akin si Yvette sa panahong magkasintahan sila..."
Namangha siya roon. "Y-you said Mitch got so
busy with his-""That was true," agap nito. "At sa akin bumaling si Yvette sa lungkot at sama ng loob kay Mitch. I cannot say no. Inakit niya ako sa kanila habang wala ang Mama niya and I was very young then. You can't blame me for that. Inabutan kami ni Mitch sa hindi magandang tagpo."
"Well, well, well...," si Cynthia mula sa likuran
nila. "Hindi ko alam na magkakilala kayo ng pinsan ni Mitch, Nicky. I have a feeling of deja vu. Hello, Rico?""Hi, Cynthia..." nakangiting bati ng binata at
tumayo. "You still work for Mitch?""As loyal as ever," nilinga nito si Nicky na nalilito pa rin sa takbo ng pangyayari. "You know each other?"
"Of course. She was my fiancée when Mitch took her away from me." Rico said bitterly.
"Oww?" Umangat ang kilay ni Cynthia roon at
isang tawa ang pinakawalan.Muli itong bumaling kay Nicky. "Come back with me, Nicky. Ngayong alam mo nang paghihiganti lamang ang motibo ni Mitch kaya ka niya pinakasalan. Gusto niyang makaganti sa akin dahil inakala niyang inagaw ko sa kanya si Yvette at..." ibinitin nito ang sinabi at sandaling nag-isip.
"May karapatan marahil si Mitch na magalit sa iyo, Rico," sagot ni Nicky na hindi pinansin ang sandaling pagkahulog ni Rico sa malalim na pag-iisip. "Pero hindi ako naniniwalang kaya ako pinakasalan ni Mitch ay dahil gusto ka niyang gantihan," aniya, though she wasn't sure about that anymore.
Napakarami niyang hindi alam tungkol sa asawa. Pero hindi niya bibigyan ng kasiyahan si Rico at ang nagmamasid na si Cynthia na makita ang pag-aalinlangan niya.
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)
RomanceNakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan...