NAGISING ang dalaga sa ingay ng nagkakagulong bumangon mga manok at hayop, Naalimpungatang upang bigla ring hablutin ang kumot. Maliban sa panloob ay wala siyang damit.
Sa isang silya'y naroon ang suot niya kahapon. Ni hindi niya alam na nakatulog siyang tuluyan. At natitiyak niyang si Mitch ang nagbihis sa kanya.
Mabilis siyang pumasok ng banyo at naligo.
Pagkatapos magbihis ay alanganing kumatok sa pintong nakapagitan sa dalawang silid. Nang walang sumasagot ay maingat niyang pinihit ang door knob at binuksan iyon. Bakante ang malaking silid. Ang kama'y maayos.Tinawid niya ang silid. Hindi niya mapigilan ang paghanga. Malaki at maluwang ang silid. Malalaki at maluluwang ang wardrobe. Ang tagilirang bahagi ng veranda ng silid ni Mitch ay nakaharap sa mga bundok. And it was lovely.
Bumalik siya sa sariling silid at doon lumabas upang bumaba.
Tahimik ang buong kabahayan at wala kahit isang katulong siyang nakikita. Nalanghap niya ang amoy ng nilagang kapeng Batangas. Noon siya nakaramdam ng gutom. Lumakad siya patungo sa inaakalang kusina.
"M-magandang umaga," bati niya sa nakatalikod na matandang babae na natitiyak niyang ang Senyang na sinasabi ni Carmen. Kasalukuyan itong nagsasangag. Sa breakfast table ay natanaw ang kapitera na natitiyak niyang ang nilagang kape.
Lumingon ang matandang babae. Nagsalubong ang mga kilay at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Sinikap niyang ngumiti sa kabila ng hindi
magandang pagsuri nito. "K-kape ho ba ang naaamoy ko? Nilagang kápe?""Barako," malamig nitong sagot. "May instant na kape riyan."
"Hindi ho ba puwede ang kapeng nilaga?"
Lumalim ang kunot ng noo nito. "Gusto mo ng
kapeng nilaga?"Tumango siya at hinila ang silya. "Sa tuwing napapasyal kami dito sa Batangas ay hindi nalilimutan ng Daddy na bumili ng giniling na kapeng barako at pinatuyong kamyas." She gave a friendly smile kahit na nag-aalangan sa matiim nitong anyo.
"Pinatuyong kamyas?"
"Ang Daddy mismo ang nagluluto ng sinaing na tulingan sa bahay. Okay na rin kahit hindi masyadong nagtagal sa pagkakaluto..."
Lumambot ng bahagya ang mukha ng matandang babae. Lumapit sa mesa at itinahaya ang tasa roon at sinalinan ng kape.
"Nagsasangag ako. At may pinirito akong sinaing na tulingan, kung gusto mo," wika nito sa medyo bumabang tinig.
"At may kalamansing sawsawan?" Ngumiti siya.
Sandaling tinitigan siya ng matandang babae at saka unti-unting sumilay ang ngiti.
"Hindi ka naghapunan kagabi. Hindi ka na
ipinagising ni Mikael dahil pagod ka sa biyahe.
Karaniwan na'y hindi ko gustong pinapalyahan ng mga tao rito ang hapunan," kaswal nitong sabi habang iginagayak ang almusal niya. "Lalo ka na, kulang sa laman ang katawan mo.""Hindi ko namalayang nakatulog ako," hinigop nito ang kape. "Hmm...masarap. Pag natikman ng Daddy ang timpla ninyo, kukulitin kayo noon. Tuluyan nang nawala ang matiim na anyo nito.
"Mahusay magluto si Mitch. Kung hindi rin lang abala iyon ay siya ang nagluluto."
"Nasaan nga po pala si Mitch?"
Sandaling nahinto sa paghahain ang matanda at tinitigan siya. "Nasa koral na. Halos araw-araw ay ganoon ang trabaho ng mapapangasawa mo. At malayo ito sa Maynila. Wala kang makikita rito kundi puro bundok at mga hayop."
"Kaya ko hong mag-adjust, Nana Senyang. Sinabi ho sa akin ni Mitch kung ano ang uri ng trabaho niya at gusto ko ho ang lugar na ito. At hindi ho malayo ang Maynila kung maisipan namin ni Mitch na lumuwas at dalawin ang Daddy." Sinamahan niya iyon ng ngiti. "Gaano na ho ninyo katagal kasama si Mitch?"
Tinantiya siya ng matandang babae bago sumagot. "Dati akong katu-katulong ng mga magulang niya sa tindahan ng mga produktong karne. Isang taong mahigit matapos pagyamanin ni Mikael ang lupang ito ay kinuha niya ako at isinama. Isang hindi kalakihang lumang bahay ang nakatayo rito nang dumating ako. Ang lumang bahay ng mga magulang ng Papa ni Mikael. Itinayo niya ang malaking bahay na ito matapos niyang mabili ang mga kanugnog na lupain."
Gusto niyang tanungin ang matandang babae
tungkol sa unang asawa ni Mitch subalit hindi magawang lumabas ng tinig niya sa bahaging iyon."HEY," si Pattie na sumungaw mula sa loob ng silid at nagpahinto sa daloy ng isip niya. "Hindi ka pa ba bababa? Baka hinihintay na nila tayo."
She sighed at sumunod. Binigyan ng huling hagod ang sarili sa malaking salamin. Tila nakita niya roon ang anyo ng binata nang kausapin siya nito.
"Do you want us to shop for your wedding dress?" Mula sa pintong nasa pagitan ng dalawangbkuwarto'y sumungaw si Mitch. "You can have my time the whole day. And it's a four-hour drive from here to Manila, more or less."
"Hindi kailangan," sagot niya. "We can be
wed in jeans and who would care."Noong isang araw iyon habang inaayos niya ang mga gamit. At wala siyang ibig sabihin doon. Marami siyang mga damit na bagaman hindi bagong bili'y halos hindi naman mga gamit pa at makapamimili siya sa mga iyon.
Hindi inaasahan ang pagpapakasal nila. Alam
niyang marami ang nabigla sa mga taga-rancho.Totoong imbitado ang mga taga-rancho subalit ang handaang malaki para sa mga tauhan ay nasa pinaka-kamalig ng rancho sa gitna ng niyugan at grazing land.
Kung saan may dalawang kilometrong mahigit ang layo sa bahay-rancho. Kung paano ipinaliwanag ni Mitch sa mga tauhan ang ganoong uri ng paghahanda ay hindi niya alam.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang galit sa mga mata ng binata. Hindi niya maintindihan kung may dapat ikagalit sa sinabi niya.
At iyon ang isang bagay na napuna niya rito mula pa ng araw na umalis sila ng Pampanga. He'd become cold and distant. Lalo na kung sila na lang dalawa. Ni hindi niya matiyak kung nabigla lang ito sa pag-aalok ng kasal sa kanya.
Bagaman wala siyang masasabi sa pagiging
maalalahanin at pagkamaasikaso nito. And he conducted everything in a business manner. Brutally efficient, walang nakakaligtaan. Ito ang nagpapaalala sa kanya sa lahat ng mga papeles na kakailanganin para sa kasal nila."Are you sure you want to push through this wedding?" kasunod nitong tanong makalipas ang mahabang katahimikan.
"B-bakit mo itinatanong iyan?"
"You've been very quite since we left Pampanga. Gusto kong marinig ang katiyakang pakakasal ka sa akin bukas. I want your commitment, Nicky."
Huminga siya nang malalim bago sumagot.
"I'll marry you, Mitch." Imahinasyon man o hindi
ay nakita niyang tila umaliwalas ang mukha nito sa sagot niya."You're beautiful, Nicky," si Pattie uli na ikinabit
ang hook sa likod ng damit niya. "Nagtataka lang ako kung bakit nagmamadali si Mitch na pakasal kayo sa huwes gayong kung maghihintay lang ng ilang linggo'y makapagpapakasal kayo sa simbahan."Tipid siyang ngumiti. "Perhaps he thought I don't deserve such wedding," matabang niyang sabi. Muling tiningnan ang sarili sa salamin. Bagaman hindi bago'y minsan lang niyang naisuot ang damit na iyon. Noong kasal ng Daddy niya at ni Pattie. A royal blue silk minidress at hapit sa katawan. Sleeveless at ang calf's collar ay may kababaan, showing just a hint of a cleavage.
"That's ridiculous," mariing sabi ng nakatatandang babae. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nagtataka lang kami ng-"
"I know," putol niya sa sasabihin ng madrasta.
"Hindi ko naitanong pero siguro'y sa simbahan ng bayang ito nagpakasal si Mitch at ang unang asawa niya. At hindi niya marahil gustong pag-usapang naroon siya at ikinakasal na naman. Kaya huwag mo akong intindihin, I am all right.""I hope so," dudang wika ni Pattie. "Your father
is a very good judge of character, Nicky, and he's singing Mitch's praises."Tumango siya at niyaya na ang madrastang
lumabas.
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)
RomanceNakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan...