MULA sa veranda ay natatawang pinanonood ni Nicky si Orlando na nasa hardin sa ibaba at hindi malaman kung alin sa dalawang umiiyak na sanggol ang kakargahin at patatahanin. Ang apo o ang bunsong anak na matanda lang ng ilang buwan sa apo.
Tila kay layo na ng panahon nang muntik na siyang mapatay ni Agnes Ratilla. The woman was sick. Ipinasok ito ni Mitch sa psychiatric ward sa mental. Si Rico naman ay binigyan ni Mitch ng sapat na salapi upang mangibang bansa kasama ang banta na ipakukulong sa sandaling makita itong tumuntong man lang sa aling bayang malapit sa rancho. And Rico was only too glad to go abroad.
And Mitch, who never ceased to be her hero, is a loving husband and father. Wala na siyang mahihiling på.
"Natataranta ang Daddy, sugar," si Mitch na ibinaba ang salamin sa ibabaw ng pinag-aaralang blue print ng isang proposed rest house sa tabing-dagat.
"Kunin mo na nga ang anak mo."
"Ku, hayaan mo nga ang ama ninyo at kunwari lang iyang natataranta," si Pattie na naglabas ng maiinom sa mag-asawa. "Tingnan n'yo nga at tila nabawasan ng maraming taon si Orly sa pag-aalaga sa mga sanggol."
"Dad will have a handful months from now," tahimik na wika ni Nicky.
"Nicole?!" bulalas ni Mitch. "Huwag mong
sabihing--"Nagkatinginan ang dalawang babae at sabay na nagtawanan.
...WAKAS...
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)
RomanceNakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan...