SA PAGLIPAS ng mga araw ay napanatag si Nicky sa asawa. Mitch became approachable. Mas laging nakangiti at mas maraming oras ang iniuukol nito sa kanya. Subalit sa pagtataka niya'y hindi na rin muling inulit ni Mitch ang nangyari sa kanila.
Tinanghali siya ng gising nang araw na iyon. Wala na ang asawa sa tabi niya. Hindi niya gustong bumangon pero pinilit niyang bumaba.
"Tinanghali ho ako ng gising, Nana Senyang,” she explained unnecessarily nang masalubong sa ibaba ang matandang babae.
"Ala-una na kaya tanghalian na ang nakahanda," wika nito kasabay ng pagsuyod nito ng tingin sa kanya. "Halika na sa komedor at ipaghahanda kita ng pagkain. Ano ba ang gusto mong kainin? Aba'y pinalyahan mo ang almusal, ah. Sinilip kita sa silid ninyo pero tulog na tulog ka. At tingin ko ba sa iyo'y maputla ka."
Gusto niyang sabihing masama ang pakiramdam niya at wala siyang ganang kumain nang lumabas mula sa library si Cynthia. Binati siya nito...
"'Morning," sagot niya sa bati ng dalaga. At
umasam na sana'y huwag na lang siyang kausapin nito. Wala siya sa mood na makipagpalitan ng salita rito ngayon."Senyang, puwede bang makisuyo," wika ni
Cynthia sa matandang babae sa medyo malat na tinig. "Mainit na mainit ang pakiramdam ko, kahapon pa masama ang pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako. At masama ang panahon. Baka abutan ako ng ulan sa daan medyo sinusumpong pa naman ang Jeep ko. Kayo na ho ang magdala ng payroll sa kamalig at baka
hindi ko abutan ang doktor.""Aba, eh..."
"Ako na ang magdadala niyan, Cynthia," wika niya. "Sige na, umuwi ka na. Baka nga bumuhos ang malakas na ulan, eh, makasama sa iyo."
Kumislap ang mga mata ng babae. "Sigurado mo? Kaya mo bang magtungo sa kamalig? Malayo rin iyon."
"Isinama na akong minsan ni Mitch doon. I can
manage.""Naku, salamat, Nicky. Nasa loob ng library ang
perang inilabas ko sa bangko kaninang umaga at ang listahan ng mga tauhan, aayusin ko bago ako umuwi. Ikaw na ang bahala."Tumango siya at bumalik na ang babae sa library.
"Kung narito lang sana si Caloy para ipagmaneho ako ay ako na ang maghahatid ng suweldo ng mga tao. Pero inutusan ng asawa mo sa bayan para bumili ng mga fertilizer."
"Huwag ho kayong mag-alala. Kaya ko hong
magtungo roon," paniniyak niya."Maaga pa naman, kumain ka na muna. Mamaya pang alas-kuwatro ang suweldo."
"Mamaya na lang-"
"Ano bang mamaya. Hala, maupo ka na riyan at
ipaghahanda kita ng pagkain."Pinilit niyang kumain sa harap ng matandang babae subalit nang matalikod ito'y nagtatakbo siya sa banyo sa guest room at inilabas lahat ang kinain.
Nang huminto siya sa pagduduwal ay kumuha ng bimpo at pinunasan ang mukha. Napatitig siya sa salamin sa banyo.
Am I pregnant?
Hindi niya matiyak kung ano ang mararamdaman sa hinalang iyon. Subalit nitong mga huling araw ay parati nang sumasama ang pakiramdam niya sa tuwing babangon siya. Ni hindi siya halos nagkakakain upang iwasang maduwal.
And she's missing her period.
Napapikit siya. Gusto niyang makatiyak kung
nagdadalang-tao nga siya. Makikipagkita siya sa doktor bukas. Paglabas niya ng banyo'y muntik na niyang mabangga sa pinto si Cynthia.Matiim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Are you pregnant?" nagdududang tanong nito.
"I...I don't know...yet."
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)
RomanceNakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan...