MALALIM na ang gabi'y nanatiling gising si Nicky. Nakatitig sa kisame. Iniisip ang mga nangyayari sa buhay niya. She was all set and ready to marry Rico at pakisamahan ang Mama nito. Then out of the blue, Mitch stepped into her life. Si Mitch ang instrumento kung bakit bigla'y natanto niyang hindi pala niya kayang magpakasal kay Rico. Na ang dahilan kaya hindi niya maipadama ang init na hinahanap nito sa kanya'y dahil pagmamahal-kapatid lamang ang nararamdaman niya para rito. She had no way of knowing her true feelings until Mitch.
And Mitch became her knight in shining armour, bantayan at pangalagaan siya mula kay Rico. A virtual stranger who appointed himself as her temporary guardian against the man she had known for a some time. Life was so ironic.
Kanina'y nagluto ito ng shrimp omelette sa lihim niyang panggigilalas dahil kahit siya'y hindi masyadong pinagkaabalahang matutunan ang gawain sa kusina maliban sa paggawa ng sandwiches. At pagkatapos nilang kumain ay nagbukas ng TV ang binata at tahimik na nanonood at hindi na siya pinansin. Ginusto niyang magbukas ng usapan pero nagbago ang isip niya dahil alam niyang pagbibigyan siyang kausapin ng binata hanggang sa mabagot ito at antukin.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Pumasok sa isip ang sinabi ni Rico kay Mitch.
"Nakapagtiis ako nang matagal sa mga kalokohan niya... sa kalamigan niya.... sa ibang mga babae ko pinalilipas ang mga pangangailangan ko..."
She was shocked to hear his words. All along she thought him to be faithful. Again she bitterly took a deep breath at bumangon. Tahimik siyang lumabas ng silid. Nagbukas siya ng ilaw sa kusina at kumuha ng carton ng gatas sa ref at nagsalin sa baso at naupo sa mesa. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mula sa entrada sa kusina'y lumabas si Mitch na ikinapitlag niya.
"Ano ang problema?" banayad nitong tanong. Ang mga mata'y alerto.
Napatayo siyang bigla, dragging her chair na siyang gumawa ng ingay sa katahimikan ng gabi. "N-nothing. Hindi ako makatulog. Hindi ko rin gustong magising kita. I tried to creep about."
"Maybe it's the creeping about that did it," wika nito at nagkibit ng mga balikat. "Anyway, hindi pa rin naman ako talaga tulog."
Sinikap ni Nicky na huwag tumingin sa binata.
Maliban sa jeans ay wala na itong suot. Nakapaa nga rin lang. His masculinity was taking her breath away. At isiping kahit minsan ay hindi niya ma-appreciate ang mga macho na ikinakikilig ng mga kakilala. At kuntento na siya noon na walang ganoong damdamin hanggang sa sandaling iyon.Ngayo'y gusto niyang lapitan ito at damhin ng mga kamay ang kahubdang iyon. Let her fingers run along the firm chest. He was tall and dark. Pantay-pantay ang balat mula sa mga braso hanggang sa dibdib. Napahugot siya ng paghinga. Kinabahan sa sariling daloy ng isipan. At nang tumaas ang paningin niya'y nakatitig sa kanya ang binata.
"Pag nagtatrabaho ako'y kalimitan nang walang pang-itaas," wika nito na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. Pinamulahan ang dalaga roon at iniwas ang mga mata at baka kung ano pa ang mabasa ng binata roon.
Ni hindi na siya halos humihinga, tila nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya. "I-I'll go back to bed," she stammered, humakbang palabas at alam niyang mararaanan niya ito. And she almost panicked nang hindi tumitinag sa kinatatayuan si Mitch upang paraanin siya.
"L-let me pass..."
Subalit hindi pa rin tumitinag si Mitch at sa halip ay niyuko siya. "Alam mo bang wala naman akong naiintindihan sa pinapanood ko kanina?" Itinaas nito ang kamay and brushed her cheek softly with his knuckles. "Ikaw ang laman ng isip ko sa lahat ng sandali..."
Hindi matiyak ni Nicky kung humihinga pa siya.
Itinaas ang kamay upang palisin ang kamay ng binata sa pisngi niya pero ikinulong ni Mitch sa mga daliri nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito at pinanatili roon.
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)
RomanceNakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan...